Naramdaman kong palapit sa amin si Kiel. Naramdaman kong umuga ang kama sa kabila. Hindi ako nagpahalata hanggang sa maramdaman ko ang pabango ni Kiel na nasa uluhan ng anak ko.
Hindi ko alam kong anong ginawa basta narinig ko nalang ang yapak nito paalis hanggang sa marinig ko ang pagbukas at pag sara ng pinto.
Sinubukan kong matulog. Sinubukan kong kalimutan ang nakita ko na naman. Hindi ako makatulog. Panay ang tulo ng luha ko dahilan para unti unti na akong makaramdam ng inis. Hindi ako nakatulog kagabe dahilan para gumising ako ng puyat na puyat. Napatingin ako sa orasan na nasa tabi kong cabinet at tumambad sa akin ang mdaling araw pa.
Kinusot ko ang mga mata ko saka ako dahan dahan bumangon upang hindi magising ang anak ko. Dumiretso ako sa banyo ng anak ko at ginawa ang morning routine ko. Pagkatapos non ay lumabas ako ng kwarto at dumiretso pababa para makapag luto na.
Maaga naman akong gumising, ako nalang ang mag luto para sa mag ama ko. Panigurado tulog pa ang mga katulong. Bumaba kaagad ako kasabay non ang pag tunog ng phone dito sa bahay. Kumunot ang noo ko at lumapit din upang sagutin kong sinong tumawag.
Hindi ko pa nakalimutan ang nangyare kagabe. Hindi ko pa nakalimutan kase ang hirap e. Tinanggal ko nalang sa isip ko. Ang importante hindi nakita ng anak ko. Ang importante hindi mag tatanim ng sama ng loob ang anak ko sa ama nito.
Sinagot ang tawag.
"Hija? Hindi ko contact ang phone mo kaya dito nalang ako." si mommy lang pala. Umayos ako ng tayo habang inaayos ko ang robang soot ko.
"nasa pilipinas na kame, kasama na namin ang kpatid mo." ramdam ko ang saya sa boses ni Mom. Mas lalo akong napatayo ng maayos. Unti unting sumilay ang ngiti ko.
"talaga? dumiretso napo kau dito sa bahay mom." nakangiting sagot ko
"hindi na, ikaw nalang ang pumunta sa bahay natin, alam mo naman excited makita ng kapatid mo ang bahay." ngumuso ako pero kalaunan tumango din kahit hindi nila nakikita.
"sure, ako nalang ang pupunta, I want to meet her Mom." i said. Tinapos kaagad ni mom ang tawag. Medjo merong kalayuan ang bahay nina mommy dito sa bahay namin ni Kiel. Pumunta na kaagad ako sa kusina upang makapag simula ng mag luto.
Nag punta ako sa refragerator upang kumuha ng mga sangkap. Nilapag ko ito sa mesa na nasa harapan ko lang. Nag simula akong nag slice ng mga kong ano ano pero bago un nag sootg muna ako ng apron. Nag simula ulit akong mag slice ng mga gulay saka bawang at kong ano ano pa.
"SAMANTHA!"
SH*T!
Dahil sa gulat nasugatan ko ang kamay ko gamit ang kutsilyong hawak ko dahil sa sigaw na yon ni Kiel. Unti unti kong nakita ang dugo pero kaagad ko itong pinunas sa apron at hindi nagpahalata.
"bakit?." nakangiwing tanong ko habang dinamdam ang sugat sa kamay ko.
"faster! I have meeting this morning."
Walang emosyong sabe nito bago ako tinalikuran. Pumikit ako ng mariin agad hinugas ang kamay kong merong sugat. Ang lalim. Mahapdi ito pero kailangan kong tapusin ang pagluluto ko.
Hindi ko muna pinansin ang sugat ko at nag simula na ulit mag slice at mag luto. Masakit pero tiniis ko. Tumingin ako sa dining table kong saan naka upo si Kiel habang nakatingin sa phone.
Sinong ka text niya?
Hindi ko mapigilang hindi mag selos at ma inggit kong sino man yon dahil kahit kailan hindi yan ginawa sa akin ni Kiel. Ang swerte naman. Ngumiti ako ng mapait at bahagyang kumirot ang puso ko.
Binilisan ko ang pagluluto ko at ramdam kong inip na inip na si Kiel. Kaagad ko itong kinuha ang kanin at dinala sa dining area. Bumalik ulit ako sa kusina upang kunin ang hinanda kong ulam at ilagay ito sa harapan ni Kiel. Napatingin ako sa soot nito ng makita kong hindi pa maayos ang necktie nito. Ngumuso ako saka ako dahan dahan lumapit dito.
Nasa tabi na ako ni Kiel habang nakatayo, Umupo kaagad ako. Dahan dahan kong inangat ang kamay ko upang ayusin sana ang necktie ngunit sa mabilis na galaw tinabig niya ang kamay ko at masama akong tiningnan.
"Don't touce me!."
Huminga ako ng malalim at sinunud ang sinabe niya. Napatingin ako sa pagkain na nasa harap at nakahinga ako ng maluwag na maganda naman ang pagkakaluto kahit na nagmamadali ako. Tumayo na sana ako pero aksidente kong natabig ang isang basong tubig dahilan para lahat ng laman nito napunta sa pants ni Kiel.
"F*ck..f*ck...f*ck."
Napatayo ito at kaagad kong narinig ang malulutong nitong mga mura. Nagulat ako at kaagad nataranta.
"sorry..sorry..sorry"Kaagad akong kumuha ng tissue habang humihingi ako ng tawad at punasan sana ang pants nitong nabuhusan ng tubig pero hindi yon ang nangyare. Hinawakan ni Kiel ng mahigpit ang braso ko habang nakatingin sa akin ng masama.
"Did u know that I have a meeting? Did u know? How can I go if i'm dressed like this, you idi*t" galit na sabe nito habang ako naman ngumingiwi dahil sa higpit nitong hawak sa braso ko. I can almost feel his fingers marking my arms because of the tight grip.
"i'm sorry."
Hinging paumahin ko habang sunod sunod umagos ang luha ko pero mas nagulat ako sa ginawa niya. He pulled my hair and he drag me. Hinila niya ako gamit ang buhok ko habang naglalakad kami papunta sa taas.
Ang sakit ng ulo ko. Parang akong kinakalbo habang hinihila ako ni Kiel. Napapikit ako ng mariin habang dinamdam ang sakit sa ulo ko.
"please...k-kiel let me go...ang s-sakit."
Pagmamakaawa ko. Pumasok kami sa kwarto namin ngunit dumiretso ito sa banyo at padabog akong binitawan doon. Napahawak ako sa inidoro at sunod sunod umagos ang luha ko habang nakatingin sa asawa kong madilim ang paningin sa akin.
"It's feels so good look at you while you were crying."
Lumapit ito sa akin at lumuhod upang mag ka level kami. Yumuko ako dahil nasasaktan ako ngunit inangat niya din ang ulo ko gamit ang paghawak nito sa baba ko.
"I want you to cry Sam. I really want you to suffer. You ruin my life. You ruin everything motherf*cker"
Ramdam ko ang galit sa boses na ito. Mas lalong umagos ang luha ko. Sunod sunod ito umagos. Padabog niyang binitawan ang baba ko.
"sa lahat ng kilala kong babaeng malandi, ikaw ang malala Sam. Remember that"
SAM POV.
Iniwan ako ni Kiel na lumuluha pagkatapos sabihin yon. Ang sakit ah. Ang sakit sakit niyang mag bitaw ng salita. Sunod sunod umagos ang luha ko. Ang sakit ng ulo nong hinila niya ako. Napatingin naman ako sa braso kong namumula dahil sa higpit na hawak niya kanina. Pumikit ako ng mariin dagdagan pa ng sugat ko kanina.
Magkilala ang parents namin ni Kiel. Magkaibigan sila. Kilala ko na dati si kiel. I was inlove with him when I was 16 years old until now, mas lumala lang ang pag mamahal ko. He had a girlfriend named sofia pero hindi ko pinaki alaman yon. Nasasaktan ako ng palihim tuwing nakikita ko silang magkasama. Nasasaktan ako pero tiniis ko. Tiniis ko lahat. Mahal ko siya. Mahal na mahal na.
Isang araw dumating ang hindi ko inaasahan na tumawag siya sa akin lasing lasing. Hindi ko alam kong bakit ako ang tinawagan niya at hindi si sofia na girlfriend niya. Naglalasing ito. Pinuntahan ko siya sa bar kong saan ito nag iinum na mag isa.
Lagi niyang sinasambit ang pangalan ko na hindi ko alam kong anong dahilan. Humingi ako ng tulong para tulungan akong e uwi siya pero hindi ganun ang nangyare. He kissed me hanggang sa napunta kami sa isang bagay na hindi dapat nangyare.
Iniwasan ko siya pagkatapos non habang siya naman ay walang naalala. Hindi niya maalala ang nangyare. Wala siyang maalala sa sobrang kalasingan.
Hanggang sa nag bunga yon at si Austen yon. Sinabe ko sa magulang ang nangyare. Sinabe ko sa kanila na buntis ako at kng sino ang ama, at sinasabe ko sa kanila ang totoo.
Pinakasal nga ako kay Kiel dahil sa pag bubuntis ko. Nakipag break si Sofia sa kanya sa harapan naming lahat. Nasaksihan ko kong paano naging miserable ang buhay ni Kiel pagkatapos iwan ito ni sofia. Nasaksihan ko lahat. Kong pwede lang iwan para maging masaya ang taong mahal ko pero ayaw ko kase paano naman ang anak ko. Ayaw ko kase mahal ko. Ayaw ko kase yon ang gusto ng magulang ko.
Dahan dahan ako tumayo at umupo sa inidoro. Sunod sunod parin umagos ang luha ko. Halos habulin ko na ang hininga ko para bumalik lang sa normal ang paghinga ko.
Nasasaktan ako sa physical lalong lalo na sa emotional. Masakit ang ulo ko dahil sa pag hila sa akin ni Kiel kanina. Masakit din ang braso ko at ang kamay kong nasugatan ko kanina.
Dahan dahan akong tumayo upang tingnan ang sarili sa salamin at tumambad sa akin ang magulo kong buhok at magulo kong mukha. Parang pinipiga ang puso ko. Naninikip ito sa sobrang sakit.
D*MN!
Inayos ko ang sarili ko. Ang buhok kong nagulo ay sinuklay ko na. Ang braso kong pumula ay hinayaan ko nalang, lagyan ko nalang mamaya ng compress. Naligo narin ako saka nag bihis. Pinunasan ko ang luha ko. Kahit na nag retouch na ako ay patuloy parin sa pag agos ang luha ko. Lumabas ako ng kwarto na nakapag bihis na.
Hindi ko pinahalata ang nangyare sa pagitan namin ni Kiel. Bumaba ako sa hagdan at tumambad sa akin ang anak kong nasa sala na habang nag aayos ng uniform. Lumapit ako dito saka ko siya niyakap. Ako na naman maghahatid. Didiretso nalang ako kina mom. Hindi na ako maka hintay na makilala ang kapatid ko.
"Are done eating?" tumango ang anak ko. Kinuha ko na ang kamay nito at lumabas na. Mugto mugto ang mata ko at alam ko un pero tinakpan ko na ng make up. Nagamot ko na rin ang sugat ko sa kamay ko. Pinag buksan ko ang anak ko ng pintuan bago ako umikot papunta sa driver sit. Pina andar ko ang sasakyan ko at umalis na.
Hindi naman ako malandi e. Simple lang akong tao. Maayos ang pagkatao ko. Wala akong ginawang kasalanan. Tumulo ang isang butil kong luha pero pinunasan ko lang ng maalala ko ang sinabe ni Kiel. Nasisiyasan siya kapag nakikita niya akong umiiyak. Para yong langit para sa kanya.
"Why are u crying mommy?." Biglang tanong ng anak ko na ikinagulat ko. Pinalis ko kaagad ang natira kong luha saka ako umiling at ngumiti sa anak ko. Ilang sandali narating namin ang paaralan. As usual hinatid ko siya sa gate bago ito nag paalam.
Bumalik ako sa kotse ko pagkatapos. Inayos ko ang make up ko bago ko pinaandar ang kotse ko papunta sa bahay nina mommy. Kumikirot ang puso ko pero hindi ko na pinansin. Makakalimutan ko rin to pag makita ko na ang kapatid ko.
Tinext ko si mom na parating na ako. Bumili pa ako ng isang favorite na dessert ni mom at wine naman para kay dad. Pina andar ko ulit ang kotse ko pagkatapos kong bumili. Pinipiga ang puso ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kong bakit ako kinakabahan.
Narating ko ang mansyon namin ng ilang sandali. Pinasok ko ang kotse ko sa garahe namin dito. Lumabas kaagad akp pagkatapos kong kinuha ang pasalubong ko. Mas lalong bumundol ang kaba sa puso ko na kailangan ko pang lumanghap ng hangin.
Dahan dahan akong naglakad at mula sa kinatayuan ko ay rinig na rinig ko ang tawanan sa loob. Hmm? Lumaki ang ngiti ko pero sa loob loob ko kinakabahan ako. Dahan dahan akong pumasok kahit na parang ayaw humakbang ng paa ko.
Habang palapit ako ay mas lalo kong narinig ang tawanan sa loob. Huminga ako ng malalim ng nasa harap na ako ng malaking pintuan namin. Dahan dahan kong inikot ang doorknob upang buksan saka ako pumasok.
Lumakad ako papuntang sala at tumambad sa akin ang taong hindi ko inaasahan na andito. Muntik ko ng mabitawan ang dala ko ng makita ko kong sinong katabi ni mom.
"S-sofia?"
SH*T!