Chapter 2

2349 Words
DOS: MASAYA akong pumasok ng headquarters namin dahil may mga bagong lead kaming nahahagip tungkol sa kasong hawak ko. Hanggang ngayo'y palaisipan pa rin sa amin ang bagong pagmumukha ni Suprimo na siyang hina-hunting namin dahil sa dating mga kaso nilang nangunguha ng mga kabataan. Kahit hindi na sila muling napabalitang nangunguha ng mga kabataan ay malaki pa rin silang banta sa lipunang kailangang tugisin ng mga katulad kong pumoprotekta sa gobyerno. Kahit pakonti-konti ang nahahagilap naming impormasyon para matunton ang grupo na pinamumunuan no'ng Suprimo na 'yon ay masaya na ako sa resulta. Pakiramdam ko'y palapit na ako nang palapit sa katotohanan at sa pagkakaresolba ko sa kasong ito. At sa pagbibigay ko ng hustisya para sa yumaong ama namin. NAPAIKTAD ako ng mag-vibrate ang phone ko sa pagkakasubsob ko sa laptop ko habang nagre-review sa hawak naming kaso. "Hello, Ate?" Iniipit ko na lamang sa balikat ang phone ko padikit sa tainga ko at muling nagpatuloy sa ginagawa. "Uy, Dos, anong oras ang lunch break mo? Samahan mo naman ako, nandito ako sa Quiapo church. Hintayin kita dito," bungad ni Ate Yoona sa kabilang linya. Napatingin ako sa wrists watch ko at mag-alasdose na nga ng tanghali kaya pinatay ko na muna ang laptop at napahilot sa noo. No'ng isang linggo pa ako kinukulit ni Ate Yoona na i-treat ko daw siya. "Sige na nga, bigyan mo 'ko 10 minutes," pagsang-ayon ko at narinig pang napatili at yes itong ikinailing ko. Palabas na ako ng headquarters nang makasalubong ko si Angelique na kunot ang noo. "Out ka na?" "Yup," simpleng sagot ko. "Teka lang sabay na tayo," pigil nito sa akmang paglabas ko. "Hindi p'wede may ka-date ako, panggulo ka do'n." Napataas ito ng kilay at pinasadaan ako ng mapanuring tingin. Mula sa makintab kong leather black shoe hanggang sa pagkaka-wax ng bagong gupit kong buhok. Sininghut-singhot pa akong parang may inaamoy na mali sa perfume ko kaya napaamoy ako sa sarili kung mabaho ba ako. "Anong ginagawa mo?" "Sinong ka-date mo na hindi ko alam? Naligo ka pa ng pabango, huh?" pag-uusisa pa nito na animo'y isang girlfriend na hinuhuli ang boyfriend madulas sa sariling dila. "Secret." Mahina kong pinitik ito sa noo kaya lalong napabusangot ang magandang mukha nito. "Dos, sama ako," ungot pa nito at nauna pang sumakay ng motor ko. Naiiling na lamang ako sa inaasta nito. Paniguradong babatukan ako nito mamaya kapag malamang isa sa pinsan namin ang ka-date ko. Ako na lamang ang umangkas dahil hilig din naman nito ang magmaneho ng mga bigbike motor. Minsan nga kapag free kami ay nagro-road-trip kami at nagkakarerahan sa highway gamit ang ducati namin. Kaya madalas ko itong binibirong nakakasawa na ang pagmumukha dahil halos 24/7 ay magkadikit kaming dalawa. Napalinga-linga ito ng ipinahinto ko sa isang fast-food restaurant katabi ng simbahan ang motor. Tahimik lang naman itong napasunod sa akin ng pumasok na ako ng restaurant at panay ang linga sa paligid. Lihim akong napapangiti dahil mukhang excited itong ma-meet ang date ko. Napahinto ito ng kumaway sa gilid ang magandang dilag na nakaupong mag-isa. Napabitaw ito sa pagkakayakap sa braso ko at 'di nga ako nagkamali ng hula dahil binatukan ako nitong ikinasinghap ng mga tao dito sa loob na nakamata sa amin. "Aw," natatawang daing kong napakamot sa batok. Natatawa kong inakbayan ito at iginiya palapit sa kinauupuan ni Ate Yoona. Yumakap din naman ito sa tagiliran ko pero panay ang kurot sa akin na ikinaiiktad ko. "Hmm. . . kung hindi ko lang kayo kakilala kikiligin na sana ako sa inyo eh," panunukso ni Ate Yoona pagkalapit namin. Nagbeso-beso pa silang dalawa bago kami. Inalalayan ko pa ang mga itong makaupo bago naupo sa gitna nila at tinawag ang waiter. "Naku, Ate, anong kilig-kilig ka d'yan? Kilabot kamo." "Grabe ka naman sa akin. Ni hindi nga kumakalahati sa kagwapuhan ko 'yong mga nakaka-date mo," saad kong ikinahagikhik ni Ate Yoona. Matamang nakatitig sa amin ni Ange na nagsisiringan ng tingin sa isa't-isa. Hindi pa man kami nakaka-order ay may nakita ako sa labas na nagtatakbuhan kaya napatayo na akong tumakbo palabas ng restaurant. "Dos!" Narinig ko pang pagtawag sa akin ni Ate Yoona at Ange pero mabilis na akong lumabas at sinundan ang lalakeng mabilis kumaripas ng takbo habang may dala-dalang shoulder bag ng babaeng humahabol dito at sumisigaw ng snatcher! Sinundan ko na ang tinatawag nitong snatcher na sumuot sa mga iskinita nitong lugar. May nakasunod din dito na 'di ko batid kung kasabwat o good samaritan lang na tumutulong mabawi ang bag sa snatcher! "Freeze! Hands up!" sigaw ko sa sa snatcher nang salubungin ko ito. Namutla itong napaatras ng mabungaran akong nakatutok sa kanya ang caliber 45 ko. Siya namang dating ng isa pang humabol dito at agad dinakma ang may katandaang lalake. Kahit malaki ang katawan ay walang katakot-takot at hirap nitong pinilipit ang isang kamay nitong ini-lock sa kanyang likod kaya napaluhod ang matandang snatcher sa bilis kumilos ng tumulong sa aking ma-corner ito. Lumapit na ako at pinosasan ito. "Salamat sa pagtulong--" Akmang kakamayan ko ito ng matigilan kami pareho sa pagsalubong ng mga mata namin. Nanigas ako at sunod-sunod napalunok tulad nitong matamang ding nakatitig sa aking walang kakurap-kurap. "I-Ikaw. . . s-sino ka?" nauutal nitong tanong ng una siyang nakabawi sa akin. "Bagyo, tara na--" Natigilan ang biglang sumulpot at hinihingal nitong kasama nang mapatingin sa aking kaharap nila. Palipat-lipat ito ng tingin sa akin at sa katabi nito. "Tight, s-sabihin mo nga. . . namamalik-mata lang ako, 'di ba?" saad nitong sa akin pa rin nakatutok ang mga mata. "Hindi ka namamalik-mata, Bagyo. Kamukha mo ang parak na 'yan, kamukhang-kamukha!" namamanghang bulalas nito sa kamukha kong nakatitig din sa akin na tila kinakabisa ang itsura ko tulad nito. "Ahm, n-nagkataon lang siguro na magkamukha kami," anito at muling pinasadaan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Yeah you're right, I'm Captain Typhoon Del Mundo JR. And you are?" nakangiting saad ko at naglahad ng kamay dito. Namutla pa sila sa narinig na pangalan ko at nagkatinginan na tila nagkakatanungan bago muling bumaling sa akin. "Typhoon Del Mundo JR too, officer, doctor ako sa nayon namin. Hindi naman siguro tayo. . . magkapatid, tama? Nagkataon lang sigurong magkamukha at magkapangalan tayo," pagpapakilala din nitong ikinatigil ko. Napabalik ang ulirat ko nang kamayan ako nito ng mahigpit at parang nakuryente sa paglapat ng kamay nito sa kamay ko. Kita ko din namang maging ito ay natigilang napatingin sa magkahawak naming kamay na tila naramdaman din ang naramdaman ko. "Hindi kaya magkapatid kayo, mga idol? Nakakapagtaka lang na magkamukha kayo. . . at magkapangalan," sabat ng katabi nitong namamangha akong kinamayan. May malapad na ngiting palipat-lipat ng tingin sa amin ng kasama nitong kapangalan ko. Napangiti na ako na lalo nilang ikinamangha. "Nabuang na oy! May biloy ka rin!?" bulalas nito at muling nagkatinginan sa katabi. "Nagkataon lang siguro. Imposible kasing. . . anak ka ng Tatay ko. Pero masaya akong makilala ka, officer. . . katukayo," nakangiting saad nito at saka ko lang napansing may dalawang dimples din itong malalalim. "Maybe. . . I guess, too. Masaya din akong makilala ka, doc. . . katukayo. Alam mo may mga kambal ako. Triplets kami actually. Tiyak matutuwa din sila na makilala ka. Sana hindi ito ang huli nating pagkikita," sagot kong ikinamangha nilang dalawa. "Sana nga, katukayo. Hindi ito ang huli. Minsanan lang kasi kami dito sa syudad para kumuha lang ng mga kakailanganin naming gamot sa nayon," sagot nitong muli akong kinamayang malugod kong tinanggap. "Sana makadalaw din ako d'yan sa nayon niyo. Gusto ko ring makilala ang ama mong kapangalan ng ama ko," wala sa sariling saad kong ikinapula nila at pilit ngumiti sa akin. "Ako rin. Sana makilala ko rin ang ama mo, katukayo." Mapait akong napangiti at iling dito na ikinasalubong ng mga kilay nila. "Ahem! Wala na siya. Nasa sinapupunan pa lamang kami ni Mommy ay namahinga na ang ama namin." Natigilan ang mga ito sa pagtatapat ko at lumamlam ang itsurang bakas ang lungkot sa narinig. "G-Ganon ba. . .pasensiya ka na, pero hayaan mo, katukayo. Kung may pagkakataong madala kita sa nayon namin ay malugod kitang ipapakilala sa Tatay ko. Tiyak akong matutuwa siyang makilala ka lalo't solong anak ako." Napatango-tango ako at nangingiting inakbayan ito. Umakbay din naman ito at ramdam kong tila may malalim na koneksyon sa pagitan naming dalawa. Siya namang dating ng mga pulis na dadampot sa snatcher na nahuli namin ni Bagyo kaya natahimik muna kami. Nang makaalis na ang mga ito ay inaya ko muna sila sa kalapit na restaurant pero ako ang hinila nila sa mga nakahilerang kainan dito sa gilid ng kalsada. Hindi ko maintindihan ang sarili pero wala naman akong nararamdaman na pagdududa at pagtanggi sa kanila na parang matagal ko na silang kakilala at may malalim na koneksyon sa isa't-isa. Napapatili pa sa amin ang mga kababaihan dito at halos dagsain na kami sa pinasukang karinderya. "Masyado ba akong gwapo para dagsain nila? Ano sa tingin niyo, dalawang Bagyo?" namamanghang bulalas ni Tight. Kumakaway-kaway pa sa mga kababaihang nagtitili sa paligid naming inaawat ng mga helper nitong kainan. Napabungisngis ako at iling nang batukan ito ng katabing si Bagyo. "Hindi naman ikaw ang tinitilian nila. Nakakahiya ka umayos ka nga. Tatawagin mo pa talagang Bagyo si Captain. Pasensiya ka na, katukayo. Wala kasing preno ang bibig ng kaibigan kong 'to eh. Ewan ko ba kung paano ko ito naging kaibigan," saad ni Bagyo na ikinalabi ni Tight. "Ayos lang, mas maganda ngang komportable kayo sa akin, katukayo." "Mabuti ka pa, mas gwapo ka na, mas mabait ka pa! Ahm. . . ano ba dapat itawag ko sa'yo, Captain? Nakakalito kung dalawa kayong tatawagin kong Bagyo," sabat ni Tight na ikinangiti ko. "Dos, Dos na lang. Tight, right?" Namilog pa ang mga mata nito at napahawak sa tapat ng dibdib na tila touch na touch sa sinaad ko. Nangingiti tuloy kami ni Bagyo at napapailing na nakatitig ditong maluha-luha pang nakatitig sa aking kaharap nila. "Ah gano'n? Sa mas gwapo p'wede pa 'yon. . . pati ba naman mas mabait siya rin 'yon? Ang bait mo ring kaibigan eh, huh?" naiiling bulalas ni Bagyo na muling binatukan si Tight na napapakamot na sa batok at napapangusong parang bata. "Ang seloso mo naman, bay. Oo na mabait kayo pareho. Mas lamang lang ng isang paligo si Dos sa'yo. Kasi makinis at mistiso siya. Kaya nga. . . maghilod-hilod ka rin para mabawasan ang libag mo ng pumuti ang balat mong sunog na sa araw." 'Di ko mapigilang mapabungingis sa paraan ng pag-uusap nilang tila nagpapasaringan pero hindi naman nagkakainitan at pikunan. Medyo moreno kasi si Bagyo sa akin at simpleng manamit. Naka-eyeglass din ito at medyo malago ang buhok na tinatakpan ng bonet nitong suot. MASAYA kaming nananghaliang tatlo. Kahit ngayon ko lang naranasang kumain sa karinderya kasabay ang mga simpleng taong katulad nila ay napuno pa rin ng kasiyahan ang table namin. May galak sa puso ko at ang gaan nilang kasama. Ramdam ko ang pagiging down to earth nila kaya siguro magkakasundo kaming tatlo dahil pareho lang naman kaming hindi nagpapakitang tao. Matapos naming mananghalian ay humiwalay na ako sa kanila dahil may duty pa ako at kailangan na rin daw nilang makabalik ng nayon nila dahil naghihintay ang mga kanayon nila sa mga dala nilang gamot. Ayon kay Bagyo isa siyang lisensyadong doctor na mas piniling sa nayon nila maglingkod. Kahit pa libre ang serbisyo nito doon ay masaya itong pinagsisilbihan ang mga kanayon. Mas na-e-excite tuloy ako na makarating sa nayon nila at para na rin makilala. . . ang ama niyang kapangalan namin ni Daddy. Nakalimutan ko tuloy ang dalawang instant girlfriend kong naghihintay sa akin sa restaurant na pinasukan namin. Kaya sinusumpong na naman ng kasungitan si Ange sa akin na mas inuna ko pa raw ang ibang tao kaysa sa kanila. "Late ka yatang nakauwi, Dos? May bagong hawak ka bang kaso?" bungad sa akin ni Kuya Tyrone na siyang nandidito sa silid ni Mommy. Binabantayan ang nahihimbing naming ina. Naupo ako sa gilid ng kama at humalik kay Mommy bago hinubad ang sapatos ko at sumampa ng kama para mayakap ang ina namin. "Kuya, sa'yo ko na muna ipapaalam ito. Hawak ko ang kasong. . . terrorism na hawak noon ni Daddy. Eto na ang pinakahinihintay ko, Kuya. Ako ang reresolba at magsasara sa kasong inumpisahan ni Daddy." "Na siyang tumapos din ng buhay niya. Dos, bakit mo tinanggap ang kasong 'yan? Gusto mo bang mabaliw na ng tuluyan si Mommy? Alam mong dahil sa mga terorista kaya tayo nawalan ng ama at nawalan ng asawa si Mommy. Na hanggang ngayo'y nagluluksa pa rin at nakalugmok sa kalungkutan. Iniisip mo ba ang mararamdaman ni Mommy, huh?" napalis ang ngiti ko sa masayang pagbabalita ko sa panenermon nito. Kapwa kami natigilan ng gumalaw si Mommy na tila nagising sa may kalakasang boses ni Kuya Tyrone. "Mm. . . Typhoon?" Umayos ako sa pagkakasandal sa headboard nitong kama ni Mommy at mas niyakap ko ito nang tuluyan na nga itong nagising. "Nagugutom ka ba, Mommy? Gusto mong samahan ako? Meryenda, gusto mo? May dala akong chocolate 'yong paborito mo," pag-alok ko dito na matamang nakatingala sa akin. Kahit walang kinang ang mga nanlalalim niyang mga mata at tumango pa rin naman ito kaya nagpadala ako ng pagkain namin dito sa silid. Tumayo na si kuya para salubungin ang pagkaing dala ng mga maids para sa amin ni Mommy. "Umayos ka. Maawa ka naman kay Mommy. Ibigay mo na 'yan sa iba, Dos. Sapat na ang isang naging bayani sa pamilya natin. Hindi ako makakapayag na pati sa kabilang buhay ay susundan mo ang yapak ni Daddy. Sapat ng pinayagan ka naming sumunod sa profession tulad niya," panenermon pa rin nito habang pinapakain ko ang ina namin na sinasabayan ko. Napahinga na lamang ako ng malalim dahil ayo'kong makipagtalo sa mga kapatid ko lalo na at nakaharap si Mommy. "I'm sorry, Kuya. But I can't. Huli na 'to, reresolbahin at isasara ko ang kaso para mabigyang hustisya na rin. . . ang ama natin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD