Mag-isa kinaya ni Lily ang lahat mabuhay lang nag-iisang kapatid na natira sa kaniya. Mula nang nawalay silang dalawa sa mga magulang niya noong bata pa lamang siya. Lumaki sila sa bahay-ampunan ng bunso niyang kapatid na si Alex. Ngunit nang magkaisip ginawa niya ang lahat para lang makatakas sa takot na baka mawalay silang dalawa sa isa't isa. Lahat ng paraan ginawa ni Lily matustusan lang ang pangangailangan ng nag-iisang taong natira sa kaniya. Kasehodang pinasok niya ang pagiging isang dancer sa isang bar sa Manila. Dahil ayon sa kaniya ito nalang ang pinakamabilis na paraan para mabuhay niya ang kapatid. Taglay ang maamong mukha at magandang katawan mabilis na natanggap si Lily kasunod ang pagiging paborito siyang i-table ng ilang kalalakihang dumarayo sa bar na pinagtratrabahuhan niya. Maayos na ang buhay ni Lily nasa tama na ang lahat naisip niya may bahay na silang sinisilungan at regular na pinagkakakitaan isama pa ang nabibigay niya na ang pangangailangan ng kapatid niya. Plano niya ng tumigil sa pagsasayaw at manaka-nakang pag-te-table. Nang magkrus ang landas nila ni Theo. Ang binatang bagong punta lang sa lugar na kaniyang pinagtratrabahuhan. Mabilis na nahulog ang loob niya sa binata, mas sumidhi ang kagustuhan niyang makaalis na sa mundong ginagalawan para kay Theo at higit sa lahat para sa pagbabagong buhay na haharapin niya kasama ito.
Muling nag-asam si Lily nang muling naramdaman ang saya na matagal niya ng pinapangarap pa. Ngunit isang pangyayari ang siyang gumunaw sa lahat ng pangarap niya nang saklawan ng mga magulang ni Theo ang pag-iibigan nila.
Sino nga naman ang pamilyang magkakagusto sa kaniya? Isa lamang siyang mumurahing babaeng mababa ang lipad.