[Miyukie’s P.O.V] “Granny! Make it faster! Halos mabinge ako sa lakas ng sigaw ni John Axle sa’kin habang naglalakad kaming dalawa papunta sa clasroom namin. Ito na talaga ang first day of school ko. Hindi katulad kahapon na may mga babaing nakataas ang kilay sa’kin. Dahil ngayon hindi nila ako magawang tingnan ng masama tulad ng masasamang tingin nila sa’kin kahapon. “Hintayin mo ako! Ang bilis-bilis mo kasing maglakad.” Sabi ko habang bitbit ko ang mabigat kong bag. Dala-dala ko kasi ang lahat ng notebook ko. Huminto siya at hinawakan ang kamay ko. “Bubuhatin na ba kita para mabilis tayo?” “May paa naman ako hindi nga lang kasing bilis mong maglakad.” Bumuntong-hininga. “Mahuhuli na tayo sa klase.” muli niya akong hinila ngunit mabagal lang ang paglalakad namin. Tumingin ako sa kan