Chapter 4

1640 Words
HINDI alam ni Nicolo kung ilang beses na siyang tumingin sa wall clock para alamin ang oras. It's already eleven o'clock in the evening pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Gwen. Nag-aalala na siya. Mayamaya'y mabilis na bumaba si Nicolo nang marinig niya ang pamilyar na busina ng sasakyan nito. Gusto niyang siya ang sumalubong sa asawa kaya nakipag-unahan siya kay Jeany na noon ay nagmamadaling pumunta ng gate. "It's okay, Jean," sabi ni Niolo para pigilan ang bagong yaya ni Elliana. "Ako na ang sasalubong sa Ma'am Gwen mo. Bumalik ka na lang sa pagtulog." "Okay po, Sir Nic. Thank you," magalang nitong sagot na hindi gaanong tumitingin sa kaniya bago bumalik sa maid's quarter. Bago tuluyang binuksan ang gate ay inihanda ni Nicolo ang matamis na ngiti para sa asawa. Ngunit simpleng tango lang ang isinukli ni Gwen nang makababa ito ng sasakyan. Dismayado ang binata pero binalewala niya iyon. Nilapitan niya ito para salubungin sana ng halik pero umiwas ito. Ikinuyom na lang ni Nicolo ang mga kamay para pigilan ang sarili na masaktan. "Bakit ginabi ka--" "Naging madugo ang paghuli namin sa druglord ng Antipolo." Hindi pa man siya tapos magsalita ay sumagot na si Gwen. Lagi itong ganito. Na para bang hindi interesado sa anumang sasabihin niya. "Nabaril ang isa kong kasamahan kaya dinala namin sa ospital. But he's fine now." "God, are you okay? Nasaktan ka ba sa engkuwengtro?" Nag-aalala niyang tiningnan ang katawan ng asawa para alamin kung may sugat ba ito o kaunting galos pero sinaway siya nito. "Stop it, Nic... Stop treating me like a China doll." Natatawa nitong sagot. Hindi dahil natutuwa sa kaniya kundi dahil siguradong inisip ni Gwen na mukha siyang tanga. "Nakalimutan mo na yata na pulis ang asawa mo at hindi prinsesa. So stop treating me like one." Napakamot na lang sa ulo niya si Nicolo. "I'm sorry. Alam mo naman na ayaw na ayaw kong masaktan ka." "Being hurt is a part of our job. You should know that." Hindi na lang kumibo ang binata. Sanay siya kay Gwen na laging may depensa. Sa kanilang dalawa ay ito ang ayaw magpatalo. Gusto rin nito ang laging nasusunod. At dahil masunurin at maunawaing asawa si Nicolo kaya pinapabayaan na lang niya ang gan'ong ugali ni Gwen. Hindi niya kayang makipagtalo sa babaeng minamahal. Ayaw niyang sumama ang loob nito sa kaniya kahit minsan. "Tulog na ba si Elliana?" tanong ni Gwen habang ibinababa ang mga gamit, na kaagad namang kinuha ni Nicolo sa mga kamay nito. "Kaninang eight pa. Nakatulog na nga lang sa paghihintay sa'yo, eh. Umasa kasi siya na matutuloy pa rin ang baking session n'yo kahit medyo late na." "Eh, 'di dapat in-explain mo sa kaniya na nasa trabaho ako," naiinis na sabi ni Gwen. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi niya. "Kapag ikaw nga ang nasa work at hinahanap ka niya, pinagtatakpan kita, eh." Nagsikip ang dibdib ni Nicolo sa naging reaksiyon ng asawa. "G-gan'on nga ang ginawa ko. But you know her. Matagal mawala ang tantrums niya kapag pinangakuan at hindi natupad," katwiran ni Nicolo. Inirapan siya ni Gwen. "Iyon naman pala, eh. Bakit parang pinapamukha mo sa'kin na wala akong kuwentang ina dahil binigo ko siya today?" He shook his head emphatically. "No. That's not what I mean, Gwen. Alam mong hindi ko kaya na pag-isipan ka nang masama." Ibinaba niya ang mga gamit ni Gwen at niyakap niya ito mula sa likuran para lambingin. Hindi niya alintana ang nasasaktang puso. "I'm sorry kung gan'on ang naging dating sa'yo nang sinabi ko. Promise, hindi na mauulit. I love you so much..." Napasinghap ito. "I'm sorry din sa naging reaksiyon ko. Alam mo na ayoko nang sinasalubong ng bad vibes kapag galing ako sa work, at pagod na pagod." "I know... I know. That's why I'm sorry," mababa ang boses na wika ni Nicolo. Sinubukan niyang halikan ang pisngi ng asawa ngunit mabilis nitong binaklas ang mga braso niya na nakayakap sa beywang nito. Pagkatapos ay agad na lumayo sa kaniya. "I'm so tired, Nic. I badly need some rest," walang emosyon na sabi ni Gwen at tinalikuran na siya. Napailing na lang sa sarili niya si Nicolo. Nagbadyang kumirot ang puso niya dahil sa kalamigan na ipinapakita ng asawa pero kaagad niyang kinalma ang sarili. Minsan ay parang gusto na lang niyang pagurin ang puso para hindi na ito masaktan kapag ginagan'on siya ni Gwen. Nag-init ang mga mata na napatingin si Nicolo sa suot na wedding ring. Five years na rin pala simula nang ikasal sila ni Gwen. At limang taong na ring araw-araw na nadudurog ang puso niya. Ang puso niya na never na yatang nabuo simula nang magsama sila ng asawa. Pero hindi siya bibigay. Never niyang susukuan ang mahal na mahal na asawa. *************** "GUSTO mo bang mag-dinner? Ipaghahanda kita. Masarap ang adobo na niluto ng bagong Yaya ni Elliana," malambing na saad ni Nicolo nang maabutan niya si Gwen sa master bedroom na naghububad ng uniporme. "Thank you, Nic. Pero kumain na kami sa labas ng mga kasamahan ko. Nagutom na kasi kami, eh," simple nitong sagot at saka walang paalam na tumungo ng banyo. Huminga siya nang malalim para labanan ang paninikip ng dibdib habang sinusundan ng tingin ang asawa. He should be the luckiest man in the world dahil naging asawa niya ang kaisa-isang babaeng minahal at pinangarap na maging asawa, ang unica hija ng isang kilalang bilyonaryo sa buong mundo, at ang babaeng pinapantasya ng mga kalalakihan dahil bukod sa pisikal na kagandahan ay magaling din na pulis. Ngunit paano nga ba naging masuwerte ang isang tao na solong nagmamahal at lumalaban sa isang pagsasama? Matiyagang hinintay ni Nicolo na matapos sa pagsa-shower si Gwen para i-body massage ito, at para matanggal ang pagod. Kahit ang totoo ay kumukulo na ang kaniyang tiyan dahil hindi pa siya naghahapunan. Pero hindi niya puwedeng sabihin kay Gwen na nagutuman siya dahil hinintay niya ito. Siguradong mamasamain na naman iyon ng kaniyang asawa. Napalunok si Nicolo nang sa paglabas ni Gwen ay kapirasong towel lang ang nakabalot sa katawan. Nakalantad ang makikinis at mapuputi nitong mga hita. Tumayo siya at hindi niya napigilan ang sarili na salubungin ito ng yakap at halik. Pero mabilis itong lumayo sa kaniya na para bang ibang tao siya at pinandidirihan. "Nic, naman..." naiinis na saway sa kaniya ni Gwen. "We've been married for five years now. Hanggang ngayon ba naman ay hindi mo pa rin memorize ang rules natin? Rule number 1: No touching, right? So, ano 'yan?" Naumid ang dila ni Nicolo kasabay nang tila libong karayom na tumutusok sa puso niya. "But I love you so much, Gwen. And you know that. I want to feel you. I want to touch you. Five years ko na ring taimtim na sinusunod ang rules natin. Pero ang hirap... Ang hirap-hirap na katabi mo lang sa kama ang babaeng mahal mo pero kahit halikan sa labi ay hindi mo magawa dahil sa lintik na rule number one na yan." Kinagat ni Nicolo ang ibabang labi niya. He has the sexiest wife in the world. Pero nakakatawa na kahit minsan ay hindi pa niya ito naangkin o kahit nahawakan man lang nang matagal. So funny na pantasya si Nicolo ng mga kababaihan pero limang taon na siyang nagtitiyaga sa pagse-self pleasure para lang hindi magkasala sa asawa. At para ipakita rito na seryoso siya sa pagsasama nila at sa pagmamahal niya rito. Tiningnan siya ni Gwen nang masama. "Damn you, Nic! 'Wag mo nga akong minumura. Because in the first place, ikaw ang nag-alok at nagpumilit sa'kin ng ganitong set up. At pangalawa, umpisa pa lang ay nilinaw ko na sa'yo na magsasama lang tayo para kay Elliana pero walang halik o s*x na mangyayari." Padabog itong kumuha ng damit sa closet. "Tapos bandang huli, ako pa ang lumalabas na masama? Bullshit!" Nabahala si Nicolo nang makita ang galit sa mukha ni Gwen. Noon lang niya na-realize ang mga maling sinabi. Lumapit siya sa asawa at nagsumamo sa harapan nito. "I'm sorry, Gwen. I didn't mean it. Nadala lang ako ng emotion ko." "Kahit kailan ay never kong makalimutan ang lahat ng ginawa mo para sa anak natin, Nic." Lumambot ang mukha ni Gwen at bumaba ang boses. "Pero kung nahihirapan ka, mas nahihirapan ako. Ang hirap-hirap matulog sa kama na hindi mo mahal ang katabi mo. Ang hirap pumikit na parang may katabi kang estranghero... Kaya nga gusto kong pumayag ka na sa annulment, eh. Para hindi na tayo mahirapan parehas. Ang sabi mo nga, limang taon ka ng nagtitiyaga sa set up natin. Hindi ka pa ba napapagod?" Rumehistro ang paghihirap sa maganda nitong mukha. "Kasi ako, Nic, pagod na pagod na." Malinaw na narinig ni Nicolo ang sinabi ni Gwen. Pero hindi iyon kayang i-proseso ng isip niya. Hindi iyon matatanggap ng puso niya. Kahit brokenhearted na siya, hindi niya pa rin isusuko si Gwen. Ipaglalaban niya ang pagmamahal niya rito kahit sa huling t***k ng puso niya. Mamamatay muna siya bago sila maghiwalay. He gently brushed her face. "You are just tired. Magpahinga ka na... Sisilipin ko lang si Elliana." Hinalikan niya ito sa noo. "Good night, my loves. I love you." Sa takot na baka muling igiit ni Gwen ang annulment, hindi na niya hinintay na makasagot ito at tumalikod na si Nicolo. "I will pursue the annulment no matter what, Nicolo..." Narinig pa niyang sabi nito na puno ng determinasyon habang lumalabas siya ng kuwarto na parehong mabigat ang dibdib at mga paa. At ipagalalaban ko naman ang pamilya natin at ang pagmamahal ko sa'yo, Gwen... Kahit anong mangyari. Puno rin ng determinasyon na sabi ng isip ni Nicolo at saka bumaba para kumain ng late dinner.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD