Kitang-kita ko ang galit sa mukha ni Colby. Lalo na nang bigla nitong ikuyom ang mga kamao niya. Parang gusto ko tuloy tumawa ng malakas habang nagpapagulong-gulong sa lupa. Dahil bawing-bawi ako sa lalaking matakaw sa halik. At ang Ina lang pala nito ang katapat nito. Hanggang sa dalhin ako sa kusin ng Mommy ni Colby. Pinaupo ako sa bakanteng silya at ito pa nga ang naghila ng upuan para sa akin. “Zyle anak, tekman mo itong salad na ginawa ko,” pagmamalaki pa sa akin ng Ginang at nilagyan pa talaga ako sa lagayan. “Sige po, Mommy,” nahihiyang sabi ko. Sa totoo lang ay nahihiyang pa rin akong tawagin itong Mommy. Para kasing nakakailang bigkasin. “Kumain ka muna rito, Zyle, ha. May tatawagan lang ako,” paalam sa akin ng Ginang. “Sige po,” magalang na sagot ko sa babae. Napangiti n