KINABUKASAN, maagang nagising ang mga lalaki sa pangunguna nina Joel at Dante. Nagkape lang sila at agad na tumungo sa firing range, para mag-ensayo. “Sa tingin mo may laban tayo kay boss?” tanong ni Steven sa mga kasama. Kasalukuyan silang nagjo-jogging sa gitna ng firing range. Maging ang dalawang anak nang katiwala ni Bryan ay kasama rin nila. “Kapag hindi mo ginalingan tiyak ilalampaso tayo ni Boss Bryan,” turan ni Joel. Binuksan ang dalang tubig na nasa bote at inisang lagok iyon. “Pero sa tingin ko may kahinaan din, Boss Bryan. No’ng nag-ensayo siya kamakailan, halos sablay ang patama niya sa target. Hindi ko alam kung sinadya niya o pagod lang siya, alam n’yo na nasa stage ng honeymoon si boss,” nakangiting pahayag ni Rustan. Tiningnan pa ang paligid, para masiguradong wala ro