Namamaos ang boses ni Kiel habang nagsalita ito. Hindi ko alam na favorite niya ang pagkain na yan. Hindi ko alam. Nangingilid ang luha ko pero pinigilan ko itong tumulo sa pamamagitan ng pag kagat labi.
"ohh alam mo ang favorite na ulam ni kiel hija?." Si mommy na gulat na gulat. Yumuko ako dahil sa kahihiyan. Humigpit ang hawak ko sa tinidor ko. Mas lalo akong yumuko.
"yes mommy! Ako nga nag luluto nito e diba ezekiel?." masayang sabe naman ni sofia. Mas lalong kumirot ang puso ko. Ako yong asawa pero wala akong alam tungkol sa mga gusto nito. Ako yong asawa pero parang hindi. Tumango si kiel, nakita ko ito mula sa gilid ng mata ko.
"Oo nga pala, meron kayong nakaraan. How about you sam? ALam mo ba ang gusto ng asawa mo?." Biglng tanong ni mom na nag patigil sa akin. Lumunok ako saka ako umiling. Bumagsak ang balikat ng aking ina na parang dissapointed.
"Ohh?.." sipol ni sofia. Hindi na ako nag salita. Nagbabara ang lalamunan ko. Yumuko at bahagyang nakaramdam ng hiya. Napatingin ako kay kiel na nakatitig lamang kay sofia.
Umiwas kaagad ako. Durog na ang puso ko. Kayang kayang wasakin ni Kiel ang puso ko ng pinong pino. Kinagat ko ang labi ko sa nag babadyang luhang gustong umagos. Napatingin ako sa anak kong kumain lang na parang hindi nakikinig.
It's ok Sam.
Ngumiti ako ng mapait para sa sarili ko. Ilang sandali pa natapos kami kaagad sa kain. Sumunod ako sa kusina upang ilagay ang pinggan na ginamit namin. Kagawian ko na itong tumulong sa mga katulong. Pumasok ako sa kusina ngunit natigil din ng makita ko si...
Sofia na nakasandal sa sink ng kitchen habang kinokorner ito ni Kiel. Kinulong ni Kiel si sofia gamit ang mga braso nito. Muntik ko ng mabitawan ang pinggan na hawak ko.
"F*ck.I missed you"
Tumulo na ang luha kong kanina ko pa pinigilan. Tuluyan ko ng hindi napigilan ang luha ko dahil ngaun nasasaktan ako.
Umatras ako. Nanlalabo ang paningin ko pero hindi hadlang yon para hindi ko makitang naghalikan sila. Sunod sunod umagos ang luha ko. Nanghihina ako pero pinalakas ko ang katawan ko. Bumalik ako sa dining area at binalik doon ang pinggan na hawak ko. Buti nalang si manang nalang ang nasa dining area dahil sina mommy ay nasa sala na. Pinunsan ko ang luha ko.
"Bakit? San ka pupunta?." biglng sabe ni manang ng makita niyang binalik ko ang pinggan na dapat ilagay ko na sa kusina. Nangingilid ang luha ko. Nasasaktan ako sa nakita ko at narinig ko. Naghalikan sila. Hindi ko alam kong anong nararamdaman ko, nasasaktan ako.
"M-mag bibihis lang p-po." Nanginginig ang boses ko. Tumalikod na ako at hindi ko na hinintay pang sumagot si manang. Tumulo na ang luha ko habang paakyat ako sa taas. Sunod sunod umagos ang luha ko na parang ulan. Halos gusto kong takbuhin ang kwarto namin upang doon ilabas ang sakit.
Pag bukas ko palang sa pinto don na ako humagulgul. Nakasandal ako sa pintuan habang nakatingalang umiiyak. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa narinig ko at nakita ko. Kumikirot ang puso ko. Mas lalong umagos ang luha ko ng makita kong nag halikan sila.
Mahal pa nila ang isat isa.
Nanghina ako ng maisip ko un. Paano kong hilingin ni sofia si kiel sa magulang ko? Pumikit ako ng mariin hindi naman yan magagawa ng ina ko. Mas lalo akong umiyak ng pumasok ang imahe nila sa akin habang nakasandal si Sofia sa sink at kinukulong ito ni Kiel.
Siguro miss nila ang isat isa. Kapatid ko si sofia? Napaka komplikado naman. Ang hirap naman ng nasa sitwasyon ko. Dahan dahan akong umupo habanh umiiyak parin. Nasasaktan ako pero wala akong magawa. Mas lalo kong nakumpirma na mahal pa nila ang isat isa. Isa isang tumulo ang luha ko na parang ulan.
"Samantha?."
Natigil ako sa pag iyak ng marinig ko ang boses at katuk na un ni manang. Pinunasan ko ang luha ko pero tumulo parin.
"P-po?" Nanginginig ang boses ko ng nagsalita ako.
"Ok ka lang ba?." Mas lalong umagos ang luha ko sa tanong na un ni manang. Siguro naramdaman niya na masama ang pakiramdam ko. Umiling ako dahil hindi ako ok. Nasasaktan ako dahil ako yong asawa pero wala akong alam tungkol kay kiel. Nasasaktan ako dahil mahal pa nila ang isat isat.
"O-o naman po" I lied
Sunod sunod umagos ang luha habang dahan dahan akong tumayo upang makapag ayos na. Ayos lang yan Sam, ayos lang yan. Matutunan karin niyang mahalin. Ayos lang yan at kaya mo yan. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na maayos lang ako pero ang totoo..
Hindi!
Pumasok ako sa banyo at doon pinagpatuloy ang pag iyak. Pumasok ako sa shower room at kaagad kong naramdamam ang malamig na tubig sa katawan ko kasabay non ang pag daloy ng luha ko sa pisngi ko.
SAM POV.
Dinamdam ko ang malamig na tubig na dumaloy sa buong katawan ko. Hindi ko pinansin ang luha kong sunod sunod umagos. Hinayaan ko ito. Ilang sandali din natapos ako. Dumiretso ako sa closet upang mag bihis. Mugto mugto ang mga mata ko pero nilagyan ko nalang ng kaunting make up ang mukha ko. Lumabas ako ng kwarto at umaktong parang walang nangyare. Umakto na parang normal. Huminga ako ng malalim bago ako dahan dahan bumaba. Maingay sa baba kahit na medjo malayo pa ako sa kanila.
Nasa akin agad ang paningin nila ng nakita nila akong bumaba. Nasa kandungan ni dad ang anak ko habang umiinom ng chuckie. Nasa pang isahang soffa si kiel. Kumirot ang puso ko ng maalala ko ang ginawa nila. Gusto ko silang pag sabibin. Gusto ko silang kumprutahin pero natatakot akong ako na naman ang mali. Natatakot akong, ako naman ang masama. Natagakot akong, ako naman ang nanakit. Umiwas ako ng tingin at umupo sa tabi ni mom.
"What took you so long?." si mommy na nakatingin sa akin. Sumandal ako sa backrest at tiningan si sofia na nakangiti ng malaki sa akin. Totoo ba yan? Hindi ko mabasa ang pag iisip at galaw ni sofia. Nakangiti ito ng malaki sa akin habang ako naman ay pinagmasdan ito ng mabuti.
"I just took a bath and get dressed." nakangiti ring sabe ko sa aking ina kahit na sa loob loob ay para na akong dinudurog. Pilit akong ngumiti ng matamis at pinakita sa kanilang walang problema.
"by the samantha?." Bumaling ako kay sofia ng nag salita ito.
"I change my mind, I pick you up here tonight." Kumunot ang noo ko sa sinabe nito. Napatingin kaming lahat dito.
"yong pinag usapan natin Sam? Nakalimutan muna?." Sabe nito na parang nasasaktan. Akala ko ba next week pa yon? Umiling ako sa sinabe ni Sofia. Hindi ko naman nakalimutan, ang akala ko lang nextweek pa.
"Where are you going?." Seryosong sabe naman ng ama ko. Bumaling ako sa asawa ko at muling kumirot ang puso ko ng nakatitig lamang ito kay sofia, bawat galaw ni sofia sinusundan niya ng paningin. Umiwas ako ng tingin
"I just want to be with my sister dad? Mag bobonding kami ni Sam bilang magkapatid." Masayang sabe ni sofia habang ako naman ay nasasaktan. Yumuko ako
"hindi ako pwede sofia, pasensiya na." Matapang na sabe ko dahil hindi ko parin itong gustong makasama. Napatingin ako sa aking ina na masama na naman ang tingin sa akin.
"what? Come on Sam? You made a promised" si sofia na gulat na gulat.
"pag bigyan muna ang kapatid mo Samantha?." Seryosong ani ng aking ina. Hindi ko alam kong anong maramdaman ko. Tumingin ako kay kiel na hanggang ngayon nakatitig parin kay sofia. Huminga ako ng malalim bago ako tumango.
"yown, it's ok for you ezekiel right?." Malambing na tanong ni sofia pero walang nakapansin doon. Nagtama ang mata nila na parang nag uusap sila gamit ang mata.
"of course it's ok!." Malamig na sagot ni kiel. Hindi ako makapaniwal. Pagdating sa kapatid ko ibng iba ito. Lumunok ako dahil nag babara ang lalamunan ko.
"it's settled then, I pick you up here tonight sam, get ready."
Hindi ako nag salita sa sinabe ni sofia. Nagbabara ang lalamunan ko. Nakasandal lang ako sa soffa kong saan ako naka upo habang pinagmasdan ang dalawang nag huhuliang nagkatitigan. Kumikirot ang puso ko at tanging ginagawa ko nalang ay umiwas ng tingin.
"Hindi na kami mag tatagal, meron pa kaming lakad." Basag ni mommy ng ilang sandali. Hinatid ko ito sa gate kasama ang anak ko. Hinalikan ako ni mommy at daddy sa pisngi bago sila pumasok sa kotse. Kumaway lang sa akin si sofia at tumingin sa likod ko kong saan nakatayo si kiel. Hindi ko tiningnan si kiel kong anong reaction nito.
Nasa bisig ko ang anak ko habang umiinom parin ng chuckie. Napabaling ako sa asawa kong dumiretso sa garahe at pumasok sa kotse bagp ito umalis at iniwan kami dito ni austen. Tumulo ang luha ko pero agad ko din itong pinunasan bago kami pumasok sa loob.
Nasasaktan ako!
Sinalubong kami ni manang na may dalang tubig. Ngumiti ako dito ng malungkot. Ok lang ako manang. Niyakap niya ako, kasama ang anak ko. Pangalawang ina ko ito si manang. Siya na ang yaya ko simula nong bata pa ako. Umupo kami sa soffa at nag pahinga. Kahit wala naman akong ginagawa pero pakiramdam ko pagud na pagud ako. Uminom ako ng tubig.
"N-nakita ko kanina ang asawa mo saka yong kapatid mo na.." tumulo ang luha ko ng maalala ko yon. Napatingin ako kay manang na punong puno ng pag aalala ang mga mata. Kaya niya ako pinuntahan kanina kase nakita niya ang nakita ko. Sunod sunod umagos ang luha ko habang nakatingala kay manang. Kahit anong pigil ko sa luha ko kong nasasaktan ka talaga, tutulo at tutulo parin.
"wag niyo po akong manang, ok lang po ako." Kinuba ko si austen at inangat ko ito at dinala sa bisig ko bago ko nilagpasan si manang. Pinunasan ko ang luha ko at umakyat sa taas.
"Samantha?." Tawag yon ni manang sa akin dahilan para lumingon ulit ako. Ngumiti ako dito ng matamis na parang pinapahiwatig kong ok lang ako pero ang totoo hindi.
Umakyat na ako sa taas at dumiretso sa kwarto ng anak ko. Nilapag ko si austen sa sahig dahilan para tumakbo ito sa mga laruan niya na nasa isang malaking box. Hinyaan ko ang anak ko.
Binuksan ko ang veranda ng kwarto at agad akong sinalubong ng hangin. Lumipad ang nakalugay kong buhok. Umupo ako sa pang isahang soffa dito sa veranda ng anak ko. Sumandal ako sa backrest at pumikit.
Pinipiga ang puso ko sa nakita ko kanina. He still love sofia. I wonder na kahit kunti lang minahal ba ako ni Kiel? I wonder na kahit kunti lang nag aalala din ba ito? I wonder kong kahit kunti lang namiss niya ba ako? Tumulo ang isang butil kong luha dahil alam ko sa sarili ko na wala parin.
Buong araw akong nasa bahay kasama ang anak ko. Buong araw akong nanatili sa kwarto habang nag iisip. Pababa na ako ng hagdan dahil dumating na si sofia.
"let's go?" hinila niya ang kamay ko palabas ng bahay. Hindi pa umuwi si kiel baka abala sa meeting. Pumasok kami sa kotse na bagong bago na kakabili lang. Pinahurot niya kaagad ang sasakyan.
Pinahurot ni sofia ang sasakyan. Hindi ko alam kong saan kami pupunta. Nakatingin lang ako sa unahan habang nag sasalita ito tungkol sa kotse na ito na regalo ni Dad. Unti unting bumabawi si dad at mom sa pagkukulang nila kay sofia. Panay ang kwento nito habang ako sinubukan kong ngumiti.
Ilang sandali narating namin ang lugar na gustong puntahan ni sofia. Mula dito sa parking lot dinig na dinig namin ang malakas na music sa loob at sigawan ng mga tao. Sumilip ako at napagtanto kong nasa isang bar kami. Napatingin ako kay sofia na malaki ang ngiti.
"let's go? Nasa loob na ang mga kaibigan ko." Nauna itong lumabas. Umurong ako parang hindi ko gusto. Meron na akong asawa at anak at hindi na ito pwede sa akin. Dahan dahan akong lumabas at nagulat ako ng bigla akonf hinila ni sofia papasok sa loob. Tumango siya sa dalawang nag babantay sa pinto bago kami pumasok.
Tumambad kaagad sa akin ang mga taong nag sasayawan, nag iinuman, naghahalikan at kong ano ano pa, amoy usok din ang buong paligid at nakakahilo ang ilaw. Hinila ako ulit ni Sofia at dumaan muna kami sa mga taong nag sasayaw sa harap. Tumingin ako sa paligid ang gulo nito.
"SOFIA HERE!?"
Narinig namin ang sigaw na yon kong saan. Lumaki ang ngiti ni sofia ng makita ang mga taong nasa soffa habang umiinom na. Lumapit kami doon at nasa akin agad ang paningin nila.
"guy's this is my sister, Samantha." Pagpakilala ni sofia sa akin. Isa isa nilang sinabe ang pangalan nila pero hindi ko na matandaan. Pinaupo nila ako sa pang isahang soffa habang nag oorder sila ng inumin.
"Samantha? mga kaibigan ko." tumango ako kay sofia at nakipag ngitian sa mga kaibigan. Dumating ang inumin nila at nag simula na silang tumwa. Hindi ako maka sabay dahil hindi ako sana sa ganito.
Nag inuman na sila habang nakatingin lang sa kanila. Ang iba lasing na at medjo may tama na kase kong ano ano na ang ginagawa nila. sumabay din sa kanila si sofia sa pag tatawanan at inuman.
"SAMANTHA?"
Sigaw yon ni sofia upang marinig ko. Mas lalong lumakas ang music at kailangan naming mag sigawan.
"Drink this?."
Umiling kaagad ako ng makita kong nilahad niya sa akin ang isang matapang na alak. Pinagtutulungan na ako na inumin ko yon.
"no thanks sofia, i don't drinks, tama na sa akin ang juice" nakangiting sabe ko pero umiling lang ito at disspointed na tumingin sa akin.
"come on wag kang kj, minsan lang to saka isa lang to Sam." Pangungulit niya at ginatungan pa ito ng mga kaibigan niya kaya wala akong nagawa kundi tanggapin ito.
"isa lang ha?." tumango sila bago ko nilagok ang alak. Naramdaman ko kaagad ang pag daloy ng alak sa lalamunan ko. Sumigaw sila sa ginawa ko at muli silang bumalik sa kasiyahan.
Sumandal ako sa soffa ng maramdaman kong bumibigat ang mata ko. Hinilot ko ang sintedo ko ng gustong gusto ko ng ipikit ang mata ko. Sinubukan kong dumilat ngunit naramdaman ko kaagad na umangat ako. Bago ko pa tuluyang ipikit ang mata ko nakita ko ang malaking ngiti ni sofia
"Sleepwell my dear sister." and everything went black.