Hindi nito namalayan na ang tagal-tagal na pala niyang nakatitig kay Liza. At nang lumingon ito kung saan siya nakaupo ay bigla siyang napalunok sa hiya. Nakita ni Jeff ang pagtitig niya sa kapatid kaya nag-usisa ito at nagtanong. "Balita ko super close kayo ni Ate Liza?" usisa ni Jeff sa kanya at sabay lingon sa kapatid na busy pa rin sa pagbabasa ng magazine. Biglang napaangat ng tingin si Sophia sa dalaga. Kaya naibaba nito ang juice na iniinom. "Oo, naman. High school pa lang ay matalik na kaming magkaibigan ng ate mo." Sabay angat ulit ng baso ng juice para ubusin. Natuyot yata ang lalamunan niya ng biglang magtama ang mga mata nila ni Liza. Dahil sa biglang tingin ni Liza ay kaagad niyang naubos ang iniinom niyang juice. Pakiwari niya ay kulang pa ang juice na ininom niya. Tumayo i