Chapter 4

2831 Words
Nakatingin lang si Gwen sa dyaryong hawak niya habang naghahanap ng pwedeng pag-applayan ng trabaho. Mahirap maghanap ng iba pang kompaya at trabaho ayon sa kanyang natapos na kurso pero hindi siya susuko para sa kanyang anak.   Hindi pa rin nawawala sa kanyang isipan tungkol sa nangyari sa interview niya sa Villa-Escudero Publishing Company. Sinabi naman nila na tatawagan nila si Gwen kung siya ay nakapasa o hindi. Kahit na ganoon ang sinabi nila sa kanya ay maghahanap pa rin siya ng iba pang kompanya para kapag hindi siya natawagan ng Villa-Escudero Publishing Company ay may mga options pa siya.  Hindi rin nawawala ang mga sinabi ng mga interviewee kay Gwen. Alam niyang mahihirapan siyang matatanggap doon sa Companya dahil sa mga sinabi nila, tungkol sa pagiging single mother niya kaya inisip niyang mahihirapan siyang makapasok doon dahil mas uunahin ng mga companya ang may good and pleasing personality, may magagandang credentials, mga empleyadong walang sabit na nakakasira sa kompanya at may experience kaysa sa kanya na wala pa.  Pumara ng taxi si Gwen nang may makita siyang open na position o job offering sa isang radio station. NAng makasakay siya ay agad niya itong sinabi sa driver kung saan siya pupunta. NAging mabilis naman ang naging byahe ni Gwen . Nang makalabas siya ng taxi at makapagbayad ng pamasahe ay agad siyang naglakad papunta sa radio station.  Habang naglalakad siya ay biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Agad niya itong kinuha mula sa kanyang bag at tinignan kung sino ang tumatawag. New number ito. Napatanong si Gwen kung sino ang tumatawag. Hindi ugali ni Gwen na sumagot sa mga tawag kapag hindi niya ito kilala pero dahil may hinihintay siyang tawag ay sinagot din niya ito sa huli.  "Hello? Ano po ang maipaglilingkod ko?" sagot na tanong ni Gwen sa kabilang linya.  "Is this Ms. Gweneth Natividad?" tanong ng isang babae mula sa kabilang linya.  "Yes? Speaking,ma'am, What can I do for you?" sagot at tanong ni Gwen sa babaeng nasa kabilang linya.  " This is Monique Agbalos from Villa-Escudero Publishing Company. I would like to inform you that the Board of Directors wants to meet you tomorrow or should I say, he wants you to return and report tomorrow. Congratulations, ma'am, you are hired!!" pakilala at sambit niya kay Gwen.  Hindi agad  nakasalita si Gwen dahil sa kanyang mga narinig. Nagulat siya dahil hindi niya inaasahan ang mga sinabi ng babae sa kanya. Hindi makapaniwala si GWen na natanggap siya sa unang kompanya kung saan siya unang na-interview sa araw na ito. Nagulat din siya dahil sa bilis ng pagkakatanggap niya dahil ang alam ni Gwen, isa o dalawang linggo pa ang hihintayin niya para matanggap sa mga inapplyan niyang trabaho.  "Are you still there,ma'am?" napabalik si Gwen sa kanyang ulirat nang muling magsalita ang babae sa kabilang linya.  "Yes,ma'am, i'm still here!" agad na sagot ni Gwen sa babaeng kausap niya.  "Are you sure that I am hired,ma'am?" hindi makapaniwalang tanong ni Gwen sa babaeng kausap niya.  "Yes, ma'am! I am 100 percent sure,ma'am!" sagot niya sa tanong ni Gwen.  Hindi niya maiwasan ang mapatalon at mapasigaw dahil sa natanggap niyang magandang balita.  "Ok,ma'am! Magrereport po ako bukas na bukas din po!" masayang sambit ni Gwen sa babae.  " Ok, then, see you tomorrow, ma'am!"  Nang mapatay na ni Gwen ang kanyang cellphone ay umatras na siya para sa pag-apply sa isang radio station. Nakangiti siyang naglakad pabalik sa kalsada para umuwi ng kanilang bahay.  