IT'S A FINE MORNING, isang linggo nalang babalik na siya sa kumbento. And that time magiging ganap na siyang madre. Which is her dream since she was a kid.
Nakatambay siya sa paborito niyang pwesto sa bahay nila. Sa gazebo sa may garden nila. Sa tuwing umaga at hapon nakatambay na siya dito para magpalipas ng oras.
"Good morning sister Micah"masayang bati ni Eunice.
Nakangiti niya itong sinalubong, akay-akay nito ang mga anak nito.
"Good morning ate Eunice"
Sinalubong niya ang mga ito at inalalayan ang panganay na anak nito.
"Ang laki mo na Crown"
Nakangiti Lang ito habang nakatitig sa kanya. Maya-maya pa'y nagpakandong na sa kanya ang bata. Marahil nakilala na siya nito, maliit Pa kasi ito noong huling magkita sila.
"Kamusta ka naman Sister Micah?"tanong ni Eunice sa kanya.
"Ate Eunice naman Micah nalang po. Nakakahiya naman na tawagin mo akong sister Micah"
Ngumiti ito saka pinakatitigan siyang mabuti.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy Pa Micah"
Nakuha nito ang buo niyang atensyon dahil na din sa kaseryosohan ng boses nito.
"Alam mo ba kung nasaan ang kapatid ko? Hindi kasi siya umuuwi tatlong araw na ang nakakaraan. At nag-aalala na sila Meme at Dada sa kanya"patuloy nito na iling lamang ang naisagot niya dito.
"Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo ang nangyari sa kanya"
"Ate Eunice, this past few days palagi kaming magkasama. Palagi ko siyang pinapangaralan ng dapat at hindi dapat niyang gawin"
Huminga ng malalim si Eunice bago tumingin sa mga anak nitong mga lalaki.
"Natatakot ako Micah, para sa kapatid ko. Hindi na namin alam kung ano ba ang nangyayari sa kanya. Hindi naman siya ganon dati, hindi na alam nila Dada kung saan hahanapin si Jace. At kung paano siya ia-approach"
Hindi naman niya malaman kung ano ang isasagot niya dito.
"Alam mo ba kung bakit siya nagkakaganito. Baka may nababanggit siya sayo? Kayo Lang kasi ang close na dalawa bukod sa kuya Kyle mo. At alam ko hindi magsasabi ang kapatid ko kay Kyle, kaya sayo ako lumapit"
"Sa tingin ko ate Eunice bigo sa pag-ibig si Jace. Iyon kasi ang nababanggit niya sakin"
Bigla nalang umasim ang mukha ni Eunice at naging mataray.
"Alam mo Eunice, hindi mabigat na reason ang broken-hearted ang kapatid ko para magdrugs siya at gawing patapon ang buhay niya. Hindi Pa man naiinis na ako sa babaeng dahilan kung bakit ganito ang kapatid ko kung talagang siya ang dahilan ni Jace kung bakit niya sinisira ang buhay niya"inis na bulalas nito.
Biglang umiyak ang bunsong anak ni Eunice ng dahil sa pagtaas ng boses niya.
"Shhh, it's okay Royal. Hindi galit si mommy"pag-aalo nito sa anak.
"Sa tingin ko naman ate Eunice walang alam iyong babae na may gusto sa kanya si Jace. Hindi naman mahirap mahalin si Jace, mabait siya at maalalahanin. Kung ako Lang ang babaeng iyon hindi ko sasayangin ang pagkakataon na mahalin ng isang tulad ni Jace"
Totoong hindi mahirap mahalin si Jace. Kulang ang sinabi niyang mabait at maalalahanin si Jace.
"Alam mo sa totoo Lang, pinagpustahan namin ito ni Dada noon"ani Eunice na ipinagtaka niya.
"Ano iyon ate?"
Nilalaro na ni Crown ang kamay niya maging ang kwintas niyang cross na parang rosary ang tapos.
"Pinagpusrahan namin ni Dada na ikaw ang makakatuluyan ni Jace. Ako sayo ako pumusta at si Dada naman na ibang babae ang makakatuluyan ng kapatid ko"pagkukwento nito.
Bumilis ang pintig ng puso niya sa narinig. Sa malaman Lang na boto pala sa kanya ang kapatid ni Jace kakaibang tuwa na ang nararamdaman niya.
"Kaso talo ako, ayan at kita na ang ebidensya"
Nangingiti naman siya sa mga kinukwento ni Eunice.
"Ikaw naman kasi, nauna mo namang nakilala si Jace bakit hindi mo ginusto ang kapatid ko. Gwapo naman iyon, mabango din, sa tingin ko naman di siya bad breath. Kung sa performance naman siguro may ibubuga ang kapatid ko, aba eh may lahi naman kaming amercano. Kung ibabase ko sa nakikita ko noong maliit Pa siya daks ang pagka---"napatigil sa pagsasalita si Ate Eunice at alanganing siya nitong tinignan.
"Sorry, nacarried away Lang. Anyway, kung sakali Lang na naman na magparamdam si Jace sayo pakisabi naman na umuwi na siya at nag-aalala na si Meme sa kanya"pagpapatuloy nito.
"Sige ate Eunice, para matulong na din ako hahanapin ko siya. Wala naman akong ginagawa dito sa bahay ngayon"
"Salamat talaga Micah"
Nagkwentuhan Pa sila ng isang sandali, more on topic nila ay ang mga anak nito na ang bibilis magsipaglaki.
Tanghalian ng sunduin ang mga ito ni kuya Duke para umuwi na.
Sa pagsapit ng hapon hindi na siya napakale sa loob ng bahay nila. Sa naiisip na baka nasa barkada si Jace ng mga sandaling ito, at gumagamit na naman ng ipinagbabawal na gamot hindi na siya mapalagay.
"Mama, may tanong po ako?"
Nasa loob ng kusina ang kanyang ina at abala sa paghahanda ng hapunan nila.
"Ano iyon anak?"
Nag-alangan siyang magsalita.
"Papayagan niyo po ba akong pumunya ng Bar?"alanganin niyang tanong dito.
Ang kaninang nakaharap sa lutuan na kanyang ina ay biglang napaharap sa kanya.
"Can you say it again Micah? Nabingi yata si Mama anak"
Huminga siya ng malalim bago lapitan ang ina at naglalambing na yumakap dito.
"I know mama it's not my cup of tea, going to a Bar. Pupunta Lang naman po ako doon para tignan kung nandoon po si Jace"
Pinatay ng mama niya ang niluluto nito at tuluyan na siyang hinarap nito
"Micah, malaki ka na alam mo ang tama at mali. Kung ano ang nakabubuti o makakasama, lalo at isa kang naglilinggod sa Panginoon. Hindu mo kailangan ang permiso ko anak kung iyon ang desisyon mo at gusto mong gawin"anito na nagpagulo ng kanyang isip.
"Kaso Lang anak, kilala natin si Jace mula Pa pagkabata, alam ko may pinagdadaanan siya ngayon kanya siya nalilihis ng landas. Isa Pa, magkababata kayo at malapit kayo sa isa't isa. Pero anak, sa buhay na tinatahak ni Jace ngayon walang sino man ang makakatulong sa kanya kundi ang sarili Lang din niya. Naiintindihan mo ba ang gusto Kong sabihin anak"pangaral ng kanyang ina.
"Mama, alam ko po iyon. Pero po sa lagay at landas na tinatahak ni Jace, kailangan niya ng gabay para hindi siya maligaw. At handa akong tulungan siyang wag maligaw ng landas mama"
Inayos ng kanyang ina ang isang hibla ng buhok na kumawala sa pagkakatali ng buhok niya.
"Ilang araw nalang mula ngayon magiging ganap na madre ka na. Do you think Anak maakay at magagabayan mo si Jace if you only have one week or so to stay here. To stay at his side?"
"Ang lalim naman po ng pinag-uusapan niyo Mama"singit ng isang kuya niya.
Paglingon niya nakita niya ang Kuya Kyle niya. Kararating Lang galing sa trabaho.
"Buti naman umuwi ka ng bata"sermon dito agad ng kanilang ina.
"Ma, umuwi ako kasi nagpunta ako kila Jace. Nagpa- blotter si Ninong Jake, nawawala daw kasi si Jace mga dalawang araw na"ani ng kuya niya habang iiling iling na nagtungo sa ref nila at kumuha ng malamig na tubig.
"Ito nga pinag-uusapan na namin ni Micah si Jace. Gusto siyang hanapin ng kapatid mo, nagpapaalam kung pwede siyang magpunta ng Bar"pagkukwento ng kanilang ina.
Tinapos muna ng kanyang kuya ang iniinom bago siya nito balingan.
"Bunsoy, ako na ang bahala kay Jace. Wag kang mag-alala sa tukmol na iyon, kung gagawa man siya ng mali ngayon alam ko iisipin niya ng isang daang beses bago gawin iyon. Lalo Pa at nasa paligid ka Lang"anito.
"Anong ibig mong sabihin kuya?"
Ngumiti Lang ito at nagpaalam na sa mama nila na mauuna na ito at babalik Pa daw sa police station nila.
Hanggang sa makatapos ng hapunan hanggang sa makahiga na siya sa kama niya iniisip Pa din niya si Jace.
Ano na nga ba ang nangyayari sa kababata niyang iyon. Bakit nga ba talaga ito nagkakaganito. Sinasayang niya ang buhay niya sa hindi malinaw na dahilan.
"Kakausapin ko si Sister Eula bukas, kung pwede akong mag-extend ng bakasyon. Kailangan ako ni Jace, kailangan ko siyang tulungan"kausap niya sa sarili bago makatulog.
............................