Mabilis akong tumalon papunta sa ere. Ngunit, maliksi ring gumalaw ang mga daliri ko sa loob ng aking sapatos, mayamaya pa'y lumabas ang maliliit na patalim sa ilang nang suot kong sapatos. Agad ding gumalaw ang aking dalawang paa papunta sa malaking truck. At ubod lakas kong sinipa ang ang buong na salamin, dahilan para mabasag ito. Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob, sabay tadyak sa isang lalaki. Nakita kong bumulwak ang dugo sa leeg nito dahil nahagip pa rin ito ng patalim na nasa ilalim ng sapatos ko. Binigyan ko rin nang sipa ang driver ng sasakyan. Sumigaw na naman ito sasakit, dahil natusok din ito ng patalim sa balikat niya. Muli akong tumingin sa lalaking nasipa ko sa leeg. Malakas ko itong sipa, dahilan para tumilapon ito papalabas ng sasakyan. “Walang akong kasalanan!” siga