Pag-uwi niya ay agad niyang pinuntahan ang kanyang anak na binabantayan ni Manang Ellia. Nang makita niya ang kanyang anak na si baby Zion na natutulog ay pinabayaan na lang niya ito. Hinalikan niya ito sa kanyang nuo.  Kinagabihan, nang dumating ang kanyang ina galing sa kanyang trabaho ay masaya niyang ibinalita ang pagkakatanggap niya sa trabaho. Masaya rin ang kanyang ina dahil sa magandang balita na hatid ni Gwen. Mahirap na rin kasi ang makahanap ng trabaho ngayon lalo na marami ring mga fresh graduates na naghahanap ng trabahong mapapasukan. Swerte na lang ni Gwen dahil hindi na siya nahirapan pang makahanap ng trabaho.  "Sino ang tumawag sa iyo, anak?" tanong ng ina ni Gwen sa kanya na agad naman niyang sinagot.  "Sa Villa-Escudero Publishing Company, ma!" masayang sagot ni GWen sa kanyang ina.  "Sa, sa Villa-Escudero Publishing Company?" nauutal na tanong ng kanyang ina sa kanya.  "Opo, ma. Alam niyo ba na ang Villa-Escudero Publishing Company ay isa sa pinakamalaking publishing house hindi lang dito sa bansa kundi pati sa ibang bansa,ma!Kaya napakaswerte ko at nang matanggap ako sa kanilang kompanya!" pagmamalaking sagot ni GWen sa kanyang ina.  Ngumiti naman ang ina ni Gwen sa kanya.  "Masaya ako at may trabaho ka na, anak. Hindi na masasayang ang mga pagod at pagsisikap mo sa pag-aaral dahil magagamit mo na ito sa iyong buhay," nakangiting sambit ng kanyang ina sa kanya.  "Magpapalit lang ako ng aking damit para makapagluto na ako ng ating hapunan,"paalam pa niya sa kanyang anak.  Nagtaka man si Gwen sa inasta ng kanyang ina. Pakiramdam niya ay parang may mali sa kanyang ina nang malaman niyang sa Villa-Escudero Publishing Company siya magtatrabaho.  Napailing na lang si Gwen at hindi inintindi kung ano mang ang naging reaksyon ng kanyang ina kanina. NAglakad si Gwen papunta sa kanyang kwarto kung nasaan ang kanyang anak na si baby Zion na natutulog na naman.  Tinabihan ni Gwen ang kanyang anak sa kama at humiga rin siya. Pinagmasdan niya ang kanyang anak na natutulog. Napapangiti na lang si Gwen.  "Alam mo, Baby Zion? Ikaw ang swerte ng aking buhay! sabi ni Gwen sa kanyang anak habang hinahaplos niya ang ulo ng kanyang anak na may kaunting buhok.  Kinabukasan, maagang nagising si Gwen dahil ngayon na siya magrereport para sa kanyang trabaho. Nagsuot siya ng pulang long sleeve longline shirt, work pants at tinernuhan niya ng red high heels.  Humarap siya sa salaminat naglagay siya ng red lipstick sa kanyang labi, mascara sa kanyang pilik mata at  sa kanyang kilay naman ay inayos niya ito gamit ang eyebrows na nababagay sa kanyang mapang-akit na mga mata. Naglagay din siya ng blush-on sa kanyang mukha na nababagay sa kanyang kutis at nagpadagdag pa ng kanyang kagandahan. Bago lumabas ng kwarto ay inayos na muna niya ang kanyang buhok na may highlights na brown.  NAng makapag-ayos si Gwen ng kanyang sarili ay lumabas na siya ng kanyang kwarto. Pinuntahan niya ang kanyang anak na karga-karga ni Manang Ellia. Hinalikan niya ito sa nuo at sinabihan niya si Manang Ellia kung ano ang gagawin niya sa kanyang anak na si Baby Zion.  Lumabas siya ng bahay at naglakad papunta sa sakayan. Nang makasakay siya ng taxi ay sinabi niya kung saan siya pupunta.  Halos kalahating oras lang din naman ang byahe bago makarating si Gwen sa harap ng Villa-Escudero Publishing Company. Humugot siya ng malalim na buntong hininga at pagkatapos ay ngumiti. Naglakad siyang pumasok sa loob ng gusali. Dumeretso siya sa harap ng information desk at tinanong niya ang isang babae na nakaupo sa harap ng  desk kung saan siya pupunta. Sinabi niya rin sa kanya na siya ang aplikanteng tinawagan para magreport. Pinaupo na muna ng babae si GWen sa lobby at tatawagin na lang daw siya kapag alam na niya kung saan pupunta si Gwen.  Naglakad si Gwen papunta sa lobby para maghinaty. Habang nakaupo siya ay may ilang mga empleyado na rin ang papasok sa kanilang trabaho. Marami ring tumitingin sa kanyang mga empleyado lalo na ang mga lalaki. Hindi naman maikakaila na may ipagmamalaki si Gwen sa kanyang pisikal na anyo. Mula sa kanyang mukha, sa kanyang sexing katawan at sa kanyang karismang taglay. Hindi rin halata sa kanya na nanganak na siya ng isang malusog na batang lalaki dahil bindi naman ito halata sa kanyang katawan.  Ilang saglit pa ay tinawag siya ng babae na nasa Information Desk. Tumayo si Gwen mula sa pagkakaupo at nilapitan ang babae. Sinabi ng babae kung saan pupunta si Gwen. Nagpasalamat si Gwen sa babae nang maibigay niya ang lugar kung saan siya pupunta. Ngumiti naman ang babae sa kanya at winelcome siya bilang bagong empleyado ng kompanya.  Habang naglalakad si Gwen ay hindi maiwasan ng mga kalalakihan ang hindi mapalingon dahil sa kanya. Hindi na lang pinansin ni Gwen ang mga empleyadong tumitingin sa kanya at dere-deretso na lang siyang naglakad papunta sa lugar na sinabi ng babae sa kanya kanina.  Nang makarating si Gwen sa kwartong sinabi ng babae sa kanya kanina ay kumatok siya sa pinto. May narinig naman siyang sumigaw mula sa loob na pumasok na siya.  Nang makapasok si Gwen sa loob ng kwarto, nakita niya ang isang lalaki na nakaupo sa harap ng kanyang table habang abala sa pagtingin ng mga papel. Isa ito sa mga interviewee kahapon. Ngumiti ang lalaki kay Gwen at pinaupo siya nito sa harap ng kanyang table. Nakita ni Gwen ang isang pangalan na nakapatong sa lamesa, Alfredo C. Montes.  "I'm Alfredo C. Montes, ang editor in Chief dito sa Villa-Escudero Publishing Company," pakilala ng lalaki kay Gwen.  Ngumiti naman si Gwen sa lalaki at nakipagkamay ito sa kaya.  "Ngayon ay pag-uusapan natin ang iyong magiging trabaho dito sa kompanya," nakangiti niyang sambit kay Gwen.  "Ayon sa ipinasa mong resume sa amin, may experience ka na sa pagsusulat sa isang writing platform at sa totoo lang ay alam namin kung ano at paano ito tumatakbo kaya ang ibibigay namin sa iyong trabaho ay isang Proofreader," sabi niya kay Gwen.  "Alam kong alam mo na kung ano ang magiging trabaho mo bilang proofreader. The job of a proofreader is somewhere down the ladder in the publishing world but it is a good position to start with. A proofreader corrects grammatical mistakes, sentence formation mistakes and other such mistakes so that the content can then be handed over to the editor for further examination," paliwanag sa kanyan ni Mr. Montes.  May mga sinabi pa siyang mga mahahalagang bagay tungkol sa kanyang magiging trabaho. NAsa ganoong pag-uusap sila nang bumukas ang pinto ng kanyang office at pumasok ang isang lalaki. Naka formal attire ito at may salamin sa kanyang mga mata. Sa tansa ni Gwen ay nasa mid 40's na ang lalaki.  "Mabuti naman at nandito ka na. Halika at ipapakilala kita sa bago niyong makakasama sa department niyo," anyaya ni Mr. Montes sa lalaki.  Lumapit ang lalaki sa kinauupuan ni Mr. Montes at tumayo sa gilid nito. Ngumiti ang lalaki kay Gwen na ginantihan naman ni Gwen.  "This is Mr. Alejandro Tobias. Siya ang inyong head sa inyong department," pakilala ni Mr. Montes kay Gwen ang lalaking nasa tabi niya.  Tumayo si Gwen mula sa kanyang pagkakaupo at kinamayan si Mr. Tobias.  "Goodmorning,sir. It is nice to meet you,sir!" nakangiting sambit ni Gwen kay Mr. Tobias.  "Ikaw na ang bahala kay Ms. Natividad, Mr. Tobias. May mga nasabi ko na  sa kanya tungkol sa mga trabaho niya dito. Ikaw na lang bahala sa mga karagdagang inpormasyon," sabi ni Mr. Montes kay Mr. Tobias.  Nang makalabas kaming dalawa ni Mr. Tobias sa office ni Mr. Montes ay sumakay kami ng elevator papunta sa department namin. Nang makarating kami ay agad kong nakita ang aking mga kasamahan na nag-aayos ng kanilang mga tables at naghahanda para sa trabaho nila sa araw na ito.  "listen Everyone!" sigaw ni Mr. Tobias sa lahat.  Napatingin naman silang lahat at lumapit sila sa kanilang kinaroroonan.  "Ating batiin ang bago nating makakasama dito. Siya si Ms. Gweneth Natividad ay simula ngayon ay parte na siya ng ating pamilya!" pagpapakilala ni Mr. Tobias kay Gwen.  Lumapit ang mga katrabaho ni Gwen sa kanya. Mahigit dalawanpo rin ang mga makakasama ni Gwen sa depatrment na ito. Lahat sila ay nilapitan si Gwen at nagpakilala. Hindi naman nawawala ang ngiti ni Gwen sa kanyang mukha dahil sa mainit nilang pagtanggap sa kanya.  "Welcome to our team, Ms. Natividad!" pagbati ng kanyang mga kasamahan.  "Thank you,guys! Hindi ko inaasahan na ganito niyo ako tatanggapin," nakangiting sambit ni Gwen sa kanyang mga kasamahan.  "Relax ka lang dito. Gawin mo lang ang trabaho mo ng maayos para walang maging problema. Hindi naman masungit si Mr. Tobias pero may pagka istrikto lang minsan," sabi ng isang babae sa kanya.  " Huwag mong paniwalaan ang sinasabi ni Joanna,Gwen.  Masungit at istrikto si sir Tobias konting pagkakamali mo lang ay pagagalitan ka na niya at katakot-takot na salitang maririnig mo ang galing sa kanya,”  Sabi naman ng babae kay Gwen. “ ‘Wag mo siyang takutin , Erika!  Ikaw lang naman ang pinapagalitan ni Sir Tobias dahil diyan sa katamaran mo!”  ang sabi ni Joanna sa kanya.  “Anong katamaran?  Nagpapahinga lang ako saglit kapag tapos na ang  ang aking trabaho!  hindi yun katamaran!”  depensa ni Erika sa sinabi ni Joanna.  Napapnailing na lang si Gwen dahil sa mga naririnig niya mula sa mula kay Eric at Joanna.  nakikinig na lang si Gwen sa kanilang bangayan.  yung sa ganoong posisyon sila ng biglang may magsalita ng lalaki. “ Kapag may problema ka at mga tanong ay wag kang mahihiyang magtanong sa akin.  kahit na anong oras  o minuto ay sasagutin ko ang lahat ng tanong mo pero pagdating ng araw Sana ako rin ang sagutin mo,”  nakangiting sambit ng isang lalaki sa kanya na sinabayan pa niya nang  kindat.  “ Huwag mong guluhin,Primo!  bagong salita ng siya dito kaya wag mo siyang pagtripan!”  sabi ni Joanna sa lalaki na pinangalanan niyang Primo.  “ Hindi ko naman siya ginugulo, ah!  Sinasabi ko lang sa kanya kung may katanungan sa ay wag kang mahiyang lumapit sa akin ,”  depensa ni Primo sa sinabi ni Joanna.   “Naku primo,  alam ko na yang mga dalawang mong ‘yan! Alam kong sanay ka nang magpaikot ng mga babae  at alam ko rin na magaling kang mag-salita dahil sa mabulaklakin mong bunganga!”  sabi ni Joanna sa kanya.   Napatingin si Gwen sa lalaki.  hindi naman niya maitatanggi na may itsura ito.  katamtaman lang ang kanyang kulay hindi maputi at hindi rin maitim.  medyo matangos ang kanyang ilong ang kanyang mga labi ay mapula rin. “ sinisiraan mo naman ako sa bagong  salta Joanna,  parang wala naman tayong pinagsamahan, ah!”  sabi ni Primo Joanna. “  Anong sinasabi mong pinagsamahan,  Primo?  Kahit minsan o kahit kailan ay wala tayong pinagsamahan kaya huwag kang magsasalita ng ganyan!” depensa naman ni  Joanna sa sinabi ni Primo. “ Basta Gwen, kapag nagsalita si Primo ay huwag mong paniniwalaan dahil sanay siyang manloloko o mangbilog ng utak ng mga babae,”  babala ni Joanna kay Gwen.  Napatango na lang si Gwen dahil sa sinabi ni Joanna.  nag-usap pa silang apat tungkol sa mga bagay-bagay sa kanilang trabaho.  Hindi nagtagal, nagpaalam na rin sila para simulan na ang kanilang trabaho habang si  Gwen ay nagpunta sa bakanteng table para makapag Ayos na rin ang kanyang mga gamit.  Nang matapos siyang makapag-ayos ng kanyang mga gamit,  nilapitan siya ni Mister  Tobias at tinanong kung handa na ba siyang maglibot sa kanilang Department.  Ngumiti at tumango na lang si  Gwen kay Mister Tobias.  Lumapit si Gwen  kay Mister Tobias.  Magsisimula na sana silang maglakad ng biglang may sumigaw na isang lalaki.  “ Good morning everyone!  Ang pinakagwapong nilalang sa mundo ay nandito na!”   Sigaw ng lalaki habang nakataas ang kanyang dalawang kamay.  Napatingin ang lahat sa lalaking sumigaw.  Hindi na nagulat ang mga kasamahan ni Gwen sa inasta ng lalaki.  Parang sanay na ang lahat na ganito ang bungad ng lalaki tuwing umaga.   Ilang saglit pa ay tumigil ang lalaki sa kinalalagyan ni Gwen.  ng makita niya si Gwen ay mabilis siyang naglakad palapit sa kanya.  ngumiti ang lalaki kay Gwen. “ Nandito ka na pala?”  nakangiting tanong ng lalaki kay Gwen.  “ Late ka na naman,Marcus!”  sabi  sa kanya ni Mr. Tobias.  “Ngayon ka na ba magsisimula?” hindi pinansin ni MArkus ang sinabi ng kanilang head.  Napatingin si Gwen kay Mr. Tobias.   “Pumunta ka na sa table mo at mag-ayos para makatrabaho ka na at ililibot ko si Ms. Natividad sa buong department,Markus!” utos sa kanya ni Mr. Tobias.  “Ako na lang kaya ang maglibot sa kanya,Sir Tobias?” sabi ni Markus sa kanya.  “Hindi ba marami kang trabaho, Sir? Kaya ako na lang ang maglilibot sa kanya,” nakangiti si MArkus habang sinasabi niya ito kay Mr. Tobias.  Napapikit at napabuntong hininga si Mr. Tobias, “ Sabagay, marami pa akong hinahabol na ipapasa sa Had Editor kaya ikaw na ang bahala kay Ms. Natividad,Markus!” sabi na lang ni Mr. Tobias sa kanya.  NAng makaalis si Mr. Tobias ay hinarap ni Marlus si Gwen na kanina pa hindi nagsasalita.  “Tara na?” anyaya ni Markus kay Gwen pero hindi gumalaw si Gwen.  “Tara na,” pag-uulit niya sabay hawak sa kanyang braso.  Agad naman na binawi ni Gwen ang kanyang braso. Hindi niya alam pero parang hindi maganda ang presensya ng lalaki sa kanya.  “Huwag mo akong hahawakan!” sabi ni Gwen sa kanya.  Tumingin si Markus kay Gwen, “ Alam mo, masungit ka pa rin!” sabi ni Markus na pinagtaka ni Gwen.  “Magkakilala ba tayo at ganyan ka magsalita sa akin?” nagtatakang tanong ni Gwen kay Markus.  “Hindi mo ako naaalala? Sabagay, mga siyam o sampong buwan na rin noong magkita tayo,” sabi ni Markus sa kanya.  NAgbalik-tanaw si Gwen dahil sa sinabi ni Markus at doon ay naalala niya ang lalaking kumausap sa kanya noon sa tulay.  “Ikaw yong lalaki sa tulay?” tanong ni Gwen sa kanya.  “Buti at naalala mo dahil ako ay hindi ka nawala sa isip ko!” nakangiting sambit ni Markus kay Gwen.  “Hindi kita maaalala kung hindi mo pinaalala,” sabi ni Gwen sa kanya.  Ngumiti si Markus kay Gwen, “ Huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong hindi mo na ako makakalimutan pa!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD