Bigla namang nahilot ni Mr. Ward ang kanyang ulo. Parang kaunting-kunti na lang at sasabog na talaga ito sa akin. Ang sarap tuloy magpapadyak sa tuwa. Isabay pang namumula rin ito sa galit. “Senyorito Colby, may ipag-uutos ka po sa akin?” tanong ko rito. Medyo umiwas pa ako ng tingin lalo at parang gusto ko na talagang tumawa ng sobrang lakas. “Sumunod ka sa akin, babae. Hindi ko alam kung ano'ng problema mo at nagkakaganiyan ka. Huwag mong hinataying mapuno ako sa ‘yo, Zyle!” gigil na gigil na sabi nito sa akin. “Senyorito Colby, wala ka namang sinabi sa akin na sumunod ako sa ‘yo. Ikaw rin ang may kasalanan, noh!” galit-galitang sabi ko. Pagkatapos ay nagdadabog din akong lumabas ng kotse. Para lapitan ang lalaking kulang na lang ay magdikit ang kilay nito dahil sa inis sa akin. Tuma