Kabanata 15

1985 Words

OLIVIA PAULINE PAGKALABAS niya ay kaagad na akong napaupo sa gilid ng kama. Nakatulala at tila ngayon ko na lang naramdaman ang lahat ng bagay na ginawa ko kanina. Napagod ako sa pagpupumiglas, napagod ako sa pananakit sa kanya na sa huli ay ako rin naman ang lugi. Napalingon ako sa malambot na kama na mayroong malinis at kulay puting bed sheet. Hinaplos ko ito at pinadaan ang kamay ko. Tiningnan ko ang bahaging nagulo dahil sa pagkahiga ko kanina. Bahagya kong ininda ang sakit ng aking pupulsuhan dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin kanina nang pigilan niya ako sa pananakit sa kanya. Namumula iyon at bakas ang mahigpit niyang pagkahawak sa akin kanina. At dahil wala naman akong magawa ay nahiga na lamang ako. Tinanggal ko na ang suot kong high heels at inayos ko ang bahagy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD