Hindi na nagdalawang isip si Joel na puntahan sa kuwarto ang dalaga. Bahala na kung magalit ito sa kanya. Ang importante lang sa kanya ay mailayo niya ito kay Ong. Kahit malagay pa sa panganib ang kanyang buhay. Kinatok ni Joel ang pinto. No’ng walang may sumagot. Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at sinilip ang ulo sa siwang ng pinto. “Britney!” magaan niyang tawag at pumasok ng tuluyan sa loob. Maya-maya pa at nakarinig siya ng kaluskos mula sa kuwarto. Ilang sandali lang at bumukas iyon. “Bakit?” tanong nito. Medyo galit pa ang boses ng dalaga. Nanatili ito sa tabi ng pinto habang matalim ang mga matang nakatingin kay Joel. Inilang hakbang ni Joel ang pagitan nila ni Britney. Agad niyang hinawakan ang kamay nito. “Kailangan mong makaalis dito. Nasa labas si Wang at mga ta