“Mr. Ward, nakakatiyak akong magagalit si Governor Jo Kelleman oras na malaman nito ang ginagawa na pagbali sa kanyang utos,” pananakot pa ng lalaki ky Colby. “Ganoon ba? Okay. Manang Carla! Pumasok ka muna sa loob ng bahay ninyo. At may roon lang kaming pag-uusap nitong mga kaibigan ko,” anas ni Colby sa aking Inay. Dali-dali namang pumasok si Inay dito sa loob. Ngunit nakita ko ang takot nito. Agad akong lumapit dito para tinakpan ang tainga ng Nanay ko upang hindi nito marinig ang putok ng baril. Mukhang tinuluyan na ni Colby ang apat na lalaki. Iiling-iling na lamang ako. Hanggang sa marinig kong may mga dumating na sasakyan. Kaya naman medyo sumilip ako at nakita kong mga tauhan ito ng lalaki. Isa-isang inalis ang bangkay habang wala pang nakakakita na ibang tao. Bigla ko manang