Paglapat ng aking katawan sa tubig ay tuloy-tuloy na bumulusok pa-ilalim. Ngunit, agad ko ring ikinampay ang aking mga kamay upang makaahon sa tubig. Dali-dali akong lumangoy papunta sa tabi. Ngunit, bigla akong napahawak sa aking tagiliran dahil sa tama ng bala ng baril. Ramdam ko rin na patuloy ang pag-agos ng dugo. Kaya naman, agad kong pinunit ang laylayan ng aking damit. Medyo nilakihan ko na rin nang punit. Sumandal muna ako sa malaking bato. Pagkatapos ay malalim akong napahinga. Hanggang sa lagyan ko ng tali ang aking tagiliran. Hinigpitan ko rin ito upang kahit papaano ay umampat ang pagdirugo. Hanggang sa nagmamadali na akong tumayo para umalis dito. Alam kong susundan pa rin ako ng mga kalaban ko. Hindi nga ako nagkakamali. Sapagkat narinig ko na ang sigawan nila para hanap