bc

Chasing After You (R18)

book_age18+
8.0K
FOLLOW
51.4K
READ
billionaire
revenge
love-triangle
possessive
sex
fated
second chance
sweet
slice of life
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Liberated at wild na uri ng babae si Ariani Mariette Meneses, impulsive at self-centered, kaya nang makilala ang hot ngunit kind-hearted na lalaking bagong lipat sa katabing bahay na si Lawrence dela Merced ay mabilis niyang ginusto na kunin ang atensyon nito. Nang malaman niyang mahalaga rin pala ang binata sa pinaka-kinaiinisan na half-sister ay tuluyan niya nang ginawa ang lahat para akitin at angkinin ang bachelor next door para lang sa selfish na dahilan nito. Ngunit nang tuluyang nahulog na ang loob ng binata sa kaniya ay saka naman kinaharap ni Ariani ang consequences ng bawat mali at makasariling desisyon na nag-ugat sa problema nito sa pamilya.

Hanggang saan kaya dadalhin si Ariani at Lawrence ng pagmamahal na kayang magpatawad at umunawa?

chap-preview
Free preview
Simula
R18 This means that this story contains mature contents so please read at your own risk. Ang istoryang ito ay hindi para sa mga judgmental na uri ng tao, hindi lahat ng characters ng aking novels ay isinulat ko sa mala-perpektong kwento, as much as possible nirerelate ko sa malapit sa problema sa realidad at ang goal ko sa bawat story na isinusulat ko ay magkaroon ng mga temang itinuturing ng iba na sensitibo at hindi masyadong tinatalakay ng ibang writer. Gusto ko ng unique at nag-eexplore ako. So kung isa kang insecure at judgmental na uri ng tao bawal ka lumagpas sa page na ‘to. Stop flipping to the next page kung may nega comment ka rin sa huli, tatawagin kitang hipokrita at tanga sige. SIMULA TINITIGAN lang ni Ariani ang buong paligid ng silid, halos manuot ang lamig ng temperatura dulot ng aircon sa kaniyang mga balat. Kahit siguro electricfan lang ang nakabukas ay ganoon pa rin ang mangyayari sa kaniya dahil sa sobrang kaba na nararamdaman. Kanina pa niya tinatanong ang sarili kung ano nga ulit ang dahilan at pinaunlakan niya pa ang imbitasyon ng taong nagpapunta sa kaniya rito? Unang tapak pa lang ng mga paa niya sa loob ng lugar kung saan sila dati parehong nakatira at bumubuo ng mga pangarap magkasama ay kusa nang nagbalikan lahat ng alaala na matagal niyang inaral kung paano kakalimutan. Bakit nga naman ba kasi hindi dapat kalimutan pa? Punung-puno 'yon ng pagkakamali. Pagkakamali niya sa nag-iisang lalaki na walang ibang ginawa kung hindi unawain, patawarin at mahalin siya nang buong-buo. Iniisip niyang marahil ay masyado pa siyang bata noong mga panahon na 'yon, walang kaalam-alam sa kung paano talaga pinananatili nang patas ang pagmamahal sa loob ng isang relasyon. Careless, very young and won’t care a bit about her future. Minsan ay nagsasawa na lang siyang alalahanin ang naging mga pagkakamali niyang ‘yon dahil sa tuwing bumabalik sa kaniya ang lahat ay wala siyang ibang nagiging reaksyon kung hindi ang ma-disappoint sa sarili. Lalo na kapag nakikita o nakakausap pa ang lalaking nasa harap niya ngayon. Isinara nito ang pinto pagkapasok sa salas at nang magtama ang kanilang mga tingin ay naramdaman kaagad ni Ariani ang tila paghinto ng t***k ng kaniyang puso. Parang kailan lang, humihinto ang t***k ng puso niya dahil sa hindi maipaliwanag na saya na epekto ng lalaki sa kaniya, pero ngayon dahil na ‘yon sa hindi maipaliwanag na kaba. O hiya. Hindi na siya sigurado. Ito ang taong makikita unang-una sa listahan ng mga taong nasaktan niya. No other than Lawrence dela Merced. Suot ang black executive suit, naisip niyang baka galing pa ito sa opisina, at gaya ng dati ay napaka-lakas pa rin ng epekto nito sa kaniya kahit na tinititigan pa lang siya nito. His intense and penetrating deep set eyes met hers, still as brown as she remembered, walang bago at ganoon pa rin, his hair combed clean, aristocratic nose and thin lips. Bahagya nitong ginalaw ang suot-suot na eyeglasses saka pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa, there was a look to his stare that made Ariani feel extra uneasy for no reason she could explain. “Kumusta na ang asawa ko?” he said and gave a lopsided smile. Sa boses pa lang nito ay naramdaman niya na kaagad ang tila mga magugulong kung ano na nagwawala sa kaniyang dibdib. Gaya pa rin ng dati... bakit ganito? Inipon ni Ariani ang lahat ng tapang na kanina pa itinatabi para sa pakikipag-usap sa lalaki, it’s been years simula noong huli silang magkausap. Pero parang kailan lang. “Sabihin mo na lang nang diretso kung ano ang dapat pa nating pag-usapan, Lawrence.” “Bakit? Are you in a hurry? Ngayon na lang tayo ulit nagkita, hanggang ngayon ba ay wala ka pa rin bang kayang ibigay na oras pagdating sa ‘kin?” “Naisip kong baka gusto mo pa ‘kong sumbatan bago tayo tuluyang maghiwalay, may karapatan ka naman kung ‘yon ang gusto mong gawin. Bibigyan kita ng pagkakataon kung ‘yon ang makapagpapa-gaan ng loob mo.” Nag-iwas na rin ng tingin nang hindi agad nakakuha ng sagot mula sa kausap. Mariin lang siya nitong tinititgan sa mga mata kanina pa kahit panay ang pag iwas niya ng sulyap. Naglakad ito palapit sa kaniyang gawi kaya naman abot-abot ang pagkabog ng kaniyang dibdib, siya na mismo ang tumayo mula sa kinauupuan para salubungin ito. Halos mapasinghap si Ariani nang huminto ito ilang distansya na lang ang pagitan nila saka hinaplos ang kaniyang pisngi. Sa pagdikit pa lang ng kanilang balat ay dose-dosenang alaala na ang nagsibalikan sa kaniya. Mga alaalang matagal nilang binuo at pinagsaluhan sa mga nakalipas na taon, noong ayos pa ang lahat at hindi pa niya nauunawaan kung anong klaseng problema ang pwedeng kaharapin dahil sa pagkakamaling ginawa. Alaalang masaya ngunit kalungkutan na ang dulot sa kaniya ngayon. “Let’s talk about us. I was worried about you lalo na noong-“ Hinawi niya ang kamay ng kaharap na lalaki. “Kung ‘yan ang pag-uusapan natin ngayon, wala na akong makitang dahilan para magtagal pa rito.” Pumungay ang mga mata ni Lawrence nang mapunta ang tingin sa kaniyang mga labi saka nagbalik ang atensyon sa kaniyang mga mata na pinipilit niyang patapangin, huwag lang nitong mahalata ang malungkot na emosyon kung sakaling traydorin siya ng sarili sa harapan ng lalaki. Inangat nito ang kamay upang iipit ang takas na hibla ng buhok sa likod ng tainga niya. “It's been years, Ariani, sinabi kong mag-usap tayo kapag maayos ka na sa pagdedesisyon and I'm actually expecting you to come back to me-“ Sa pangalawang pagkakataon ay pinutol nito ang sinasabi ng lalaki. “I’m good without you, Lawrence. I'm sorry.” He stopped right in front of her. Dumaan ang sakit sa mga mata ng lalaki na nakita mismo ni Ariani matapos niyang bitawan ang huling mga sinabing salita. Noon pa man, walang ibang ginawa ang lalaki kung hindi ang ingatan at mahalin siya nang buong-buo, habang sakit sa ulo at sa puso naman ang dinulot niya rito. May parte sa kaniyang gusto itong hagkan muli ngunit sa ngayon ay utak na ang ginagamit niya, kaya naman alam niya nang kahit na anong pilit nito ay hindi dapat siya bumigay. Afterall, mas marami ang dahilan para hindi na ipagpatuloy pa ang kung anong mayro’n sila. "You're sorry?" "Mas sasaya ako kung hahanap ka ng babaeng mas deserving sa pagmamahal mo. Obviously it's not me." Lumunok siya para itulak ang bara sa lalamunan. “Kung may iba ka pang gustong sabihin, siguro ang mga abogado na lang natin ang dapat na mag-usap.” Dumaan ang mahabang katahimikan pagkatapos niyon, iniwas ni Ariani ang tingin sa kaharap dahil sa naramdamang hindi pagka-komportable sa uri ng tingin nito para sa kaniya ngayon, puno pa rin naman ng pagmamahal ngunit may halong matinding lungkot. “Aalis na ako-“ “Bakit? Hindi mo pa rin ba matagalan na kasama ako?” ani nito sa kaniya, umawang ang bibig ni Ariani para sana itanggi ang tanong sa kaniya ngunit nagpatuloy muli ito sa sasabihin pa. “Hindi ba pwedeng ayusin natin pareho 'to kaysa tinatakbuhan mo 'ko palagi?” Mabilis na nag-angat siya ng tingin kay Lawrence. “Alam mong hindi na pwedeng mangyari pa ‘yan, Lawrence!” abot-abot ang pagtibok ng kaniyang puso dahil sa narinig. Iba pa rin ang epekto ng kausap sa kaniyang sarili. “Ariani, isang salita lang mula sa ‘yo at gagawin ko ang lahat bumalik lang tayo sa dati. Handa akong gawin 'yon, wala akong pakialam sa mga taong tutol sa mayro'n tayo, we're both adult now for Pete's sake!” Her heart can’t stop beating so fast, humugot siya ng malalim na paghinga para ikalma ang sarili. “Napag-usapan na natin ito, please, Lawrence. Don’t make this hard for me.” Naiiling na sabi niya saka iniyuko ang ulo. “Then tell me, what’s your reason again for the annulment?” Umawang ang bibig ni Ariani para buong ipaalam ang bawat dahilan na ni-rehearse niya pa kanina sa sariling kotse bago sila magkita. Sigurado siyang kailangan niya ng maraming dahilan para hindi na ito makaalma pa. “Hindi na kita maha-“ Pero bago pa man niya matapos ang pagsasalita ay isinara na ni Lawrence ang distansya sa pagitan nilang dalawa saka yumuko para hulihin ang kaniyang labi upang mahalikan. Nanlaki ang mga mata ni Ariani, agad niyang naramdaman ang lambot ng mga labi nito sa kaniya ngunit dahil sa gulat ay agad na itinulak ito palayo. Abot-abot pa rin ang t***k ng kaniyang puso. Nang maitulak ito ay agad din siyang hinapit pabalik at halikan muli ang kaniyang mga labi. This time his kisses went wild, he kissed her hungrily. She suddenly felt a familiar feeling and sensation all over her body. It felt so good for her, how she missed those lips and kisses. From those kisses, he made her feel the desperation and longing he still have for her up until now. Naramdaman niya kaagad ang tuluyang panghihina ng mga tuhod kaya naman kaagad niyang inabot ang mga braso nito. Imbis na lalo itong itulak ay tuluyan siyang nawala sa sarili dulot ng sensasyon na ipinapaalala nito sa kaniya. Her lips moved with his. At nang palalim na nang palalim ang kanilang mga halik para sa isa’t isa ay kusa nang humiwalay si Lawrence dito. His jaw clenched as his eyes darted towards her lips. “For five damn years up until now... I’m still madly in love with you,” habol ang paghinga na bulong nito sa kaniya saka muling sinunggaban ang kaniyang mga labi. Namalayan na lang ni Ariani na lumapat na ang kaniyang likuran sa couch nito, milyon-milyong boltahe ng kuryente ang naramdaman niya sa bawat pagdikit ng kamay nito sa kaniyang balat. Magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi niya na gustong maramdaman pa ang bawat haplos ng asawa sa kaniya gaya noong magkasama pa sila. She felt his hand covered her breast, at ang isang kamay ay unti-unting umaangat sa kaniyang hita patungo sa kaniyang kaselanan. Pakiramdam ni Ariani ay tuluyan siyang nawala sa sarili. His kisses went down on her neck at mas lalong nawala siya sa katinuan. “Lawrence...” sambit niya upang pigilan sana ito ngunit mas nagtunog malambing ang tono niya ro’n. Humiwalay sa kaniya si Lawrence upang titigan ang kabuuan ng kaniyang mukha at nakita itong ngumisi. “How could you say you don’t love me anymore when you still give in to my kisses, huh?” Kagat-kagat ang ibabang labi na ibinaba ni Lawrence ang skirt na suot niya saka umismid. “And if the court sees how we kissed and make out awhile ago, they will surely junk our annulment.” Umiling si Ariani, pinamumulahan ng mga pisngi dahil sa nangyaring karupokan kanina lang. “No way, Lawrence!” “Good thing I’ll have my CCTV tapes in the court, though.” Turo nito sa CCTV camera na sinundan ng tingin ni Ariani. Sinamaan niya ng tingin ang kausap. “They will never grant our annulment kung makita man nila ‘yan and that is for sure.” Hinagod niya ang kaniyang buhok sa sobrang frustration at hiyang-hiya na itinulak palayo ang lalaki saka tumayo. “Ano pa bang gusto mo, Lawrence! Hindi ko na nga gustong manatili pa na kasal sa ‘yo!” tears flooded in her eyes while still faking her anger for him, hindi ‘yon dahil sa ayaw niya na talaga sa lalaki gaya ng kung ano ang sinabi niya rito. Nagsinungaling siya. Kitang-kita niya kung paano matigilan ang kausap, hindi inaasahan ang mga sinabi niya rito, saka biglang pinatigas ang emosyon. "Hindi kita maintindihan, alam mong mahihirapan lang tayo pareho kapag nanatili pa tayo sa isa't isa pero ayaw mo pa ring sumuko! I hate you!" Mapait na tumawa si Lawrence matapos marinig ang sinabi niya. "Nangako tayo sa isa't isa na hindi susuko kahit na anong mangyari. Pero magmula noong naging magulo ang lahat... wala ka nang ibang ginawa kung hindi iwanan ako." Natigilan si Ariani dahil doon. Nanikip ang kaniyang dibdib lalo na nang makita ang pagtutubig ng mga mata ng kausap, nag-iwas ito agad ng tingin mula sa kaniya. “I’ll give you conditions, Mrs. dela Merced.” He started again. “Papayag lang akong... maghiwalay tayo at pirmahan ang annulment paper na 'yan sa isang kondisyon. H'wag mo nang subukan pang takbuhan na naman ako at iwanan, hinding-hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Sinigurado ni Lawrence na mawawalan ang asawa ng kahit anong pagpipilian sa kaniyang plano. He loves her so much since day one. Kahit maraming sugat na ang naibigay sa kaniya nito at kahit marami pa ang parating sa pananatili niya sa kakaunting pagmamahal na kayang ibigay ng asawa ay titiisin niya. Wala na siyang balak pang pakawalan ito. “Ayaw mo namang mangyari ‘yon, hindi ba?” dugtong pa nito at sa hindi mabilang na pagkakataon, nakita muli ni Ariani ang sakit sa mga mata ng kausap. TO BE CONTINUE...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
96.7K
bc

His Obsession

read
74.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook