NAPANGITI si Jeany nang sa pagmulat niya ng mga mata ay nakita niya kaagad si Nicolo na nakatayo sa harap ng salamin. Nakabihis na ito at nag-aayos ng sarili sa harap ng malaking salamin. Tumayo siya mula sa kama at nilapitan ang nobyo. Naglalambing niyang niyakap at saka hinalik-halikan sa batok. Nakaligo na rin pala ito dahil medyo basa pa ang buhok. Napakabango nito. Ang sarap-sarap yakapin at panggigilan. "Sir Nic..." malambing na tawag ni Jeany sa pangalan ng boyfriend. Tumigil ito sa pag-aayos ng buhok at nilingon. "Yes, my angel?" Bahagyang tumingkayad ang dalaga at hinalikan sa mga labi si Nicolo. "Gusto lang kitang yakapin." He smiled. "Ang sarap namang maglambing ng angel ko..." Humarap sa kaniya ang binata at niyakap din siya. "Hindi ba ako ang dapat na maglambing sa'yo dah