[John Axle’s P.O.V] “Keil, may hihingin ako sa’yo tulong sana naman sagutin mo ako ng maayos at walang halong kalokohan dahil seryoso ang tanong ko.” Tanong ko sa kanya. Nakaupo kami sa gilid ng court ng university kakatapos lang naming mag praktis. Halos lahat kami ay pagod at pawisan. Pinunasan muna ni Keil ng bimpo ang kanyang mukha bago niya ako sinagot. “Sa itsura mong ‘yan mukhang seryoso ka nga. Ano ba iyon?” Seryoso akong tumingin kay Keil. “Alam mo naman na wala akong naging girlfriend na tumagal ng isang linggo. Most of them are my flings. Ibig sabihin hindi ko alam kung paano mag celebrate ng first monthsary.” Tinapik ako sa balikat ni Keil at ngumiti. “Yan lang ba ang problema mo? Kayang-kaya kitang tulungan diyan na-experience ko na rin ang magkaroon ng girlfriends at na