KATATAPOS lang ng last subject ni Jeany nang araw na iyon nang makasalubong niya ang kaibigan ni Nicolo na si Yule. "Hi, Jeany! How was your class?" nakangiti nitong bati sa kaniya. "Balita ko, isa ka raw sa fast learner na estudyante ni Chef Tai, ah." Ang Chinese na chef at isa sa instructor ni Jeany ang tinutukoy ni Yule. "Hindi naman po, Sir. Nagkataon lang na mas sanay ako sa kitchen kaya ako ang laging nauunang matapos," nahihiya niyang sagot. "You are so kind and humble. No wonder kung bakit na-in love sa'yo si Nicolo," totoo ang ang saya sa boses na wika ni Yule. "Pero isusumbong kita sa kaniya. Dahil hanggang ngayon ay 'sir' pa rin ang tawag mo sa'kin. You are my friend's girlfriend. So cut the formality. Just call me 'Yule', Jean." Ang totoo niyan, ilang beses na iyong sinabi