Mabilis akong umilag nang makita kong muli siyang lalapit sa akin. At balak akong sipain sa aking leeg. Bahala! Kailangan kong makipagsabay rito. Kaya naman agad kong sinalubong ang paa nitong lumilipad patungo sa akin. Hanggang sa tuluyang maglapat mga paa namin. Pero pinagalaw ko rin ang isang kamay ko patungo sa ilong nito at ubod lakas ko siyang sinuntok. At Isa pang malakas na pagsiko sa dibdib nito ang pinagkaloob ko sa aking kalaban. “Hayop!” bulalas nito. Dahil bigla itong napaurong. Ngunit hindi pa ako tapos, sapagkat muling umangat ang paa ko pahampas sa leeg nito. Aba! Mukhang nawawalan na ng bisa ang gamot na iniinom nito, ah! Kaya naman hindi ko na ito binigyan ng pagkakataon pa. Agad akong tumalon papunta sa harap nito sabay sakal nang magigpit sa leeg ng babae. “Aawh!”