OLIVIA PAULINE AGAD kong hinablot ang kumot at parang bata akong bumaluktot sa kama nang sumampa na siya at gumapang papunta sa tabi ko. Nanginginig akong nagtalukbong nang dahil sa takot dahil sa sinabi niyang iyon. Aanakan na niya ako? Hindi maaari. Hindi ko pwedeng ibigay sa kanya ang pagkatao at p********e ko dahil naka-reserba lang ang lahat ng ito sa taong pakakasalan ko. "C'mon, Olivia. Huwag kang matakot. I'll be gentle. Hindi ba't ito naman ang gusto mo kanina? Now, I am ready to give you a wild and sleepless night." Pinilit niyang tanggalin ang kumot sa akin kahit na napaka-higpit ng pagkakahawak ko doon. Hindi ko mapigilan ang sarili kong maluha sa sobrang takot. Panay ang dasal ko na sana ay makawala na ako at gumawa ng kaparaanan ang Diyos na madinig niya ang dalangin ko.