Kahit nanlalabo ang aking paningin ay nakikita ko pa rin ang pagkunot ng noo ni Colby. Bakit kaya ganoon ang mukha noon? May sinabi ba akong kinaiinis nito? Pero wala akong matandaan, ah? Pero gwapo pa rin ito kahit busangot ang tabas ng mukha. Hanggang sa tumingin na lamang ako sa ibabaw ng center table. Nakita ko ang isang bote na may laman pang alak. Agad ko itong kinuha para tunggain na lamang. Subalit nang itataas ko na ang bote ay muli na naman itong nawala sa aking kamay. “Mom, bakit mo ba pinainom si Zyle? Saka, ikaw bakit naglalasing ka rin?” narinig ko pang tanong ni Colby. “Aba! Anak, minsan lang kaming mag-inom ng alak ni Zyle, kaya pagbibigyan muna kami,” anas pa ng babae. Kahit lasing na ako ay naririnig ko pa rin ang boses ng Ginang. “Tama naman ang Mommy, Mr. Matakaw sa