OLIVIA PAULINE NANG isuot ko ang mga damit na ibinigay niya ay naupo na naman ako sa gilid ng kama. Mag-isa ko na naman sa kwartong ito at wala man lang akong magawa. Pero sino ba naman ang kinidnap na nga ibibigay pa ang gusto. Kaya't ayaw ko na lang na magdemand pa. Lumulutang ang isipan ko habang nakatingin lang sa kawalan. Gusto kong mag-isip ng paraan para ma-uto ko siya na pakawalan na lamang ako. Kung pera lang ang kailangan niya ay maaari kong kausapin si ninong upang bigyan na lamang siya ng kailangan niya at ibalik na niya ako sa normal kong buhay. Biglang bumukas ang pintuan kaya't napaatras ako. "Sino ka?" Tanong ko. Isang lalaki na nakasuot ng itim na leather jacket, puting t-shirt at maong pants. Magkasing-tangkad sila ng lalaking kumidnap sa akin. "Huwag nang masyad