CHAPTER 3

1520 Words
JACK'S POV: "Lintik lang ang walang ganti." Walang emosyon na sambit ko bago malakas na sinarado ang pintuan ng kotse ko. Hindi na ako nag-atubili pa na tingnan kung may nasira ba. Ang tanging gusto ko lang ngayon ay matapos na ang lahat. Para akong siga na naglakad papasok sa bahay na tinutuluyan ng asungot na lalaking iyon. Ipaparanas ko sa kaniya ang galit ko. Ang lahat ng sakit dito sa puso ko dahil sa ginawa niya. Nakakapangmura lang ng malagkit talaga! "I love you honey." Rinig kong mahinhin ngunit malanding wika ng isang babae matapos kong makapasok ng walang humaharang sa aking dinaraanan. Kung meron man, sa kanila ko ibubuntong ang galit kong ito. Bago sa lalaking iyon. "I love you more, honey. Let's make a baby." Pumalapakpak pa ako sa narinig ko mula sa bunganga ng lalaking iyon. Akala mo ay nanonood lang ako ng sine habang tinitingnan sila sa ganitong kalaswang posisyon. "At gusto mo pa talagang dagdagan ang anak mo huh?! Pero sa ibang babae pa? Ganiyan ka ba kahindot na lalaki ka?" Mukha naman silang dalawa na nagulat sa biglang pagpasok ko. Sumandal pa ako sa pader na katabi lang ng vase na may halaman na pahaba. Samantalang ang dalawa naman ay napalayo sa isa't isa na nakaupo sa may sofa habang ang babae ay nakapekpek short na akala mo isang pornstar. Napatawa naman ako sa naiisip ko. Dumura pa ako sa mismong harapan nila at iginalaw-galaw ang aking ulo para maayos ko lang ang leeg ko. Pinatunog ko rin ang mga daliri ko sa kanila at walang emosyon na tinignan ang lalaki. "What the heck are you doing here, Jack? Pinapunta ka ba rito ni Kreiah para ikaw ang magsabi ng lahat ng gusto niyang sabihin? Hah!" Napangisi naman ito bago hawakan ang baba niya. Naparolyo naman ang mga mata ko sa sinabi niya at saka binalingan ang babaeng iyon na may hawak ng baril. Nakalagay ang baril nito sa may balikat, malawak ang ngiti nito sa akin na para bang may gustong ipahiwatig ang mga matang iyon. 'Oh! Hindi ako na-inform na may bakbakan pa lang magaganap? D*mn.' "Nope. Why would she gonna do that? She loves you." "Me? Oh come on Jack! I already found my new wife. I never love your twin, sobrang hina at walang panama si Tria sa kaniya." Mapang-uyam naman na sambit nito bago ituro ang babae. Hanggang ngayon nakaupo pa rin siya ng prente na akala mo isang hari. Ano pa bang bago sa isang NOTORIOUS? Akala nila sila na ang magaling, akala nila sila na ang malakas at walang panama ang iba sa kanila. But little they didn't know na pinagtatawanan ko na lang sila. Lalong-lalo na ang lalaking ito. "Ah…" napatango-tango pa ako at hinawakan din ang aking baba. Tinikom ko pa bibig ko at nilasap ang aking bibig. "Paano kaya kung makita mo rin ang hinahanap mo. 'E 'no!" Nanggagalaiti kong sigaw at mabilis na sinugod siya sa kinaroroonan niya. Naalerto naman siya at maging ang babae. Pero hindi ko iyon pinansin pa. Pinaulanan ko ng aking kamao ang direksyon ni Rizhui, ngunit naiilagan niya pa ito. Kaso hindi niya alam na nakikipaglaro rin ako sa ginagawa niya. Naramdaman ko naman ang pag-ikot niya pakaliwa kaya mabilis akong tumalon sa ere at binigyan siya ng flying kick mula sa itaas. Nilingon ko pa ang pinagbagsakan ko at kinuha ang vase na nasa harapan ko. Mabilis kong itinapon iyon sa direksyon ng babae na handa na sa pagbaril. Kaso nag-aasinta pa ito kaya sobrang bagal niyang gawin ang gusto. "TRIA!" Sigaw ni Rizhui matapos makarecover. Samantalang ang babae naman ay nakailag sa aking ginawa. Napailing pa ako sapagkat nanghihinayang na hindi ko man lang nagawang mapatamaan ang babaeng malandi na iyon. "Ano bang gusto mo huh!? Ito naman ang gusto mo hindi ba? Ang mawala kami ni Kreiah, kaya ano pang ikinagagalit mo?" Inis na sigaw ni Rizhui sa aking direksyon. Matalim ko naman siyang tiningnan at naglakad patungo sa kinatatayuan niya. Kinuwelyuhan ko siya at mabilis na tinakbo ang distansya ng pader. "Argh!" Malakas na hiyaw niya nang maramdaman ang pagtama niya sa matigas at makapal-kapal na pader na ito. Pero wala akong pakealam doon. Nilagay ko ang aking kanang kamay sa may leeg niya, patuloy siya sa pagpoprotesta. Patuloy niya akong sinisipa para lang makaalis lang ako sa direksyon niya. But little he didn't know na kaya kong gumawa nang mas matindi pa kaysa sa naturang gawain niya. If he can kill, then I can, but more than what he can do. Kung kaya niyang mambanta sa ibang tao, mas matindi pa ako. Inilapit ko ang bunganga ko sa may tenga niya. Pinakiramdaman ko ang bawat paligid kung may tatama ba sa akin. “Don't kill anyone Kuya…promise me don't kill anyone.” Arghh! What the heck! Kreiah just leave my mind. Hindi ko hahayaan na magpakasaya ang lalaking ito. "You're just a mafia boss. But I am more than what you think. Try to hurt my twin and I'll kill you many times." May halong pagbabanta ko sa kaniya at handa na sana ulit siyang suntukin ng aking kamao ng marinig na naman ang boses maliit na iyon mula sa batang si Kreiah. “Don't kill anyone Kuya…promise me don't kill anyone.” Napapikit na lang ako at pinipilit na alisin ang katagang iyon sa aking ulo. At ganon na lang din ang gulat ko nang maramdaman ang sahig at ang pagkabagok ng aking ulo. Napapikit pa ako sa malakas na lagabog ko sa matigas na sahig na ito. Hindi ko nakita ang ginawa niya, sobrang bilis ng mga pangyayari. Ang naalala ko lang ay sakal-sakal ko siya sa leeg niya. Ang palaging pagtawag ni Kreiah sa pangalan ko at pagsabi ng huwag akong papatay. But now we're change in a spot. He's on top of me. Wearing his devilish smile. Before I finally feels his right and left hand punching my face. Ang tanging nagagawa ko lang ay maglabas ng dugo habang paiba-iba ang posisyon ng ulo ko. Nakakaramdam na rin ako ng hilo sa ginagawa niya. Mas marami na ring dugo ang dumadaloy sa aking ilong at bibig sa patuloy niyang paghampas ng kamao sa aking mukha. Hindi man lang ako naka-react kahit ano man. Hinahayaan ko na lang ang lalaking ito sa ginagawa niya. It feels right. Nararamdaman ko ang ginhawa sa bawat pagtama ng suntok at pagsampal sa akin ni Rizhui. Kitang-kita ko rin ang mga matang walang mababakasan ng kahit ano. Itim na itim ang kulay ng mata niya. Pero napatigil din ang lahat ng mismong babae na ang gumawa para alisin lang si Rizhui sa aking direksyon. "Tama na iyan hon. Hindi na siya gagawa pa ng gulo. Hon!" Hinila nito si Rizhui paalis sa akin. Kaya muling nanumbalik ang diwa ko. Napasuka na naman ako ng dugo at napahawak na lang sa aking ulo. Hindi ako nakaramdam ng sakit sa buong katawan. Nahihilo lang ako sa ginawa ni Rizhui sa pagsusuntok sa akin pakaliwa't kanan. "I'm not a notorious mafia boss for nothing Jack. Lucky you, Tria stop me from killing you. Pero kung hindi niya ako pinatigil, wala ka na sa mundong ito." Napatawa naman ako sa sinambit niya. Dahan-dahang umupo sa pagkakahiga sa sahig habang hawak ang aking ulo sa matinding hilo na aking nakuha. "Are you sure? Yes! You're a notorious one but," marahan din akong tumayo sa kinauupuan ko at matalim na tiningnan ang lalaking ito, maging ang babae na nakalingkis na sa braso ng dating asawa ng kakambal ko. Wala man lamang itong pake kung sino ba ako sa buhay ng lalaking ito. Isa lang naman akong bayaw nito na inuto lang nang mahabang panahon ang kakambal ko. Kung isa lang palang pabigat si Kreiah sana hindi na lang niya niloko pa ang kambal ko. 'F*ck him!' "Tsk." Nirolyo ko pa ang mata ko at napapunas na lang ng labi na sobrang dami ng nawalang dugo sa aking katawan. Tumalikod na lang ako sa kanila pero bago pa man ako makalayo. May sinambit ako na makakapagpatigil talaga sa kaniya. At makapag-isip siya kung sino ba talaga ang binabangga niya. "I born as a demon one." Nagsimula na muli ako sa aking paglalakad palayo sa direksyon nila. Binuksan ko ang pintuan ng bahay at gayon din ay sinaraduhan ko ito nang napakalakas. Narinig ko pa kung paano ba masira at malaglag ito sa loob ng bahay nila. At maging kung paano sumigaw ang babae na nakakairita sa tenga. Kinamot ko na lang ang ulo ko. Dumiretso sa pi-nar-ki-ngan ko ng kotse ko at binuksan ang pinto. Pumasok na ako sa loob at nagsimula ng paandarin ang kotse na ito. Habang binabagtas ang dinadaanan pabalik ng hospital, marami pa ring gumugulo sa aking utak. Lalong-lalo na sa katagang narinig ko mula kay Kreiah. "Sh*t! Bakit ba ang bait mo kahit na niloloko ka na pala noong una?" Naiinis na tanong ko sa aking sarili bago mapabuga ng hininga. 'Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Ibinigay kita sa taong hindi talaga maaasahan sa lahat ng bagay. Pangako ko sa iyo, aalagaan na kita.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD