OLIVIA PAULINE NAGISING ako na hindi alam kung anong araw o kung ano na ang petsa. Hindi ko na mabilang kung ilang araw na mula noong nadukot ako sa stage ng pageant na aking sinalihan. Kumurap-kurap ako at inalala kung ano ang mga naganap kagabi. Napangiti ako nang maalala ko na pinigilan niya ang kanyang sarili sa kagustuhan ng kanyang laman na galawin ako. Kahit papaano ay mayroon pa rin siyang kontrol sa kanyang sarili lalo pa at tila ba hindi siya mahilig magpigil ng galit o ng kahit na ano pa mang emosyon. Nag-inat ako ng katawan ko sa malambot na kama kung saan ako nakatulog ng mahimbing nang nagdaang gabi. Malawak ang kwartong ito at mas disente sa kung saan ako nakakulong noong nakaraan. Pabangon ko ay tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Gulo gulo man ang buhok ko a ma