CHAPTER 17

1362 Words
Nagising siya nang maramdaman na may mabigat na bagay na nakapatong sa bewang niya. Pagdilat niya ay nakita niyang yakap-yakap siya ni Callum ng mahigpit. Napangiti siya nang makita ang guwapo nitong mukha kahit natutulog. Marahan niyang tinanggal ang kamay at legs nito na nakadantay sa kaniya. Babangon na sana siya nang pumulupot muli ang kamay nito sa bewang niya para pigilan siya. "Where are you going?" tanong nito sa bagong gising na boses. "Sa banyo lang," sambit niya. Naiihi kasi siya kaya siya babangon pero kung hindi pa siya naiihi ay hindi talaga siya tatayo dahil masaya pa siya sa posisyon nilang dalawa na magkayakap. Tumingin naman ito sa kaniya ng ilang segundo. "Iihi lang talaga ako. Hindi kita iiwan," ani niya at niyakap ito pabalik. Ramdam niya naman na iyon ang gusto nito marinig. "I love you," he murmured. Humigpit ang yakap nito sa kaniya kaya hinigpitan niya na rin ang yakap dito. "Alam ko." "Wrong answer, baby," ani nito kaya napatawa siya. "I love you too! Pakawalan mo na ako," natatawang sambit niya rito at tinapik tapik ang likod. "Hindi kita papakawalan." Parang hinaplos naman nito ang puso niya. "Ang ibig ko sabihin ay pakawalan mo muna ako ngayon dahil naiihi na ako!" hinampas niya ito pero may kahinaan lang. "Fine, fine." Niluwagan nito ang pagkakayakap pero bago pa man ito kumalas ay pahabol itong humalik sa labi niya. Naiiling na lang siya dahil tanghaling tapat ay kilig na kilig siya. Hindi niya pa man nakikita ang oras ay alam niyang tanghali na dahil inumaga sila ni Callum. Hindi siya nito tinigilan kaya ngalay ang legs niya at masakit ang pagitan ng hita niya. "Can you walk, or you want me to carry you?" tanong nito sa kaniya. Umiling siya rito at sinenyasan na kaya niya. Dumeretso siya sa banyo na paika-ika. Umihi siya at naghilamos na rin ng mukha para magising na ng tuluyan. Napatingin siya sa salamin at nanlaki ang mata niya nang namumula ang kaniyang leeg, dalawa iyon at halatang halata. "Callum talaga!" bulalas niya pa nang makitang mayroon din sa gitna ng dibdib niya at sa tiyan niya. Kinuha niya ang bathrobe na nakita niya sa may banyo. Iyon muna ang sinuot niya para naman may saplot siya paglabas ng banyo. "Anong oras na?" tanong niya kay Callum na hawak na ang cellphone. Nakasandal ito sa headboard ng kama. "1 pm. I already ordered food." Tumango siya rito at napatingin sa dala niyang bag kagabi. Nandoon ang backpack niya na binitbit niya dahil may dala siyang extra na damit at naroroon din ang sling bag na pinahiram sa kaniya ni Arianna. "Si Arianna ang nagdala ng bag ko rito?" tanong niya kay Callum at nilapitan iyon. "Yes. I woke up at 9 am. She brought it here. She said that the sling bag is yours now." "Huh? Hindi pwede! Ibabalik ko ito." "She has a lot of luxury bags, don't bother to give it back," kibit balikat na sambit nito sa kaniya. "Come here, hug me again," dugtong nito at binitawan ang cellphone. Binuka nito ang dalawang kamay para hintayin siyang lumapit at yakapin. Nilapitan niya ito agad at kumandong dito para mayakap ang binata. "Can you say why you are avoiding me before? I want to know because you suddenly say that you love me too. I still can't believe it, and it feels surreal." Napanguso siya dahil nahihiya siyang sabihin na siya ang naunang nagkagusto rito at pinagkamalan niya pang nanloloko ito sa fiancé kuno na hindi naman pala totoo. "Pauwi ako ng cebu at tinatawagan kita, hindi ka sumasagot kaya tinext na lang kita. Pero noong gabi na nasa barko ako ay tinawagan ulit kita nagbabakasakali na sumagot ka. Iyon, may sumagot nga sa tawag ko pero babae naman. Nagpakilala siyang fiancé mo kaya akala ko mayroon ka na talagang papakasalan." "Oh god. It's Arianna! That's her habit when she is always with me, and I'm with my phone? She will get it secretly and answer calls from... from my ex-flings. But promise! I never entertained when you came into my life!" Natawa siya dahil sa pagpapaliwanag nito. "Sus! Kahit noong nandoon na ako, marami pa ring babae ang pumupunta sa bahay mo." Nagbibiro lang siya pero namutla naman ito. "It's only the first day or two? I stopped when —" "Nagbibiro lang ako!" putol niya rito. Alam niya naman iyon, napansin niya rin na maaga itong umuuwi madalas at hindi niya na masiyadong nakikita ito na kasama ang ibang babae. "I know I fell when you comforted me that night. When I talked about my mom, that was the first time I told that story to someone I had just met for days." Mas humigpit ang yakap nito sa kaniya kaya siniksik niya ang mukha niya sa leeg nito. "Basta ako, hindi ko alam kung kailan. Masaya ako kasama ka pero nasaktan ako ng akala ko mayroon ka na talagang fiancé. Siyempre maid mo lang ako wala akong karapatan usisain ka." "Kaya tinakbuhan at iniwan mo ako?" "I'm sorry," she said and pouted her lips. "I'm also sorry for making your heart ache and making you more tired. Alam kong pagod ka na sa problema ng pamilya mo at nakadagdag pa ako," sambit nito habang marahan na hinahaplos ang buhok niya gamit ang isang kamay. "Pano mo nalaman? Sinusundan mo ako 'no?" pagbibiro niya at bumangon para makita ang mukha nito. "Yes. Hindi ako mapalagay pag hindi kita nakikita," sagot nito at ngumiti. "Talagang sinusundan mo ako?! Bakit hindi kita napansin?" gulat na tanong niya. Hindi niya naman ito napansin at higit sa lahat ay hindi niya naramdaman na may sumusunod sa kaniya. Bumuntong hininga ito at pinitik ang noo niya. "That's your problem! What if I'm some bad guy follow you?" umiling iling ito. "Kakaratihin ko! Malakas ata ako!" she scoffed. "You're not that strong. Mabilis ka nga mapagod, tatlong rounds lang taob ka na." Umawang ang labi niya at mabilis na hinampas ito. Magsasalita sana siya nang nag-ring na ang doorbell ng suite nila. "Baliw ka! First time ko 'di ba?" inis na sambit niya rito. Tinawanan lang siya nito nang makatayo na ito. Naghintay lang siya ng ilang minuto at lumabas na rin siya. Sakto wala na ang nag-deliver ng food nila. Hindi kasi niya kaya humarap sa ibang tao dahil tanging bathrobe lang ang suot niya. Si Callum naman ay may suot ng shorts. Kumain na sila ng late brunch nila. Marami siyang nakain dahil gutom talaga siya. Nagkwentuhan lang sila ng binata hanggang sa matapos silang kumain. Sabay silang naligo at pati sa banyo ay hindi ito nagpaawat dahil naka-isa ito sa kaniya. Callum being sweet and clingy to her also feels surreal to her. Hindi niya akalain na masusuklian nito ang pagmamahal niya at mas lalong hindi niya akalain na nahulog ito sa kaniya. Umuwi sila at magkahawak na pumasok sa bahay. Binigyan pa nga siya ng kakaibang ngiti ni Jura dahil nakasalubong nila ito at si manang Conching. Dumeretso sila sa kwarto ni Callum at muli na naman siyang niyakap nito. "Kanina ka pa yakap ng yakap, baka magsawa ka niyan agad." "I'll never get tired hugging my girlfriend," sambit nito na ikinataas niya ng kilay. "Girlfriend? Hindi pa nga kita sinasagot!" Humiwalay siya rito at pinagkrus ang kamay. "I'll promise! I court you every day. I already saved this date to my phone and used it as my password," seryosong saad nito. Tumawa siya ng malakas. "Ang isang Callum ay ganito pala ka clingy?" Napaupo siya sa kama dahil sa kakatawa. "You're making fun of me, baby." Pinunasan niya ang mata dahil naluha na siya sa sobrang pagtawa. "Ikaw kasi eh!" "I'm serious!" ginulo nito ang buhok dahil mukhang napikon sa kaniya. "Sige na nga! Tayo na," sambit niya habang nagpipigil ng tawa. Sumeryoso ang mukha nito. "Napilitan ka ba?" mukha na itong badtrip kaya doon niya na nilapitan at niyakap. "Ito naman hindi mabiro!" "Because I'm serious about you!" "Oo na, yakapin mo na lang ako," ani niya na agad nitong sinunod. Ito na ata ang pinakamagandang araw niya. Puno ng saya ang puso niya at sana ay hindi iyon mawala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD