Kahit hindi ako tumingin sa lalaki ay ramdam ko ang galit nito. Dahil sa paghinga nitong mabigat. Ngunit hindi nito puwedeng malaman ang totoong nangyari sa akin. Kayan naman tumikhim muna ako at ilang beses munang napalunok. Pakiwari ko'y barado ang aking lalamunan. Bahala na nga! “S-Senyorito Co-Colby, wala naman akong promblema. Kaya ayaw ko lang pahawakan dahil masakit ang aking braso sapagkat may sugat ito. Ang totoo niyan ay nahulog po ako sa punong mangga kanina lamang,” pagsisinungalin ko sa lalaki. At sana lang ay maniwala ito sa akin. “Nahulog ka sa puno ng mangga? Patingin ako, Zyle?!” galit na talaga ang tono ng boses nito. “Ayos na ang aking sugat at pinatahi ko na rin sa doctor, Senyorito Colby,” sagot ako habang hindi pa rin nakatingin sa lalaki. “Maniniwala lamang a