“Colby! Puwede ba, umuwi ka na please! Saka, ibigay mo na sa akin ang aking underwear!” palatak ko sa lalaki. Sabay lahad ng aking kamay sa hapar ng lalaki. Ngunit ngumisi lamang ito sa akin. At tila natutuwa pa dahil na iinis ako sa kanya. “Lalo kang gumaganda kapag nagagalit, Ma,” bola pa sa akin ng lalaki. Pagkatapos ay kinuha niya ang sabon at nagsimula ng labhan ang aking undies. Pakiramdam ko'y matuunaw ako sa hiya. Sana lang ay bumuka ang lupa para lamunin na lamang ako. Kahit na sabihin pang-nakita o nahawakan na ni Colby ang aking underwear ay nakakahiya pa rin dito, lalo na kung ito ang maglalaba. Subalit ayaw naman nitong magpaawat sa akin. At ito pa rin ang nasunod. Hanggang sa tuluyan na nitong masabon ang aking underwear. Kaya naman muli itong kumuha ng damit na lalabha