Amber’s POV “I’ll drive you home or you will never be able to go home?” And while he was saying those words ay ang unti-unting paglapit pa ng mukha niya. Dahan-dahan akong napaatras hanggang sa tumama ang likod ko sa sandalan ng couch. Tinaas nito ang mga kamay at nilagay sa magkabilang gilid ko sa ibabaw ng sandalan, cornering me. He stared at me intently. Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa mga mata ko na para bang binabasa niya ang mga sinasaad nito. Habang ako naman ay parang naestatwa sa kinauupuhan ko, ni ‘di ko maigalaw ang mga kamay upang itulak siya palayo, ni ang ibuka ang mga labi ay ‘di ko magawa. Wala sa sinasabi niya ang atensyon ko kung hindi sa distansya at sa posisyon naming dalawa. Hindi ako makaimik. Natahimik ako bigla. Naglaho bigla yung tapang ko kani-kanina lang