[Miyukie’s P.O.V.] “Brilyante ng lupa lamunin mo ako ngayon na!” Paulit-ulit kong binibigkas sa aking isip. Nagbabaka-sakaling may kapangyarihan na lumabas at lamunin ako ng lupa pansamantala para lang makaalis sa kahihiyaan na ito. Ano bang naisip ng bwiset na John Axle na ‘yan at ang hilig niya akong ipahiya sa maraming tao. Gustong-gusto siguro niya akong manghiram ng mukha sa kambing, baka, aso at kalabaw dahil sa mga pinagsasabi niya. Nakita pa lang nga nila akong kasama si John Axle. Abugbug berna ang beauty ko how much more sa sinasabi niya ngayon. Hindi na ako magtataka kung may biglang hihila ng buhok ko at babaril sa’kin. Hu-hu-hu! marami pa akong pangarap pero sinira lang ng devil na 'yan “Ayy!” Sigaw ng mga kaklase kong nagulat nang biglang sipain ni Gerald ang upuan ni Joh