Prologue
"OLIVIA PAULINE RAMIREZ, 24, VIEJO SUR!"
Ito ang introduction ka sa kasalukuyang nagaganap na Miss Villa Santibañez Beauty Pageant.
Kapistahan ngayon sa syudad ng Villa Santibañez kaya't mayroong pageant. Ito ang pangalawang sali ko sa pageant na ito sapagkat last year ay itinanghal akong first runner up matapos kong maubusan ng oras sa pagsagot ng katanungan.
Kaya naman ngayon ay babawi talaga ako.
Sponsored lahat ni Ninong Joshua ang aking mga isusuot. Walang nakaaalam nito sapagkat siya ang mayor ng aming syudad kung kaya't hindi sana siya maaaring mag-sponsor ng candidate.
Ngunit kasalanan ko ba kung masyado kaming close ng ninong ko.
Sa kaniya kasi nagtatrabaho ang aking mga magulang kaya't close na rin sila ng aking mama at papa.
Very proud naman sila sa akin kaya't kahit saang beauty pageant man ako sumali ay dala-dala ko sila.
----
Ngayong gabi ay naka-set ang aking focus sa pag-uwi ng korona. Bukod kasi sa mga premyo ay kapag nanalo ako, ako ang magiging representative ng aming syudad sa magaganap na Binibining San Joaquin sa susunod na buwan.
Ito talaga ang goal ko kaya't kinakailangan kong manalo ngayon.
Napakaraming nagche-cheer para sa akin ngayong gabi. Mayroong kaniya-kaniyang banners ng aking number, ng aking pangalan at litrato.
Kaya't ngayon ay very confident akong lumakad at rumampa sa stage para sa kanila at para sa pangarap ko.
Panglima akong tinawag sa top 10 kaya naman naghiyawan ang mga fans ko nang makasama ako sa semi finals.
Nagpasiklaban kami sa swimsuit rounds at sa long gown competition. Naiuwi ko ang dalawang awards kung kaya't natitiyak kong pasok na pasok na ako sa top 5 finalists.
At iyon na nga ang nangyari, ako ang pangalawang tinawag in random order.
Sa last round ay ang question and answer portion.
Habang naghihintay ako ng aking turn ay nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng itim na amerikana at sa loob nito ay puting long sleeves. Mayroon siyang suot na bluetooth earphones at nakatiklop ang kaniyang mga kamay sa kaniyang dibdib.
Seryoso siyang nakatitig sa akin at hindi niya iyon tinatanggal.
Sa tingin ko ay interesado siya sa akin. Gwapo siya, matangkad at mukhang mayaman.
Kaya naman na-tense ako bigla nang malamang ako ang tinitingnan niya.
"Sis, ikaw yata ang trip niya." Kinalabit ako ng katabi kong ka-batch ko rin sa pageant last year.
"Oo nga. Nakaka tense naman ang titig niya." Natatawa kong wika.
"Gosh. Ang gwapo ng papa. Big fish na iyan sis," aniya.
Hindi na ako nakasagot nang ako na ang tawagin ng host para sa aking katanungan.
Hindi na ako masyadong kinakabahan ngayon dahil sanay na ako.
"Hello Miss Viejo Sur." Bati sa akin ng male host.
"Hello, good evening."
"Your question comes from judge number four, Miss Leila Bautista, our vice governor."
Nag-focus na ako sa tanong.
"Hello. My question is, If you will win tonight, are you willing to give up the crown for the man you love? Why or why not? "
Napangiti ako sa tanong niya at ngayon ay gusto kong magpakatotoo lang. Ayaw ko silang i-impress sa hindi makatotohanan na sagot.
"Good evening. That's quite a tough question but I just want my answer to be real. If I will win tonight, a responsibility will be given to me as a model and a representative of our city. I believe that this requires time and effort to really embody a phenomenal woman that our city wants to have. But as regards to having a man in my life, I believe it's not really a problem. I can be responsible to my duties and I can also be a loving partner to my love one. That's being a phenomenal woman. Thank you."
