CHAPTER 22 [John Axle P.O.V.] Tikom ang kamao ko habang nakikipag-usap ako kay coach at sa isang professor namin na si Mrs Trinity. Hindi ko na naabutan si Miyukie na tumakbo. Tinawagan ko na lang si Fritzie upang hanapin si Miyukie dahil baka mapagtripan naman siya uli sa school. Nasa loob na kami ng office ni coach kasama ang iba pang mga ka-team namin. “Team kayo ang mag desisyon kung papayag kayong si miss Menjie ang mag representative ng team niyo.” Sabi ni coach sa kanila. Tumaas ng kamay si Gerald at tumayo. “Coach, wala naman sa muse ang panalo natin nasa team natin hindi naman ang muse ang gagawa ng score di’ba? Walang kaso kung anuman ang manalo O matalo ang magiging muse namin.” Tumingin pa siya sa’kin. Sumimangot ako sa kanya. “I agree, galingan natin para manalo. Dapat t