[Miyukie’s P.O.V.] “Miyukie, pwede ba kitang makausap mamaya after mo diyan sa ginagawa mo?” Sabi sa’kin ni Madam Ally. Naghuhugas ako ng plato na pinagkainan nila sa hapunan. Pinunasan ko ang kamay ko sa uniporme kong suot at humarap ako kay Madam Ally. “Sige po.” Sagot ko. “Sige, puntahan mo ako sa kwarto.” Pagkatapos tumalikod na si Madam Ally at umalis na. Muli kong pinagpatuloy ang paghuhugas ng plato upang matapos agad. Ayoko kasing paghintayin ng matagal si Madam Ally dahil baka magalit siya sa’kin. Mahinang katok ang ginawa ko sa pintuan ng kwarto ni Madam Ally. “Madam Ally.” Tawag ko pa. Ilang saglit lang bumungad sa’kin ang nakangiting si Madam Ally. Hindi pa rin talaga kumukupas ang ganda niya kahit malalaki na ang mga anak niya. “Come in.” Niluwagan ni Madam Ally ang b