Ayos lang kahit umiyak ako rito sa gitna ng kalye. Hindi naman ako makikilala dahil may takip ang aking mukha. Kahit nga maglupasay ako rito ay okay lang din. Baka nga pagtawanan lamang ako ng mga taong makakakita sa akin. At isipin na baliw ako. Ngayon ay kailangan ko nang sanayin ang aking sarili na wala na talaga akong Ama at ito'y patay na. Ngunit kailangan ko pa rin na pumanta sa lunsod bukas upang gawin ang pinag-uutos ni Papa. Gagawin ko nag request nito sa akin. Kahit na sabihin iba ang turin nito sa akin, ay para sa puso ko ay Ama ko pa rin ito. Masakit lang ang katutuhanan na ayaw nito sa aking bilang anak niya. Mabuti na lang din at wala kaming tv at hindi pa ako nakakabili. Kaya hindi mapapanood nina Inay ang gagawing interview sa aking bukas. Ayaw ko ring masaktan ito d