Tumingin ako sa mga mata ng lalaki. May gusto akong alamin doon. Ngunit wala akong makita rito na pagkailang. Bagkus ay seryoso naman itong nakatingin sa akin. Ngunit nagdadasal din ako na sana'y hindi ito ang aking ka-textmate, dahil nakakahiya sapagkat nagsabi rin ako ng salitang Pa. . . “Let's go, Zyle. Nagugutom ka lang yata kaya kung ano-ano na ang mga naririnig mo. Kailangan mo ring maglinis ng tainga mo,” seryosong sabi ng lalaki sa akin. Hanggang sa bigla na niya akong hilahin papunta sa kotse nito. “Ako na magmamaneho. At mukhang bangag ka pa,” anas ng lalaki sa akin. Nagkibit balikat na lamang ako rito. Hindi talaga ako puwedeng magkamali. Alam kong tinawag nito akong--- Ma. Pero ayaw umamin ng hudyong lalaki. Malalaman ko rin ang lahat-lahat. “Ihahatid muna kita sa inyo, Z