Pinanlakihan ko na lamang ng mga mata ang aking kapatid na pasaway. Pagkatapos ay nagmamadali na akong pumunta sa labas ng bahay para hanapin ang sutil na si Colby Ward. Para tuloy akong maghahamon ng away dahil sa bilis nang paglalakad ko. Hindi nagtagal ay nakita ko rin si Colby. Kausap nito Fanie. At mukhang sinasabi rin nito sa aking kapatid ang tungkol sa magaganap na pamamanhikan sa bahay nito. Jusko naman po! Nakakaloka ang lalaking ‘to. “Senyorito Colby, puwede ba tayong mag-usap? Hindi na ako natutuwa sa ‘yo, ah!” palatak ko agad. Kahit malayo pa ako ay tinawag ko na ito. Maliksi naman itong lumingon sa akin. Si Fanie naman ay umalis na rin. Malalaki ang hakbang ko papalapit sa lalaki. Seryoso lang itong nakatingin sa aking at tila mayroong magandang tanawin sa aking katawan a