Gusto ko tuloy matawa sa itsura ng mukha ni Colby. Mabuti na lang at umalis na ang waiter, bago ako sitahin ng lalaking ito. Iiling-iling na lamang ako ng aking ulo. “Senyorito Colby, wala namang masama kung ngumiti ako roon. Saka, bilang paggalang na rin. Alangan naman na samaan ko ng tingin ang lalaking ‘yun, ‘di ba?” Subalit lalo namang nainis sa akin ni Colby, dahil sa katwiran ko sa kanya. Hindi ito nagsalita, ngunit madilim pa rin ang tabas ng pagmumukha ng binata. Mayamaya pa'y dumating na ang order namin. Ang lalaking ngumiti sa akin kanina ang siya ring nagdala ng mga pagkain namin. “Thank…” “Get out!” Mariing sabi ni Colby. Hindi ko na rin nga tapos ang aking sasabihin na “Thank you sana” Kabadong umaalis tuloy ang kawawang waiter. Ngunit ang tabas ng mukha ni Colby ay