Huwag Masyadong Madaldal Kapag lasing 52

2306 Words

Tumingin ako sa lalaki habang may hawak ng cellphone. Nainis yata ito sa number na aking sinabi. Naningkit din ang mga mata nito at kulang na lang ay sapakin ako. “Ano bang mali sa number na sinabi ko, Senyorito Colby? Di ba, two-two sik two sik ang hulihan niyan? Kaya alam kong tama ‘yan,” nakataas ang kilay na sabi ko sa lalaki. Ngunit nagpipigil naman akong hindi tumawa ng malakas. “Huwag mo akong pinagloloko, babae. Hindi ito ang number ng iyong Ama!” galit na sabi nito sa akin. “Ha? Iyan kaya ang number ng Papa ko. Sige na tawagan mo na siya,” sabi ko pa, sabay halukipkip ng aking mga braso. “Lalong hindi ka makakalabas ng tree house na ito, Zyle!” galit na sabi ni Colby sa akin. “Okay lang! Hindi ka rin naman lalabas dito. Mamatay tayong dilat ang mata sa gutom,” sagot ko rito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD