"Ano ba ang sasabihin mo sa akin?" tanong ng ina ni Gwen sa kanya.
Napatingin si Gwen sa kanyang ina. Nasa sala sila dahil katatapos lang nilang kumain ng hapunan.
Hindi mapigilan ni Gwen ang mapaluha dahil sa mga nalaman niya ngayon araw. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin kung ano ang kalagayan niya sa kanyang ina.
"Ano ba ang problema, Gwen? Huwag mo akong pakitaan ng ganyan dahil nag-aalala ako sa iyo!" sabi pa ng kanyang ina sa kanya.
Hindi na napigilan pa ni Gwen ang kanyang sarili at mabilis niyang niyakap ang kanyang ina. Hinaplos naman ng kanyang ina ang likod ng kanyang anak at pinatahan.
" Kung ano man iyang nasa loob mo ay iintindihan kita, anak kaya sabihin mo sa akin kung ano nga ba ang problema mo," pagpapalubag loob ng kanyang ina sa kanya.
Naghiwalay sila sa pagyayakapan. Umiiyak pa rin si Gwen sa harap ng kanyang ina. Hindi niya alam kung paano niya ba sisimulan ang kanyang sa sabihin sa kanyang ina. Hindi niya alam kung paano niya sasabihing buntis siya.
"Ma," mahina niyang pagtawag sa kanyang ina.
"Sabihin mo na lang sa akin kung ano ang problema mo, hindi ako magagalit sa iyo pwera na lang kung sabihin mong buntis ka!" sabi ng kanyang ina kaya napalunok si Gwen ng kanyang laway.
Nakaramdam siya ng takot dahil alam niyang magagalit sa kanya ang kanyang ina.
"Nagpunta ako sa clicnic kanina,ma," paunang mga salitang binitiwan niya.
"Bakit? May sakit ka ba? May almoranas ka ba?" pagbibiro ng kanyang ina para mabawasan ang tensyon sa kanilang dalawa.
"Ma, buntis po ako!" mahina pero may diin niyang balita sa kanyang ina.
Napatigil ang kanyang ina. Napalaki siya ng kanyang mga mata dahil sa kanyang narinig.
"A-anong sinabi mo? Pakiulit nga?" hindi makapaniwalang tanong ng kanyang ina sa kanya.
"Buntis po ako!" pag-uulit ni Gwen sa kanyang sinabi.
Napatayo ang kanyang ina dahil sa balitang nalaman niya. Sinabunutan niya si Gwen dahil hindi niya mapigalan ang kanyang sarili na magalit sa kanyang anak pero agad naman niya itong binitawan.
"Paano ka nabuntis! Wala ka namang karelasyon ngayon! Pwera na lang kung may ginawa kayo ni Lester bago kayo naghiwalay!"
"Wala,ma. Walang nangyari sa amin ni Lester sa limang taon naming relasyon," sagot ni Gwen sa kanyang ina.
"Eh, paano ka nagkaroon ng bata sa tiyan mo!? Ano 'yan,magic na may pumasok sa pekpek mo na t***d!?"tanong na sigaw ng kanyang ina sa kanya.
Napayuko na lang si Gwen dahil sa mga sinabi ng kanyang ina.
"Nangyari ito noong nakaraang lingo,ma, " pag-amin niya sa kanyang ina.
"Oh, tapos? Sinong lalaki ang nakabuntis sa iyo!?" tanong pa ng kanyang ina sa kanya.
Napatingin si Gwen sa nagagalit na mukha ng kanyang ina.
"Hi-hindi ko po alam," nauutal at mahina niyang sagot sa tanong ng kanyang ina.
Napasabunot ng kanyang buhok ang ina ni Gwen. Hindi siya makapaniwala sa nangyari sa kanyang anak. Ilang saglit pa ay naluha ang kanyang ina.
"Ano ba ang pinaggagawa mo sa buhay mo,Gwen! Matalino ka naman pero bakit nangyari iyan sa iyo!/ Pinalaki naman kita ng maayos pero bakit? Ano ang pagkukulang ko?" naluluhang mga tanong ng ina ni Gwen sa kanya.
Napayuko na lang si Gwen dahil sa mga sinabi ng kanyang ina. Ramdam niya kung paano siya nadisappoint ni Gwen ang kanyang ina.
"Ipalaglag ko kaya ito,ma?" dahil sa sinabi ni Gwen sa kanyang ina ay malakas siyang sinampal nito.
"Nag-iisip ka pa ba,Gwen!? Ipapalaglag mo ang bata!? Alam mo naman kung gaano kalaking kasalanan iyang sinasabi mo! " sigaw ng kanyang ina sa kanya.
Hindi na naiwasan ni Gwen ang mapaiyak. Humagulgol ito dahil sa nangyari sa kanya.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko,ma" nahihirapan niyang sambit sa kanyang ina.
Napabuntong hininga ang ina ni Gwen. Nilapitan niya ito at tinabihan.
"Kung ano man iyan nasa loob mo ay isa iyang biyaya. Huwag kang mag-alala dahil parati naman akong nandito at tutulungan kita," pag-aalo ng kanyang ina sa kanya.
Napatingin si Gwen sa kanyang ina at niyakap ito ng mahigpit habang umiiyak.
"Patawarin niyo ako kung ano man ang mga nagawa ko,ma. Hindi ko naman sinasadya na mangyari ang lahat ng ito," sabi ni Gwen sa kanyang ina.
Hinaplos ng ina ni Gwen ang kanyang likod, "Siguro ay may dahilan ang lahat ng nangyayari sa iyo, Gwen. Ibinigay iyan ng Maykapal para gisingin ka sa mga pagkakamali mo kaya huwag mong isipin na isa iyang pagkakamali at isipin mo na lang na iyan ay isang biyaya na galing sa Maykapal," mahabang pangaral ng ina ni Gwen sa kanya.
Simula noong gabing nagkausap silang mag-ina ay nanatili na lang sa loob ng bahay si Gwen. Wala siyang kasama dahil nasa trabaho ang kanyang ina.
Tungkol sa kanyang ama, dalaga pa noon si Gwen nang mamatay ito dahil sa aksidente sa probinsiya. Lumipat sila dito sa syudad para takasan ang lungkot na nangyari noon sa kanila dahil sa pagkawala ng kanyang ama.
Matagal nang gustong mabisita ni Gwen ang puntod ng kanyang ama na nakahimlay sa probinsya kaya lang ay walang pagkakataon dahil busy ang kanyang ina sa kanyang trabaho bilang isang Accountant sa bangko.
Lumipas ang mga araw at buwan ay lumalaki na ang kanyang tiyan. Hindi nga siya iniwan ng kanyang ina kung ano ang kalagayan niya at sinuportahan siya nito ng buo. Hindi naman naging pabigat si Gwen dahil kahit na nasa bahay lang siya ay naisipan niyang mag-online business at magsulat ng kwento na kanyang hilig.
Kapag wala o hindi siya nag-oonline business ay nakakapagsulat siya ng mga kwentong ibinabahagi niya sa isang writing Platform na kung saan ay nababayaran din siya. Ito ang naging buhay ni Gwen habang siya ay nasa bahay lang at pinaghahandaan ang kanyang panganganak.
Noong nakaraang buwan din ay nagparamdam ang kanyang ex-boyfriend na si Lester. Nagpapadala siya ng mga mensahe, tumatawag at minsan ay dinadalaw siya pero hindi niya ito hinaharap. Huling punta ng kanyang ex-boyfriend ay noong isang linggo na nakikiusap na magka-usap sila. Dahil sa tigas ni Gwen na hindi makausap ang kanyang ex-boyfriend ay nakatanggap siya ng mensahe mula sa kanya.
" Alam kong galit na galit ka sa akin dahil sa aking nagawa, Gwen. Pinagsisihan ko na ang lahat ng iyon dahil kung nasaktan ka ay nasaktan din ako ng sobra. Kung ayaw mo pa akong harapin ay tatanggapin ko dahil ako naman ang may kasalanan ng lahat pero hiling ko lang ay sana magawa mo akong patawarin. Lilipad na kaming buong pamilya papunta sa America para doon na manirahan. Sana ay maging masaya ka sa buhay mo ngayon at sana ay huwag mo akong kalimutan sa buhay mo. Lagi mo sanang isipin na may Lester kang nakasama sa lungkot at ligaya. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Nagkamali man ako, hindi ko sinisisi na nakilala kita,Gwen. Ngayon ay papalayain na kita dahil alam kong nahihirapan ka rin. Hanggang dito na lang, salamat sa lahat,Gwen. Salamat sa lahat lahat! "
Aaminin naman ni Gwen na talagang may puwang pa ang kanyang ex-boyfriend sa kanyang puso pero nagdesisyon na siyang isara na ang pinto ng kanyang puso para sa lalaking nagpadama sa kanya ng sakit. Lahat ng ala-ala nilang dalawa ay gagamitin niya sa mga susunod pang mga araw. Ang mga masasakit ay gagawin niya itong aral para hindi na magkamali pa muli.
Dumaan pa ang mga buwan at dumating din ang pinakahihintay nilang mag-ina, ang kanyang panganganak. Alas syete ng gabi noong makaramdam si Gwen ng sakit mula sa kanyang tiyan at nabasag ang bahay-bata nito. Agad naman siyang nadala sa ospital at doon ay nanganak na nga siya.
Isang malusog na batang lalaki ang kanyang anak. Nakangiting pinagmamasdan ito ni Gwen matapos ang ilang oras na panganganak. Hindi matawaran ang sayang nararamdaman niya habang kinakarga niya ito at lumuluha.
Mahigit dalawang linggo din sila sa ospital bago sila lumabas. Kumuha din sila ng makasamang kasambahay para may katulong si Gwen habang wala ang kanyang ina at nasa trabaho.
Naging maayos naman ang lahat sa kanila. Pinagtuonan ng pansin ni Gwen ang kanyang napacute na anak na lalaki. Ibinigay niya ang lahat ng pagmamahal sa kanyang anak at hindi siya nagkulang dito sa pag-aalaga.
Tatlong buwan ang nakalipas ay pwede nang lumabas si Gwen sa kanilang bahay. Nasa hapagkaininan silang mag-ina ngayon at natutulog naman ang kanyang anak na binabantayan ng kanilang kasambahay.
" Sa tingin ko ay kailangan mo nang maghanap ng trabaho, Gwen. Hindi sasapat ang pagiging online seller mo. Ang pagsusulat mo naman ay saka ka lang nababayaran kapag nakakatapos ka ng kwento, " napatingin si Gwen sa kanyang ina dahil sa kanyang sinabi.
Matagal na ring naisip ni Gwen ang maghanap ng trabaho para sa kanyang anak pero ayaw niyang iwanan ang kanyang anak sa pangangalaga ng iba.
"Pero, papaano si Zion,ma?" tanong ni Gwen sa kanyang ina.
"Nandiyan naman si Manang Ellia at uuwi ka naman dito sa bahay araw-araw."
Napaisip si Gwen sa sinabi ng kanyang ina.
"Sige,ma. Maghahanap ako ng trabaho bukas para sa atin, para sa aking anak na si baby Zion," sagot ni Gwen sa kanyang ina.
Kinubukasan ay maagang gumising si Gwen para gawin ang isang bagay na sinabi ng kanyang ina sa knay. Ang maghanap ng trabaho. Nakapagtapos siya ng Journalism sa pinakamagandang University dito sa syudad kaya napag-isip niyang mag-apply sa mga kompanya.
Naghanda na siya ng kanyang sarili at ang mga papeles na kanyang gagamitin sa pag-aaplay. Nang makapag-ayos siya, lumabas na siya ng kanilang bahay. Bumili ng dyaryo para maghanap ng mga pwede niyang puntahan. Habang naghahanap siya sa dyaryo, napadilat siya nang makita niya ang isang Job Offering. "Villa-Escudero Publishing Company."
Ang Villa- Escudero Publishing Company ay isa sa pinakasikat hindi lang dito sa kanilang syudad kundi sa buong Pilipinas. Ang kanilang mga libro, magazines, newspaper ay kilalang kilala sa buong bansa.
Agad siyang pumara ng taxi at pumunta sa Villa-Escudero. Nang makarating siya ay naglakad siyang papasok at nagtanong sa information desk kung saan pwede mag-apply. Tinuro naman nila sa kanya ang daan. Nang makarating siya sa lugar kung saan siya mag-aaply ay napataas siya ng kilay dahil sa dami nilang aplikante. May mga babaeng kulang na lang ay ginawang canvas ang mukha dahil sa make-up at meron din naman sa kanilang mga prensentable. Napailing na lang siya at naglakad papunta sa isang babae at ibinigay ang kanyang resume. Pagkabigay niya ay tahimik siyang umupo.
Nang magsimula nang magpasukan ang mga aplikante, nirelax na lang niya ang kanyang sarili. Halos isang oras din siyang nakaupo bago nila tawagin ang kanyang pangalan. Tumayo siya na nakangiti at pumasok sa loob. Pagpasok niya, may tatlong taong nakangiting nakatingin sa kanya kaya nginitian biya rin ang mga ito. Pinaupo nila si Gwen at nagsimula na ang interview.
"Goodmorning,ma'am and sirs," pagbati ni Gwen sa kanila.
"Goodmorning." Nakangiti rin nilang pagbati sa kanya.
"Ok, let's make it quick!" Sambit ng babae na kinalunok niya ng kanyang laway dahil parang biglang nagbago ang aura nito. Kung kanina ay nakangiti siya, ngayon ay napakaseryoso niya.
"Tell us about yourself," Deretsyong tanong pa niya kay Gwen na sinagot niya naman ng confident. Nagpakilala siya sa kanila. Sinabi niya sa kanila ang kanyang personal details, kung saan siya nag-aral at kung ano ang tinapos ko.
"So, Gwyneth Natividad. Why do you want to do work with our company?"tanong naman ng isang lalaki sa kanya.
"Sir, it's a great privilege for everyone to work in a reputed company like yours. When I read that your company needs a Journalist, I found my skills are matching your requirements where I can showcase my skills to contribute to the company growth," nakangiting sagot ni Gwen sa tanong ng lalaki.
Nakita ko silang tinitignan ang aking resume na kinakaba ko.
"Why should we hire you?" napalunok si Gwen sa tanong ng babae sa kanya.
"Ma'am, as a fresher, I have the knowledge, I can do hard work and I will put all the efforts for the good progress of my job. I can finish the work given to me on time and try to fulfill all the needs of the company from me," sagot niya sa kanila.
"Pero ayon sa iyong resume, isa kang single mother. Kung hindi mo masamain, ano ang dahilan?" tanong ng lalaki sa kaya.
"Dahil po sa isang pagkakamali. Dahil sa napagdaanan ko ay nalulong ako sa alak at hindi ko inaasahan na dumating ang aking ana sa buhay ko," sagot ni Gwen sa tanong ng lalaki sa kanya.
"Alam mo,Ms. Gwyneth Natividad. Maraming mga aplikante na mas maganda ang kanilang mga resume. Meron pang galing sa mga matataas na Unibersidad sa Maynila at matataas ang mga grado at mas maganda ang personalidad. Alam mo naman siguro na mas pipiliin namin ang mas makakatulong sa kompanya,hindi ba?"sambit ng lalaki sa kanya na nagpayuko sa kanyang ulo.
" Tatawagin ka na lang namin kapag matatanggap ka dito," huling narinig na mga salita ni Gwen mula sa kanila.
Bago siya tumalikod sa kanila ay nakita niyang nagtinginan silang tatlo. Naglakad na siyang papunta sa pinto at lumabas ng kwarto. Sa paglabas niya ay nakita niyang nakatingin silang lahat kay Gwen pero hindi na lang niya sila pinansin. Naglakad na lang siya palabas ng gusali para muling maghanap ng trabaho. Habang naglalakad ito, hindi niya napansin ang paang nakaharang kaya hindi niya sinasadyang tamaan ito. Hinarap niya ang taong nabangga niya at humingi ng tawad na pinatawad naman siya kaagad. Ngumiti ang lalaki sa kanya pero hindi niya na lang pinansin ito.
Magpapatuloy na sana siya sa paglalakad ng biglang may bumangga sa kanyang likod na nagdahilan para mapasubsob si Gwen sa lalaki na natamaan niya kanina. Agad na napatingin si Gwen sa nakabangga sa kanya at laking gulat na lang nang makita niya ang mukha niya. Nakatingin din siya kay Gwen at halata rin ang gulat sa kanya.
"Markus, bilisan mo at kailangan na nila ang mga papel na 'yan!" sigaw ng babae sa kanya.
Bago siya tumalikod kay Gwen ay nginitian niya muna ito na nagpataas ng kilay ni Gwen. Binaling na lang ni Gwen ang kanyang atensyon sa taong nasa harap niya at muli itong humingi ng tawad.
"Ok lang sa akin. Maganda ka naman,eh!" sabi niya na nginitian na lang ni Gwen.
Paglabas niya ng building ay muli kong tinignan ang dyaryo at naghanap ulit ng pwede niyang aplayan.