Amber’s POV “Anong pinagsasabi mo? Ang dumi ng utak mo.” Inis na saad ko. “And what do you expect me to believe, huh?” “You know, how I wish tama yung hinala mo kaso hindi. Gawain mo yan, hindi ng kapatid mo.” Dahan-dahan kong inalis ang kamay ni Ken na nakayakap sa’kin at ingat na tumayo mula sa pagkakahiga sa kama nito upang hindi ko siya magising. Dama ko ang paninitig ni Kian sa’kin habang pababa ako ng kama. “Move.” Mando ko sa kanya dahil nakaharang siya sa tapat ni Ken. Agad naman itong umatras. Lumapit ako kay Ken at inayos ko ang t-shirt niyang nalihis at ang pagkakabalot ng kumot sa katawan niya. Nang matapos ay umayos ako ng tayo. Paglingon ko’y nanatili pa rin siyang nakatayo sa likod ko at nanatiling mariing nakatitig sa ‘kin. Saglit ko siyang tinignan. He was still