Mr. Papa Ward 55

2303 Words

Umikot ang mga mata ko sa buong paligid, hanggang sa makakita ako ang mahabang kawayan. Dali-dali ko itong kinuha. Pagkatapos ay muli akong tumingin sa tatlong motor na malapit na sa aking puwesto! Talagang balak akong banggain ng mga ito, ah? Aba nga naman! Hindi naman ako papayag na tudasin nila ako ka agad, eh, hindi ko pa nga nahahawakan ng buo ang limang milyon plus, tatlong milyon para sa paghahanap ko sa aking sarili. Kaya ang ginawa ko'y medyo hinapay ko muna ang kawayan na aking hawak-hawak. Pagkatapos ay agad akong nagpagaan at sa pagtayo ng katawan ay kasama rin ako. Saktong lapit naman ang mga taong nakasakay sa motor ay gumalaw rin ang aking mga paa. Maliksi umigkas ang mga paa ko sa isang naka-motor at sapol na sapol ito sa leeg niya. Muli ay yumapak ang aking paa sa lupa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD