OLIVIA
"INANG, papunta na ako, promise. Nag-commute kasi ako dahil hindi ako nasundo ni ninong. Mayroon siyang mahalagang pinuntahan."
Ito ang sagot ko sa kanina pang tumatawag na si Inang Luna, ang bading kong handler sa pageant.
"Bakla ka, ang tagal mo. Fitting na ng damit sa pang-production number. Ikaw na lang ang wala dito."
"Kahit naman anong isuot ko inang, maganda pa rin ako. So, be still and know that I will win this time."
"Siguraduhin mo lang iyan Olive, dahil kapag hindi, baka hindi ka na magkaroon ng credentials to join higher pageants," nasa tono ni Inang ang pag-aalala.
First runner up ako last year sa parehong pageant and I want to prove na nagkamali sila ng pinanalo dati. I am coming back with pasabog now kaya naman kailangan kong mag-effort ng sobra para dito.
"Yes Inang, hindi kita bibiguin. Okay? Crown ang i-uuwi ko this time, hindi lang sash at ang boquet. Okay?"
"Naku, kaya naman gustong gusto kitang i-handle bakla. Pakisabi sa ninong mo na ikaw na ang panalunin. Mayor naman siya diba?"
"Naku, I want to win fair. Gusto kong manalo dahil maganda, sexy at matalino ako. Kaya't please lang, lumaban tayo ng patas, Inang."
"That's the spirit. Pero dapat kang manalo this time ha? Naku, ang mamahal ng gown at mga gagamitin ko sa'yo."
"Sabi ko nga, I am back with a bang. Relax. Sa atin ito."
"Pero nasaan ka na? Nililibang mo na naman ako!"
Narinig ko ang pagkainis niya sa kabilang linya ng cellphone.
"Nag-aabang ako ng tricycle."
"Ang tagal naman. City tayo ha? Tapos wala kang masakyan?"
"Ayaw ko naman sa lumang tricycle. Baka magasgasan ang legs ko."
"Umaarte ka pa diyan. Kalabuhin kaya kita?"
"Sige na, sasakay na ako."
"Okay. Pakibilisan. Proceed agad sa fitting area, nandito ako. Nagbabantay sa mga bruhang kalaban mo. Baka walang maiwan at magsabotage."
"Thanks Inang, I'll be there in like, ten minutes?"
"Okay. Sharp. Bye na."
"Bye."
Ibinaba ko na ang phone at tumingin sa aking sasakyan na pinara ko kanina habang nakikipag-usap ako kay Inang.
"Sa Don Mariano Gymnasium po?"
"Naku ma'am, medyo malayo po iyon. Magdagdag na lang po kayo. Hindi po kasi iyon ang ruta ko," sagot ng driver.
"Sure. Kahit triplehin ko pa."
"Sige po ma'am, sakay na."
Sumakay na ako at inayos ang pagkakaupo ko. Excited na akong mag-attend ng practice dahil next week ay pageant na namin. Hindi naman ako kinakabahan. More of excitement and confidence lang ako as usual. Kailangang relax lang at know when to pick na sinasabi nila.
Kaya naman ngayon ay ako na siguro ang pinaka-chill sa lahat ng nga kandidatang lalahok sa Miss Villa Santibañez. Hindi kasi pwedeng mapressure ako porquet ako ay first runner up ako last year. It's either ligwak or crown ang aking tadhana sa ngayon kaya naman kailangan ko lang magpakarelax dahil walang maitutulong ang pagiging showy sa mga kalaban.
Habang nasa daanan kami ay iniisip ko kung sino sa aming mga kandidata ang mga mayroong malalakas na laban at tyansang makapukpukan ko ng balakang sa top 5. Sa batch na ito ay maraming magaganda and I heard na marami ring kontesera at magagaling na kalahok. So, I just need to be very careful sa lahat upang sa ganoon ay hindi ako maungusan ng mga kalaban ko.
And now, nagulat na lang ako nang biglang huminto ang tricycle sa daan.
"What happened kuya?" I asked.
"Naku ma'am, mukhang nawalan ako ng gas." Nagkamot ng ulo ang driver..
My gosh, ngayon pa nangyari ito at kailangan kong magpunta sa pageant area?
"Kuya, tingnan mo at baka umabot pa. Sobrang late na ako eh. Please."
Ngayon pa kami nasiraan sa isang lugar kung saan ay walang masyadong dumadaan. Bukirin at walang kabahayan.
Baka naman mayroong masamang balak si manong sa akin? Tinakpan ko kaagad ang legs ko ng bitbitb kong bag at ng paper bag na naglalaman ng aking practice shoes sa pageant.
Napalunok ako at tiningnan mabuti ang lalaki. Nasa middle age na siya at mukha namang mabait. Nakasabit din sa loob ng kanyang tricycle ang kanyang mga ID at halata namang wala siyang gagawing mabuti.
Siguro ay masyado lang akong judgemental.
Hanggang sa mayroong puting van na huminto sa tapat namin.
Bumaba ang tinted na salamin ng sasakyan at saka ko nakita ang isang driver na ngayon ay naka-shades at nagtanong sa driver.
"Anong nangyari?"
"Nawalan ng gas bossing. Mayroon pa man din akong nag-aapurang pasahero." Nagkamot pa ng ulo ang driver na parang kasalanan ko pa ang lahat ng nangyari.
"Manong, late na talaga ako. Bababa na ako. Ito na lang ang bayad ko sa'yo oh." Inabot ko sa kanya ang buong isang daan at hinayaan na iyon sa kanya.
"Ma'am, mag-aabang na lang po ako ng masasakyan ninyo. Nakakahiya po."
"Saan ba ang punto niyan?" Tanong ng driver ng van.
I wonder kung magkakilala sila ng driver ng tricycle na sinakyan ko dahil sobrang interesado siyang tumulong.
"Sa Don Mariano Gym bossing."
"Naku, Hernan, pasabayin mo na lang siya dito sa van. Doon din ang punta namin." Nakangiting wika ng driver ng van.
Kakabahan na sana ako nang makita ko ang Hernan na pangalan ng driver ng tricycle. So, magkakilala sila. Pero napaka-unusual nito ha?
"Hindi, mag-aabang na lang ako."
"Ma'am, sumakay ka na po. Kakilala ko iyan. Kapit-bahay namin dati na ngayon ay big time driver na ng isang mayamang pamilya. Sige na po," ani Hernan.
Tumingin muna ako sa driver ng van na mukha namang mabait. I wonder kung mayroon pa siyang sakay sa loob dahil hindi ko iyon makita.
"S-sigurado ka manong? Naku, inaanak ako ni Mayor at alam niya ang bawat magaganap kapag mayroong masamang taong dumukot sa akin. Baka niloloko niyo lang ako!" Napilitan na akong sabihin ang laman ng aking isip.
"Naku ma'am, mabait po iyan. Doon din ang punta niya."
"Oo miss. Dadalhin ko lang naman sa gym ang sponsor na mga gamit sa pageant mula sa boss ko," sabad naman ng driver ng van.
Ow! Sponsor pala ng pageant ang kaniyang boss. Baka naman pwede ko siyang chikahin. Grab it na!
"Okay sige. Sasabay na lang ako sa'yo kuya." Binawi ko ang very curious kong mukha at napalitan ito ng ngiti.
"Ma'am, dahan-dahan lang po sa pagsakay, natutulog kasi ang bossing ko sa likuran." Halos pabulong ba wika na ng driver.
Wow. So, nasa likod ng van ang kanyang boss. Pero tulog, no chance para makausap ko siya.
Hahawakan ko na sana ang bukasan nang bumaba ang driver upang pagbuksan ako.
"Ma'am, ako na po," aniya.
Pagdating niya sa pwesto ko ay agad niya itong binuksan. Nakita kong nakapatong sa sandalan ng upuan ang isang paa na da palagay ko ay sa boss niya.
"Naku ma'am, pasensya na kayo. Mukhang puyat na puyat ang boss ko. Iwasan niyo na lang po ang paa niya." Nahihiyang wika ng driver habang nagkakamot.
"O-okay lang. Sige, tara na." Sumakay na ako at komportableng naupo sa loob.
Mabango ang air-conditioned van at kahit dito ako matulog ay komportable ako. Pang mayaman talaga ang style nito na parang gamit ng mga artista.
Very curious akong makita ang mukha ng nasa likod ngunit hindi ko magawang tingnan dahil na rin sa delikadesa at hiya.
Pagkasakay ko ay isinara na ng driver ang pinto at agad umikot papunta sa driver's seat. Nilingon ko ng bahagya ang likuran at mayroon doong mga paper bags na walang tatak. Puro iyon kulay brown.
"Anong ini-isponsor ng boss mo, kuya?" Curious kong tanong sa driver.
"Mga sapatos iyan ma'am na gagamitin ng mga kandidata sa Miss Villa Santibañez."
Umandar na ang van at bumusina muna ito sa tricycle driver bago umalis.
So, siya pala ang aming sponsor. Gusto ko sanang makita ang mukha niya ngunit walang chance.
"Siya ang boss mo?" Tanong ko.
Gumalaw ang paa sa sandalan at kinabahan ako.
"Yes ma'am. Puyat daw sa pambababae." Natatawang sagot ng driver.
Pambababae? So, baka pogi. Bata pa siguro. Curious talaga akong makita siya.
Dinukot ko mula sa aking bag ang sunglasses ko at isinuot iyon.
"Doon din ang punta mo ma'am?"
"Oo kuya. Isa ako sa mga kasali sa pageant," ang sagot ko.
"Ganoon ba ma'am? Naku, halata naman po sa inyo dahil sobrang ganda niyo!" Pinuri pa ako ni manong.
Nangilid ang ngiti ko sa kanyang papuring iyon kaya naman hindi ako kaagad nakasagot.
"Sinong maganda?"
Nabigla ako sa pagbangon ng lalaki sa likuran. Malalim at baritono ang boses nito at tila ba nai-imagine kong malaking tao siya mula sa boses niya.
Ayaw kong lumingon dahil sa totoo lang ay nahihiya ako. Tumambol ang dibdib ko sa kaba sa di ko maipaliwanag na dahilan.
"Hey, bakit mayroong babae dito? Regalo mo sa akin, Regie?" Ngayon ay nakapatong na ang parehong kamay ng lalaki sa sandalan at ang ulo niya ay nakatungo sa akin.
Mula sa aking peripheral view ay nakita ko ang morenong mukha ng lalaki. Matangos ang ilong, manipis na labi, mayroong cleft chin at pantay-pantay na mapuputing ngipin.
Ngunit hindi ko nakita ang kanyang mata dahil nakasuot din siya ng sunglasses. All in all, mukhang gwapo siya.
"Bossing, kandidata iyan sa pageant."
"Talaga? Bakit, gusto niya bang manalo, so she's insisting a one night stand with me?" Dire-diretso ang bibig ng lalaki.
Naiirita akong tumingin sa kanya at nakita ko ang shape ng kanyang mukha. Heart iyon at ang perfect. Parang Superman.
"Excuse me? Lumalaban ako ng patas."
"Maganda ka ha? Papasa ka sa standards ko." Ngumiti siya sa akin ng manyak.
Hindi ako kaagad nakasagot.
"Manong bababa na lang ako!"
"Ma'am malapit na tayo," sagot ng driver.
"Kapag bumaba ka, tatandaan ko ang mukha mo at ipapatalo kita," pagbabanta ng lalaki.
Sino ba siya? Sponsor lang naman siya.
Kinabahan ako dahil parang manyak siyang magsalita.
"Please manong," pakiusap ko.
"Regie, don't stop the car," naging seryoso ang tono ng lalaki.
Natakot akong bigla. Anong gagawin niya?
And then, he placed his hand on my bare shoulder dahil nakasando ako ng itim.
"Ano ba?" Tinapik ko ang kamay niya ngunit sa ginawa kong iyon ay tila ba pinahamak ko ang sarili ko.
He grabbed my hand and then hinila iyon saka hinalikan.
"Let me kiss this sexy hand of yours, Miss!" Hinalikan niya iyon at wala akong ibang nagawa kundi ang titigan siya.
Umakyat mula sa kamay ko patungo sa iba't ibang bahagi ng katawan ko ang kuryenteng kumiliti sa aking pagkatao.
He has warm lips and it made me feel so hot. Namumula ako.
"So, can you tell me your name and can I get your number?" He asked.
"No!" I replied.
"Nandito na po tayo!" ani Regie, ang driver.
Agad akong nagbukas ng pinto at nagmadaling lumabas without saying thank you.
"We'll meet again! And you'll regret this day na tinanggihan mo ako! Take note of that, Olivia!" Sigaw ng lalaking manyak.
Paano niya nalaman ang pangalan ko? Bakit niya ako kilala? Sino ba siya?
Hindi na ako lumingon pa at saka nagpatuloy na lang ako sa aking paglalakad dahil nagmamadali akong magtungo sa fitting room kung saan naghihintay si Inang Luna sa akin.
It's been more than 10 minutes at wala na ito sa pangako ko sa kanya.
"Ma'am, nakalimutan mo po ang dala mo!" Sigaw ng driver.
Gosh, my shoes.
Bumalik ako sa kinaroroonan nila at ngayon ay nakita ko ang lalaking nakaharang sa pinto ng van. Nakatiklop ang kanyang mga kamay at tila ba tinitingnan na niya ako na parang nakahubad.
Sinadya kong hindi siya tingnan dahil naiilang ako.
"Excuse me, kukunin ko ang gamit ko." Wika ko na nakayuko.
"Kapag may kausap ka ba, lagi kang tumitingin sa ibaba? O baka mayroon kang gustong sukatin sa akin sa parteng iyan?" He asked.
Ang manyak manyak niya talaga. Sino ba siya?
Gusto ko nang mag-angat ng mukha upang makita siya ngunit wala akong lakas ng loob.
"I'll just get my things, sir. Excuse me!"
"Say please!"
"Please?" napilitan kong wika.
"F*ck. Tinigasan ako sa'yo," he replied.
Jusko, ang manyak ng lalaking ito.
Pagtatapos ng Ikalawang Kabanata.