“Hala, Ate Zyle, may bulutong ka?” tanong ulit ng aking kapatid. Naipikit ko rin ang mga mata ko. Dahil sa pagsisinungalin ko kay Fanie. Ngunit iyon lamang ang tanging paraan upang hindi ito pumunta rito sa aking kinahihigaan. “Oo, baby, kaya huwag ka munang pumunta rito sa higaan ni Ate Zyle, ha? At baka mahawa ka. Sabihin mo rin kay kuya at Rj At Ate Seri,” bilin ko sa aking bunsong kapatid. “Sige po, Ate Zyle,” huwag ka mo nang lalabas diyan,” anas pa ng aking kapatid. “Okay, baby,” tugon ko sa aking bunsong kapatid. Narinig ko namang muling lumabas si Fanie. Ngunit, sobra pa rin ang kaba sa aking dibdib. “Senyorito Colby, magbihis ka na at baka si Inay naman ang dumating,” mahinang sabi ko sa lalaki. “Mayamaya na, Ma,” bulong nito at pinagbuti pa nito ang pagyapos sa aking ha