“Ano raw po ang sabi ni Sir Bryan? Bakit po siya tumawag, may problema po ba?” sunod-sunod na tanong ni Britney kay Aling Melba. Katatapos lang nitong kausapin ang kanilang amo. Ibinalik ni Aling Melba ang cordless phone sa sarili nitong lalagyan at saka bumalik sa tabi nang dalaga. “Wala naman silang problema. Nagsabi lang siya na pumunta tayong lahat sa Tagaytay, alam mo na weekend bukas saka nami-miss na raw tayo ni Kate,” masayang sagot ni Aling Melba. “Bakit po, nasaan si Aling Nena, saka ’yong dalawang anak niya?” “Hindi ko alam kung naroon pa sila. Alam mo naman ’yong kaibigan mo na ’yon, tayo pa rin ang hahanapin kahit nasa malayo na.” “Oo nga po eh.” “Oh siya magluluto na ako ng pananghalian natin. Mamaya-maya darating na ’yong mga kasamahan nating barako, tiyak gutom n