Bigla namang napahinto sa paglapit ang dalawang lalaki. Ngunit nakikita ko sa mga mukha nila ang pag-aalala para sa babaeng sakal-sakal ko. “Na saan ang may-ari ng Mall na ito? Gusto ko siyang makausap ngayon din! Hindi ko mapapalampas ang ginawa ninyo sa aking mga kapatid!” galit na sabi ko. At mas humigpit pa ang hawak ko sa leeg ng babae. “T-Tawagin ninyo si T-Tita, baka tuluyan ako ng baliw na babaeng ito!” biglang salita ng babaeng sakal-sakal ko sa leeg. “Tutuluyan talaga kita. Kapag hindi hindi ko nakuha ang hustisyang para sa aking mga kapatid. Pagkatapos nang ginawa ninyong pagbibintang sa amin!” palatak ko at nanlalaki rin ang mga mata ko rito. “Excuse me, ano’ng gaguhin ang nangyayari rito? Puwede bang bitawan mo na ang aking pamangkin,” narinig ko anas ng babae mula sa