Acel Callum Ross, that's her boss full name. Callum owns the famous Ross Tower Company, he owns a lot of house and lots, condominium buildings, business buildings and malls. Napag-alaman niya rin na ito ang may-ari ng village kung nasaan ito nakatira ngayon. Sa batang edad nito ay ganito na ka-successful, limang taon lang ang agwat niya rito. Nalaman niya ang impormasyon na iyon dahil sikat ito pagdating sa business. Isang search mo lang sa internet ng pangalan nito ay lahat ng basic information ay naroroon na.
Napagilid siya nang dumaan ang babaeng bisita ng boss niya. Sopistikada itong naglalakad sa sala habang tumitingin ng paintings na nakasabi sa pader. Hindi pa kasi bumababa ang boss niya at matiyaga naman na naghihintay ang babae. Isang linggo na siya rito pero pangatlong babae na itong nakita niya, sigurado siyang hindi nagse-seryoso ang boss niya dahil paiba-iba ang kalambingan.
Noong nakaraan lang ay bago pa makalabas ang boss niya kasama ang ibang babae ay nakita niyang naghalikan ang mga ito. Hindi naman siya chismosa pero saktong nakita niya lang ang senaryo na 'yon.
Her boss is not smiling always, medyo tahimik nga ito at seryoso madalas pero sa katunayan ay hindi naman talaga seryoso pagdating sa mga babae.
"Babe!" tawag ng babae nang makababa na ang sir Callum niya. "What took you so long? Bored na ako rito," dugtong pa nito habang nakanguso ang labi.
Tumalikod na lang siya at dumeretso sa kusina para roon naman maglinis.
"Sorry, I have important calls."
"Let's go na! I'm excited about our date today."
Narinig niya ang tunog ng paghalik kaya nailing na lang siya. Dapat talaga sinasanay na niya ang sarili niya sa ugali at galawan ng boss niya. Kinuha niya ang vacuum para makasigurado sa mga dumi at alikabok na hindi niya nakikita. Dumeretso siya ulit sa sala nang marinig na nakalabas na ang dalawa. Nakita niya pang awtomatikong bumukas ang gate para makalabas ang kotse na sinasakyan ng boss niya at kasama nito.
Pati siya ay may sariling remote para sa gate, for emergency purposes. Kung sakaling nawala ng boss niya hindi na ito mahihirapan mag mano-manong bukas ng malaking gate.
Naglinis na siya ng buong bahay para mamaya ay maaga rin siya makapagpahinga. Ito ang maganda sa trabaho niya, basta natapos niya lahat ng kailangan gawin sa araw na 'yon ay makakapagpahinga na siya ng maaga. Swerte na rin siya dahil hindi kumplikado linisin ang buong bahay dahil malinis na talaga.
Nagluto siya ng tanghalian niya at kumain mag-isa. Nang dumating ang hapon ay naglinis naman siya ng garahe at garden. Tamang walis walis lang at tanggal ng mga kalat na makita niya. Napatingin naman siya sa glass pool na medyo marami na ang dahon galing sa dalawang puno na malapit doon. Ngayon niya lang lilinisin iyon at dahil alam niyang walang pangdakot ng mga dahon wala na siyang ibang maisip na paraan kun'di ang lumusob sa pool para damputin ang mga nakakalat.
Sigurado naman siyang gabing-gabi pa ang uwi ng amo niya kaya okay lang din naman siguro kung lulublob siya sa pool, total ay maglilinis naman siya. Muli siyang pumasok sa loob ng bahay at kumuha ng plastic para may paglagyan ng mga dahon. Kumuha na rin siya ng tuwalya niya para pag muli siyang bumalik sa loob ay hindi siya magkakalat ng basa sa napakagandang tiles.
Walang pag-aalinlangan na hinubad niya ang uniform na suot. Tanging bra at cycling shorts lang ang tinira niya para iyon lang ang lalabhan niya agad. Lumusong agad siya sa pool at ramdam niya ang kalamigan ng tubig. Malinis naman ang pool at dahon lang talaga ang kailangan niya tanggalin. Dinakot niya ang mga dahon na sama sama at ang iba naman ay kinuha niya isa isa dahil may ibang magkakahiwalay.
"What are you doing?" halos mapatalon siya sa gulat nang marinig ang boses ng boss niya. Agad siyang napalingon kung saan nanggaling ang boses at kita niya na seryoso itong nakatingin sa kaniya habang kunot ang noo.
Galit ba ito?
"Nakauwi na po pala kayo," mahinang sambit niya habang mahigpit ang hawak sa plastic na may lamang dahon. Hindi ito umimik kaya nataranta siya lalo. Mabilis siyang umahon sa pool at dali-daling nilapitan ito. Ang dalawang kamay niya ay nakahawak ng mahigpit sa plastic habang ang ulo niya ay nakayuko dahil sa kaba.
"Nilinis ko lang po ang pool dahil maraming dahon. Wala po kasing pangdakot at kung hahayaan ko po baka mas tumambak ang mga"
"Damn."
"Po?" Natigil siya sa sinasabi niya nang marinig niya itong may sinabi pero hindi naman niya naintindihan. Inangat niya ang tingin niya sa mukha nito at kita niya na titig na titig ito sa kaniya kaya bigla siyang nailang, doon niya lang naalala na hindi pala siya nakasuot ng uniform at ang lakas pa ng loob niya na humarap sa amo niya ng ganito ang ayos. Agad niyang hinablot ang tuwalya na may kalapitan lang at binalot ang pang-itaas na bahagi.
"Ma-maaga po pala kayo nakauwi. Hindi pa po ako nakakahanda ng hapunan."
"You work out?"
"Po?"
"Can you please drop the 'Po', hindi nagkakalayo ang edad natin. Stop being timid and answer my questions right away." Mukhang iritado na ito lalo kaya tumango na siya ng mabilis.
"Hindi po—"
"Hindi."
"Op— Hindi." Mas nahigpitan niya pa ang paghawak sa plastic nang umisang hakbang ito dahilan para mas lumiit ang space sa pagitan nila.
"You look good on your messy bun. I didn't know that I have a very pretty... and sexy maid here," he smiled sexily giving her goosebumps. Nag-init ang pisngi niya at agad na napaatras. Tama talaga siya na magaling ito sa mga babae, mabulaklak ang dila kahit mukhang seryoso.
"Maghahanda na po ako ng para sa hapunan sir, sandali lang po." Hindi niya na ito hinantay magsalita pa at halos patakbo na siya na umalis doon. Tinapon niya sa basurahan ang mga dahon bago dumeretso sa kwarto niya na may cr. Mabuti na lang talaga ang maids room ay mayroong banyo kahit maliit lang. Mabilis siyang naligo at nagbihis ng uniform bago lumabas ng kwarto. Nakita niya na wala na ito sa labas pati sa sala, nakahinga siya ng maluwag at naghanda na ng mailuluto niya.
Nagluto siya ng sinigang na baboy dahil iyon ang naisip niya na pwede sa mga ingredients na mayroon sila. Mukhang hindi naman maarte sa pagkain ang boss niya. Ngayon lang siya magluluto para rito dahil nga kagaya ng nasa isip niya ay laging gabi pa ito umuuwi.
Nang matapos sa pagluto ay inihain niya na sa lamesa ang mga pagkain. Tumungo na rin siya sa kwarto nito para tawagin. Tatlong beses siyang kumatok bago magsalita.
"Sir? Nakahanda na po ang pagkain," sambit niya sa medyo malakas na boses. Naghintay siya ng ilang segundo at nang wala pa rin itong sagot ay akmang kakatok na sana siya nang biglang bumukas ang pintuan. Hindi man lang niya naramdaman o narinig ang paglalakad nito galing sa loob ng kwarto.
"Did you clean my room?" tanong nito sa kaniya. Hindi naman siya agad nakasagot dahil ang mata niya ay nakatuon sa matigas na tiyan nito.
"You can touch my abs if you want," sambit nito sa baritonong boses. Umiling naman siya at agad inangat ang tingin.
"Naglinis po ako, sir." Tumingin ito na parang namangha dahil hindi niya pinansin ang sinabi nito.
"Okay, then help me to find my one earring." Nilakihan nito ang pagbukas ng pinto kaya pumasok na siya. Wala naman siyang nakita na hikaw kanina kaya hindi niya rin talaga alam.
"Ano po bang itsura sir?" tanong niya rito habang nililibot ang paningin.
"It's a simple white gold earring. Maybe I dropped it?"
Tiningnan niya ang ibabang ng kama at pinagpag iyon. Pinasadahan niya rin ng tingin ang cabinet pero wala naman din doon.
"Hindi niyo po ginamit ngayong araw sir?" Pagtatanong niya ulit.
"I am wearing my black piercing earings," ani nito kaya napalingon siya. Tumagilid ito para ipakita ang suot na hikaw. Napalunok naman siya dahil mas nadepina ang jawlines nito at doon niya lang napansin na sobrang bagay pala ang hikaw sa lalaking kaharap niya.
Hindi na siya tatanggi pa, parang perpekto ang visual ng amo niya. Papasa na itong model at celebrity.
Inalis niya na ang tingin dito at nagsimula ulit maghanap. Bumalik siya sa gilid ng kama at yumuko ng husto pero natigilan siya nang tumama ang pwetan niya sa matigas na bagay.
"Fuck."
Napigilan niya ang paghinga niya at napabaling ng tingin sa likuran niya. Ang boss niya ay nakatayo sa likuran niya at wala ng espasyo sa pagitan nilang dalawa. Ang pwetan niya ay nakadikit sa gitna nito na nagpataranta sa kalooban niya. Tumikhim siya ng malakas at tumayo ng maayos na parang walang nangyari.
"Baka nasa ilalim ng kama ang hikaw," wala sa sariling sambit niya at yumuko na ng may distansiya sa binata.
Hindi naman ito nagsalita kaya patuloy niya na hinanap ang hikaw. Ginamit niya pa ang flashlight ng cellphone niya para makita ng husto ang ilalim ng kama. May kumislap naman sa pinakagilid ng kama banda sa gawi niya, dumapa na siya para maabot iyon at nang makapa iyon ay hikaw nga.
"Ito po ba 'yon sir?" tanong niya nang makaluhod at maharap ito. Tinaas niya pa ang kamay niya para makita nito. Tumayo siya ng hindi ito kumibo dahil nakakunot pa rin ang noo.
"Ito po sir?" ulit niya pa. Hinablot naman nito agad ang hikaw, wala na talaga ito sa mood.
"Sige po sir, labas na po ak—"
"Did you just act like you never hit my crotch with your goddamn ass?"
Napaubo siya sa sinabi nito, parang nasamid ata siya sa sariling laway. Hindi niya maintindihan kung bakit pa talaga sinabi nito ang tungkol sa bagay na hindi niya na nga inimikan.
Mukhang guguluhin ata nito ang utak niya...