OLIVIA
NAGULAT ako sa sinabi niyang iyon sa akin. Gagahasain niya ako? Sa gwapo niyang iyon ay manggagahasa lang pala siya.
"Heelllppp!" Sigaw ko sabay saboy sa kanya ng tubig.
Hindi ko alam kung mas lalo ko bang ginawan ng dahilan para magalit siya sa akin dahil ngayon ay basang basa na siya. Bumakat sa kanyang suot na puting t-shirt ang kanyang katawan na ngayon ay medyo nakikita ko na.
Shems. Hindi ko akalain na mayroon siyang mala-macheteng katawan. Hindi man siya maputi ay mas lalong bumagay sa kanya ang kanyang kulay.
"Look at what you did, woman!" Naiinis niyang tiningnan ang kanyang katawan saka tumingin sa akin.
"Bakit kasi nandito ka?"
"Eh ang akala ko ay tumakas ka. So, I am here to confirm if you are here. Hindi ko naman akalaing naliligo ka eh mayroon ka pang sakit."
"It's because naiinitan na ako."
"Kung gayon, bahala kang alagaan ang sarili mo kapag lumala iyan." Taas baba siyang tumingin sa akin.
Takip takip ng towel ang aking katawan ngunit sa mga tingin niya ay para niya akong hinuhubaran.
"Leave! Manyak ka!" Bubuhusan ko sana siya ng tubig ngunit ngayon ay nagtanggal na siya ng t-shirt.
And wow. Just wow. Nangingintab ang matikas niyang katawan dahil sa tubig. Bato bato. Batak ang muscles.
Tila ba mas naging wild ang isipan ko nang makita ko siyang ganoon.
Lumapit siya sa akin and then opened the shower.
"What are you doing?" Umatras ako sa kanya.
Ihinilamos niya ang kanyang mga kamay sa mukha saka idineretso sa buhok. Napatingala siya. Kitang kita ko ang kanyang Adam's apple na nagtaas naba.
Nakita ko rin ang kanyang rib cage na sobrang batak.
But this is not the time for me to fulfill my fantasies. Hindi siya dapat nandito habang ako ay naliligo.
"Nababaliw ka na ba? Hindi ka dapat sumasabay sa babae kapag naliligo!" Pilit ko siyang itinulak ng aking kamay saka siya napalingon sa akin.
He looked at me na mayroong kasamang pagkainis but because I need to be strong, hindi ako nagpatinag sa kanya.
"Binasa mo ako. Ikaw ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon. And if you think na mayroon akong pagnanasa sa'yo, forget it. Maraming babaeng nagkakandarapa maikama ko lang. So, don't think na kawalan ka kapag hindi kita pinansin at iyanh katawan mong hindi naman gaanong sexy!"
Abah! At nagawa niya pa akong laitin? Ang lalaking ito?
"At ang feeling mo rin talaga ano? Hindi rin naman ako umaasa at hindi rin ako feeling para umasang maging isa ako sa koleksyon mo. Hindi ko pinangarap. At isa pa, kidnapper ka. Hindi ko ibababa ang sarili ko sa katulad mo!" Mas kumapit ako sa towel na nakapulupot sa aking katawan.
Tumingin lang siya sa akin bago siya nagbukas ng pinto at lumabas.
Umirap lang ako sa kawalan saka ako nagpatuloy sa paliligo.
Nagmadali na akong maligo hanggang sa ako'y matapos. Ngayon ay namo-mroblema ako ng kung ano na naman ang susuotin kong damit. Wala rin akong underwear na maisusuot. Hindi ako komportable sa aking suot na malaking t-shirt na mula sa kanya.
Nais ko na talagang makaalis dito. Nag-aalala na ako kina mama at papa. Panigurado akong pinapahanap na nila ako sa tulong ni Ninong Joshua. Ang dalangin ko lang talaga ay sana'y buhay pa akong naabutan nila.
Hindi ko alam kung anong kahihinatnan ng aking buhay ngayon sa kamay ng kidnapper. Ayaw kong isipin na wala nang pag-asa ngunit tatlong araw na akong nakakulong dito.
Sinasadya ko ring hindi kumain ng mga ibinibigay nila dahil napaparanoid ako na baka mayroong lason ang kanilang ipapakain sa akin. Kaya naman ngayon ay nagkaganito ako. Marahil ay sa aking kagutuman at kawalan ng tulog sa kaiisip.
I miss my normal life and my friends. Kapapanalo ko pa lang bilang Miss Villa Santibañez ngunit heto na agad ang premyo ko.
Sa kaiisip ko ay inakala kong myembro ng human trafficking syndicate ang mga dumukot sa akin. Naiisip ko rin na baka ibenta nila ako sa mga parokyano o kaya naman ay sa mga foreigners.
Ihinahanda ko na talaga ang sarili ko sa posibilidad na iyon.
PAGLABAS ko ng banyo ay nakita ko ang limang paper bags sa ibabaw ng kama. Nagtaka ako kung ano ang laman ng mga iyon kaya naman binuksan ko na.
Nagulat ako nang ang laman ng mga ito ay panty and bra. And guess what, thong panty and honeymoon bra ang mga nandoon.
Mas lalo akong nagkaroon ng masamang kutob na baka nga ibebenta nila ako. Baka pasayawin nila ako sa harap ng mga customers na suot lamang ang mga ito.
Maya maya ay bumukas muli ang pintuan at pumasok sa loob ang damuhong ito.
"For what are these?" I asked saka napaatras.
Nakasuot na siya ng shorts na itim at sandong puti. Batak pa rin ang muscles niya at bagay na bagay sa kanya ang suot niyang iyon.
Teka, bakit ko ba pinupuri ang lalaking dahilan ng pagkadukot ko? He is the one who initiated the kidnapping and here I am, giving him good compliments.
Inalog ko ang ulo ko at nag-focus.
"Wear these. Hindi ko alam ang size mo kaya't nagpakuha ako ng different sizes. And also these." Hinagis niya sa kama ang taslan shorts na itim at isang t-shirt na puti na sa palagay ko ay sa kanya.
"Okay, leave me now." I said saka dinampot ang mga iyon.
"Hindi ka man lang magpapasalamat?" Namewang siya sa harapan ko.
"How am I supposed to say thank you sa taong kumidnap sa akin? Sige nga?"
Natahimik siya at saka nagkrus ng kamay.
"Sa tingin mo ay masama akong tao?" he asked.
"Ano sa tingin mo? Anghel ka? Ikaw nga itong dumukot sa akin diba? Makatakas lang ako dito ay lagot ka sa ninong ko. Mabubulok ka sa..."
"No one is above me in this place!" hindi niya ako pinatapos sa aking sasabihin.
Humigpit ang hawak ko sa towel sa pagkakabigla at alam kong nakaramdam ako ng takot sa kanyang tono ng pananalita.
Lumapit siya sa akin at bawat hakbang niya ay mas lalong kumakabog ng mabilis ang puso ko.
"You can't scare me about what can that Joshua Castañeda can do. I am not scared. I can just take his life that easy. So be careful of whatever things you say, woman." Naningkit ang kanyang mga mata at saka sinubok ng tingin ang akin.
Hindi ko man maamin ngunit hangang-hanga ako sa kanyang hitsura. He has a cleft chin and maninipis na mapupulang labi. He also has dark eyes, thick eyebrows and tall bridged nose.
Adonis na Adonis ang kanyang physical appearance ngunit mayroon siyang tinatagong misteryo.
He knows my Ninong Joshua. Hindi naman iyon nakapagtataka dahil kilalang tao ang pamilya ng ninong ko. They are all politicians and of course, tanyag sila dahil matagal nang nanunungkulan bilang congressman ang ama niya at kung matapos ang termino ay lilipat na naman sa ibang posisyon.
But here I am, nakikipag-face to face sa lalaking sa tingin ko ay mayroong itinatagong sikreto at galit sa kung sino. At misteryo pa rin para sa akin ang dahilan kung bakit nila ako dinukot.
Napalunok ako nang kagatin niya ang ibabang labi niya. It seems mayroon siyang gustong gawin na pinipigilan niya lamang na mangyari.
Umatras ako ngunit naatrasan ko na ang bedside table.
"You can't just ran away, Olivia. You'll be here forever, with me," mahina at malalim ang boses niya.
With him forever? Ano ang ibig niyang sabihin? Hindi pa man ako nakasasagot ay siya'y muling nagsalita.
"Malaking kasalanan ang ginawa sa akin ng taong malapit sa'yo. And, you, if being away with them will let them feel loss, then I'll hide you forever with me. Sorry if you have to pay their debts, woman. Maganda ka pa naman." Unti unti niyang pinadaan sa aking pisngi ang kanyang mga daliri na dahilan para umiwas ako.
Sa palagay ko ay nabingi na ako sa lakas ng pagkabog ng aking dibdib. Pakiramdam ko ay wala na talaga akong pag-asa pa.
Kaya't nang biglang tumulo ang luha ko ay yumuko na ako kaagad upang hindi niya na ito makita.
I am crying because of fear, because I already missed my family, and because of being hopeful na baka nga forever na akong makukulong dito.
And my mind still wonders if sinong malapit sa akin ang nakautang ng malaki sa kaniya. I am still wondering kung ang mga magulang ko ba ang mga iyon dahil wala silang nabanggit sa akin.
"Don't cry woman. Walang maaawa sa'yo dito." Hinawakan niya ang baba ko at unti unti iyong itinaas.
Nakapikit ako at ayaw ko siyang tingnan. Takot na takot ako.
"Open your eyes, Olivia," utos niya.
Umiling ako.
"I said, open your eyes!"
Sa takot ay nagmulat ako ng aking mga mata at hindi pa man klaro ang vision ko ay binigla na niya ako.
He kissed me on my lips and that kiss erased every fear, every hopelessness and missery sa aking damdamin.
I wonder why I am feeling comfortable now. Nang maghinang ang aming mga labi ay doon ko naramdaman ang sweetness, ang kakaibang saya at ang kakaibang pakiramdam sa aking pagkatao.
Why am I feeling this now?
Nagsalita siya habang magkadikit ang noo naming dalawa. Nakapikit ako at nahihiyang tumingin sa kanya.
"The next time you cry, you'll not only receive a kiss from me. Remember that," aniya saka umatras.
Naiwan akong lasing sa kanyang napakatamis at napakagentle na halik sa aking labi.
It's not my first kiss but that's the most magical feeling na naramdaman ko habang hinahalikan ako ng taong hindi ko naman kakilala ngunit hindi ko maitatanggi na mayroong ibang impact sa damdamin ko.
Who is he? And why did he kiss me?
Pagtatapos ng ika-5 na Kabanata.