Pagkaabot ko pa lang ng microphone sa host ay nagsigawan na ang audience dahil sa sagot ko. Hindi ako masyadong kinabahan. Hindi ako masyadong nag-isip ng negatibong bagay kaya't nasagot ko iyon ng kung paano ko gustong sagutin ang tanong.
Nakita ko naman na satisfied ang judges sa sagot ko kaya't natuwa ako.
Habang nakatayo ay tumingin akong muli sa paligid. Nandoon pa rin ang lalaki at titig na titig sa akin.
Nagsisimula na akong kabahan ngunit hindi ko gustong ipakita iyon kaya't umiwas ako ng tingin sa kaniya.
Hanggang sa matapos na ang question and answer portion.
Napakabilis lang ng pangyayari dahil sunud-sunod nang tinatawag ang mga runners up ng pageant.
At laking gulat ko nang dalawa na lang talaga kaming naiiwan. Ganitong ganito ang eksena last year at masasabi kong mas kinakabahan ako noon kaysa ngayon.
Malakas ang pakiramdam ko na mayroon akong tyansa kaya't nanatili akong confident.
"And the new Miss Villa Santibañez is..." Hudyat ng host.
Natuon sa aming pareho ang spotlight at mas lalong naging intense ang music.
"She is Miss Viejo Sur!"
Nagsigawan ang maraming tao nang sa wakas ay tinawag ang aking pangalan bilang nagwagi sa korona ng Miss Villa Santibañez.
Hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama ko nang mga sandaling iyon sapagkat sa wakas ay nakamit ko na ang pangarap kong korona.
"Congratulations!" Bati sa akin ng first runner up.
Ngunit tymepong pag-alis niya sa harapan ko at namatay lahat ng ilaw. Wala akong makita.
Nagsigawan ang mga tao sa bulwagan at tila ba mayroong malaking kaguluhan.
"Tulungan niyo ako!" Siga ko nang biglang mayroong humila sa akin.
At iyon na ang huling sigaw ko dahil nawalan na ako ng malay at hindi ko na alam ang mga sumunod pang nangyari.
-----
NAGISING ako sa isang kwarto. Medyo madilim dito at hindi ako nag-iisa.
Mayroong isang bulto ng tao na nakaupo sa tapat ko, sa isang silya at pawang naninigarilyo.
Napabalikwas ako ng bangon nang mapagtanto na mayroon nga palang ibang nangyari kanina.
"Sino ka?" Kabado kong tanong habang hawak ko ang sarili ko.
Tumingin ako sa kabuuan ko at suot ko pa rin ang daring kong gown. Ibig sabihin ay kanina lang nangyari ang pageant.
Tumayo ang lalaki at unti-unti siyang lumapit sa akin.
Nagliwanag ang buong kwarto nang buksan niya ang ilaw.
Nasilaw ako at hindi ko siya kaagad maaninag. Ngunit nang masanay ang aking mga mata ay namukhaan ko siya.
"I-ikaw yung..." Natulala ako.
Ngayon ay nasa malapitan na ang lalaking kanina ay nakatingin sa akin sa malayo. Hindi siya nakangiti, hindi siya nakasimangot, mukhang normal lang ang kaniyang tingin sa akin.
"Ako nga!" Baritono ang kaniyang boses.
Ibinalik niya ang sigarilyo sa kaniyang bibig at tinapos na iyon saka tinapakan upang mawala ang usok.
"Ang ganda mo pala sa malapitan." Saka niya ibinulsa ang pareho niyang mga kamay saka tumingin sa akin.
"Anong kailangan mo sa akin? Wala pa akong premyo, wala akong pera." Naiiyak kong wika.
"Hindi naman pera ang kailangan ko sa'yo." Naupo siya sa gilid ng kama habang nakatalikod sa akin.
Matipuno ang katawan niya at sa tingin ko ay bato-bato iyon. Kitang kita kasi ang pagka-fit sa kaniya ng suot niyang itim na amerikana.
Nanginginig na ako dahil sa sobrang pagiging kalmado ng boses niya. Dahil doon ay unti-unting namuo sa dibdib ko ang matinding takot.
"Please, pakawalan mo na ako. Hindi ka patatawarin ng ninong ko kapag nalaman niya kung nasaan ako. Kaya binabalaan na kita sa kung ano mang plano mo." Pinilit ko siyang takutin sa aking mga sinabi.
"Huh." Natawa siya saka napalingon sa akin.
"Pakawalan mo na ako!" Sigaw ko.
Nang ibinalik niya ang kaniyang tingin sa kaniyang harapan ay agad akong tumakbo palapit sa pintuan.
Laking dismaya ko nang naka-lock pala iyon.
Nagulat ako at habol-habol ko ang aking hininga nang ma-corner niya ako sa pintuan.
"Huwag!" Sigaw ko nang hilahin niya mula sa likod ang buhok kong kulot-kulot.
Nasa likuran ko siya at ngayon ay tila ba isa siyang sadista na nakasabunot sa akin. Hindi ko alam kung mayroon siyang baril o panaksak na bigla na lang niyang gagamitin para patayin ako.
Wala akong alam na nagawa kong mali kaya't malabo sa akin ang lahat ng ito, kung bakit ako nakidnap.
"Nasasaktan ako!" Reklamo ko at pinilit na hawakan ang kamay niyang nakasabunot sa akin.
Bigla niyang idinikit ang katawan niya sa likuran ko at nakadama ako ng kakaibang katigasan mula sa kaniyang katawan na dadampi sa aking likuran. Hindi nga ako nagkakamali, bato-bato siya.
"Ang ayaw ko sa lahat ay iyong tinatakasan ako!" Aniya saka inilapit ang mukha niya sa pisngi ko.
Tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata at nakita ko doon ang galit na hindi ko maipaliwanag.
Perpekto sana ang hitsura niya kung hindi siya kidnapper. Gwapo kasi talaga siya, matangos ang ilong, makapal ang kilay na tinernuhan ng makapal na pilik-mata, manipis na labi at magandang jaw bone.
"Huwag mo akong saktan, pakiusap. Kailangan pa ako ng mga magulang ko." Naiiyak kong wika.
Wala nang ibang tumatakbo sa isipan ko nang mga oras na iyon kundi ang mga magulang ko. Baka nag-aalala na sila. Baka, hinahanap na nila ako, baka maatake sila sa puso.
Hindi ko kakayanin iyon.
"Wala akong ginawang masama sa'yo. Kaya't pakawalan mo na akong hayop ka!" Naiiyak kong wika at pilit na gustong kumawala sa lakas niya.
Ngunit isa lang akong pusa na nakikipaglaban sa leon dahil wala akong laban sa lakas niya. Lalaki pa rin siya.
Sa sobrang inis niya ay lumabas ang kaniyang dila at tinakpan nito ang itaas niyang labi.
Nanginginig na ako kaya't pumikit na lang ako.
"Alam mo bang madali lang kitang saktan ngayon at patayin na lang kaagad pagkatapos?" Mahina niyang bulong sa akin.
Ewan ko kung makikiliti ako sa boses niya o matatakot.
Sasagot pa sana ako nang bigla niyang isubo ang kanan kong tenga at laruin iyon ng dila niya.
"Matagal na akong hindi nakakatikim ng laman." Aniya saka ipinadama sa akin ang kagustuhan niyang gawin.
Gagahasain niya ba ako?
"Huwag mo akong saktan pakiusap, gagawin ko lahat ng gusto mo! Pakawalan mo lang ako pagkatapos."
"Talaga? Gagawin mo lahat?"
"Oo."
Bigla niya akong dinala sa kama at pinaupo doon.
Naupo siyang muli sa silya at tiningnan ako sa aking mga mata. Hindi ko kayang tingnan ang mga mata niya dahil natatakot ako. Pero mayroong kung ano mula doon ang nakikita kong kakaiba.
"Gagawin mo lahat?" Tanong niya saka nagdekwatro.
Tumango na lang ako sa kaniya.
"Kung gagawin mo lahat, pwes simulan na natin. Tumayo ka at maghubad ka sa harapan ko!" Utos niya.
Gagawin ko ba?
Bahala na!