Flying Kiss 41

2142 Words

“Diyos ko ang aking anak!” muling palahaw ng babae. Habang umiiyak. Agad kong binuksan ang aking bag. Upang kuhanin ang dala-dala kong dextrose. Hindi ako puwede mawalan nito, lalo na kapag may misyon ako. Napansin ko ring kulang na ang tubig sa katawan nito. Ilang araw na kayang may lagnat ito? Mukhang hindi napapainom ng tubig, ah? Nang mailagay ko ang dextrose ay muli akong tumingin sa babae. “May pinaiinom ba po kayong gamot sa bata? At ilang araw na po ang lagnat niya?” tanong ko sa babae. “Wala pa, ineng. Dahil wala kaming pambili ng gamot. Tanging gamot na herbal lang ang pinaiinom ko sa kanya. Akala ko’y okay na siya dahil naglalaro na siya. Ngunit nagulat ako nang bigla tumaas ang lagnat niya. At halos isang linggo na rin siyang may lagnat,” malungkot na sabi ng Ina ng bata.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD